3

6 1 1
                                    

“Where are we going to celebrate your birthday next week?” mom asked. Napalingon si kuya at siguro hinihintay sagot ko, mismo si Daddy ay parang nakikinig kahit tutok sa cellphone.

I sighed, “Okay lang naman po dito sa bahay. . .but if you guys prefer outside then i guess it’s still fine?”

“Are you sure?” dad asked. Napa-inom agad ako sa tubig bago sumagot. “I only have few friends, Dad. I think celebrating it here would be still nice.”

Napagdesisyonan agad nila na sa loob nalang ng bahay mag celebrate. Nag insist kuya ko na dapat sa resort nalang mag book pero umiling ako.

After a week preparing for my birthday, I decided to invite my classmates. Nagulat sila no’n. I admit that i’m not really. . . friendly, may kaibigan ako pero ilan lang, kausap ko naman lagi ang mga ka football team ko pero hindi naman lagi, kaya ang hirap pag nasanay ka sa isang tao lang.

“Eros. . .” I heard Enitha’s voice after our training. Nagkibit-balikat ako at ngumisi, sabi ko nga ba hindi ako matitiis nito e. Pupuntahan ko na sana ko siya nung nakita ko ang sa tabi niya. Roylan immediately waved his hands as he pursed his lips, ngumiti lang ako pabalik at hindi nag-abala mag salita.

“Bakit?” inis kong sabi.

“Malapit na pala birthday mo ’no?”

Napataas agad ang kilay ko sa naging tanong ni Enitha. “Ah. . . bati naba tayo?” I scoffed.

Enitha immediately chuckled, kumapit siya sa bisig ko na parang unggoy at kahit anong tanggal ko sa kamay niya ay parang nakadikit na ito. I rolled my eyes. Si Roylan ay tumingin lang sa amin na tahimik habang natatawa sa pinag-gagawa ni Enitha.

Tatayo na sana si Roylan at siguro mag-paalam na kaya nag salita na ako. “Punta ka sa bahay. . . ngayong sabado. .” napaiwas ako ng tingin. “Birthday ko.” dagdag ko.

Napangiti agad si Roylan at napakamot sa batok, tahimik lang din naman si Enitha habang kapit pa rin sa bisig ko. “Narinig ko kanina na ininvite mo kaklase natin, sige. . . pupunta ako.” tinatapik niya agad ang balikat ko at nag-paalam saglit kay Enitha bago tumalikod na.

I hissed. “Wala talaga akong planong i-invite siya e, nakakahiya lang na sa lahat ng kaklase natin siya lang ang hindi ko na invite.”

“Huh? Bakit galit na galit ka ni Roylan?” Hindi na ako nag abala na sagutin ang tanong niya at tahimik lang ako bago maglakad.

Manlilibre raw si Enitha kaya dali-dali ako pumunta sa locker para maligo at magbihis. Buraot ’tong si Enitha kaya ngayon na napag-isipan niyang manlibre, sulit-sulitin ko na. Nag suot agad akong blue v-neck shirt, ’yong nadala ko lang na pambaba is ’yong khaki short na regalo sa akin ni Jiro nung nag champion kami kaya ’yon nalang sinuot ko.

Tawang-tawa naman si Enitha habang nag pipicture sa akin. I’m not really fond of khaki shorts at pinagbawalan kami na mag suot ng shorts sa loob ng campus, pero since uuwi na kami pagkatapos at may pang rason naman ako sa guard, pwede na siguro ’to. Tingin nang tingin ang mga tao sa amin dahil siguro sa lakas na pagtawa ni Enitha, mismo ako ay nahiya kaya binilisan ko na paglakad ko.

Nung nakalabas na kami ay hindi na ako nagdadalawang isip na batukan si Enitha. Kahit kailan sinto-sinto talaga, pa ’no nalang kung may nainis do’n tapos ma-featured kami sa freedom wall ng page sa school?

“Kaya walang nagka-crush sa ’yo e, ang ingay mo.” usal ko.

Kita ko ang paghawak niya sa dib-dib niya na parang nasaktan at bumitaw sa akin sa paghawak.

“Hindi na kita kilala. . .” she dramatically said. I immediately laughed at sinuyo ko naman agad siya kasi baka hindi na matuloy ang libre, sayang naman.

Us Again (Losers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon