1

5 1 0
                                    

Last week in June, Monday, 7 am.

Dali-dali ko kinuha ang bag ko at mabilis na lumabas sa gate at sumakay na sa sasakyan. I saw our driver sighing because maybe i’m already half hour late for school. Mabilis ko inopen ang cellphone ko at bumangad doon ang mga text ni Enitha.

From: Enitha
tagal mo ://

From: Enitha
TAGAL MO

From: Enitha
sana mamatay kana bwesit ka, nag aksaya pa ako ng ilang oras para maghintay sa’yo may pasabi-sabi ka pang hihintayin mo’ko tapos ako pa ang naka-una sa’yo!!!!!!

I sighed and immediately reply.

To: Enitha
Sorry na :( nakalimutan ko mag alarm

Minutes later, my phone vibrates.

From: Enitha
🖕

Napahawak ako sa aking sintido. Nung naka-dating na kami sa eskwelahan ay hindi na ako nakapag-paalam pa at deritso lang ang lakad ko para maka-abot pa ako sa flag ceremony. Laking dismaya ko na hindi ako naka-abot, kaya ’eto ako ngayon at nag-lilinis sa field kasama ang ibang late at nakakasigurado ako na late na ako sa first period. Nung natapos ako ay deritso agad ako sa cr para mag hugas ng kamay at doon ko nakita si Enitha na napasimangot.

“Ano ginawa mo dito?” tanong ko ng mahina.

Kita ko agad ang pagtaray niya at tinalikuran ako. Dali-dali ako sa ginawa ko para masabayan ko siya. “Wala naba si Ma’am Alvarez?” tanong ko habang naalala ang assignment namin ngayon sa math kay Ma’am Alvarez. Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako pinapansin kaya napabuntong hininga nalang ako at hindi nalang nag-salita. Galit nanaman si bruha.

Umabot ’yon ng ilang oras at hindi niya ako pinansin hanggang sa recess time na. Niligpit ko ang mga gamit ko at pumunta na sa canteen, mabilis naman siya lumabas at sumama sa mga kaibigan niya at sigurado ay lalabas sila sa campus para roon bumili.

Nagtipa agad ako ng text para sakanya.

To: Enitha
Bwesit ka, hayaan mo akong mamatay dito, ’wag mo na akong pansinin.

Ilang minuto ay nakatanggap ako ng reply.

From: Enitha
tama, mamatay ka d’yan! ako pa mag libing sa’yo.

Napahawak ako sa sintido at binaba nalang ang cellphone ko. Mabuti at nandito ang mga ka-football team ko at naki-join nalang ako sakanila. Halatang friendless ako nito. Kinuha ko ang cellphone ko nung tumunog ito at napangisi ako sa reply niya.

From: Enitha
where u?

I pursed my lips. Hindi ko ’yon nireplyan at sumama ako sa mga ka-football team ko na pumunta sa rooftop para magpa-hangin. Maya-maya ay nag vibrate nanaman cellphone ko.

From: Enitha
sige na, sorry na, magpakita kana sa akin bwesit ka.

Napatawa agad ako. Kita ko ang mga kuryoso na mukha ng mga ka-team ko at alam ko agad na binigyan na nila ’yon ng meaning. Umiling ako at umusal ng mahina ‘si-Enitha’, na-gets naman nila bigla.

To: Enitha
Patay na po si Eros, paki-kuha nalang po bangkay niya para ilibing :)

Sakto pagkatapos nung message ko ay tumunog ang cellphone ko hudyat na tumawag siya. Sumenyas agad ako para sagutin ang tawag, nag thumbs-up naman sila lahat at sinabihan pa akong goodluck.

“Hello po, kukunin niyo na po ba ang bangkay niya? Mga magulang po ba ’to ni Eros Fernando?” napa-ngisi agad ako.

“What the fuck are you saying?” she hissed, “Idiot!”

“Ay hindi po ba ’to mga magulang niya? Ang nakalagay po kasi dito sa contacts ‘nanay ko’, sorry po talaga.” pinigilan ko ang tawa ko nung narinig ko ang mabigat na hininga niya sa kabilang linya, sign na galit na talaga siya sa pinagsasabi ko.

Us Again (Losers Series #1)Where stories live. Discover now