5

1 1 1
                                    

When is the last time we talked? October? Time flies, December na ngayon at naglilinis kami lahat sa field para gaganapin na party sa buong school. Uunahin namin i-celebrate ang christmas party sa room bago itong christmas party para sa buong school.

Pagkatapos maglinis ay dumiretso na kami sa room para sa plano sa christmas party namin. Ayon napagplanuhan nila na ilagay sa maliit na piraso sa papel at ma-lagay ng codename roon at wishlist para thrilling daw pagdating sa christmas party, hindi na ako nagreklamo at pera ang nilagay ko sa wishlist at pangalan ko ang nilagay ko sa codename ko.

Maya-maya ay ang nakuha ko na codename ay ‘black night’, ang wishlist niya na sinulat dito ay ‘kahit ano nalang’. I smirked with the thought, baka regaluhan ko ’to ng bato. . .

“Eros! Ang killjoy mo! Bakit name mo nilagay dito? At anong pera. . . Marami kayong pera ah?” usal ni Mary Ann at pinakita niya sa akin ang papel ko.

“Ikaw ’yong killjoy dito, edi alam ko na kung sino ang naka-kuha sa akin?” nagtawanan agad sila. “Kahit ano nalang i-regalo sa akin, tumatanggap naman ako kahit ano. . . basta h’wag lang bato.” nagtawanan agad sila ulit.

While preparing for the school christmas party, nag prepare rin kami sa intermission number naming mga fourth year grade. I don’t want to participate on this — I don’t know how to dance, hell, I would die if ever i would go to heaven and they want me to dance in order to enter the gates.

Napasingkit mga mata ko habang tinignan ang video na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan. They dance so crazy! Mabilis naman silang nag turo kaya medyo na gets ko ang mga steps pero kung may exit door lang talaga dito ay kanina pa ako tumakbo.

“Kailan ka bibili ng gift?” tanong ni Frenz sa akin habang nag-punas siya ng pawis niya.

Nagkibit-balikat ako. Ano ba ireregalo ko nito? Hindi ko nga alam kung lalaki ito o ano. I just nod boredly, masaya naman binalita ni Frenz sa mga girls na pupunta ako kaya sa huli ay marami kaming pumunta sa bilihan. Andaming mga tao ngayon lalo na dahil pasko at medyo bagsak presyo pa dahil medyo malayo pa ang pasko.

“Teddy bear nalang kaya? Sabi mo hindi mo alam kung babae ’yan o hindi.” suhestiyon ni Maureen. Pasekreto ko agad na sinilip ’yong wishlist na nakuha ko, wala talaga siyang linagay ro’n pero base sa codename niya — siguro ay lalaki siya.

“Lalaki siguro,” I said getting bored and tired at the same time. “Sapatos nalang.”

Nakuha ko agad ang atensyon nila dahil sa sinabi ko at malakas silang tumawa. “Three hundred lang ’yong maximum sa gift natin ah? May three hundred ba na sapatos? Ukay-ukay?”

I shrugged my shoulders as my eyes surveyed the area where the nike brand is located. Nakita ko ’yong pink na may halong green — i’m not fond with shoes, kung ano ang binigay sa akin ay susuotin ko naman ’yon kaya hindi ko alam kung ano ang tawag nito. Nakuha ’yon ng atensyon ko kaya ’yon ang pinakuha ko para kunin na.

“Five thousands, sir.” sagot naman ng sales lady.

Rinig ko ang malakas na ubo ng mga kaklase ko dahil siguro sobrang laki na sakanila ’yon. Napalingon ako sakanila at nakita ko silang umiling dahil sobrang mahal daw. Nung tinanong ko ang ibang sapatos ay wala namang pagka-iba kaya kinuha ko na ’yon na walang pag-alinlangan.

They just quite when we successfully went out to the brand. Rinig ko ang mabigat na buntong hininga ni Frenz. “Feeling ko mapepressure si Mary Ann pag sinabi ko sakanya kung ano ang regalo mo sa nakuha mo.” mahina silang tumawa.

“Iba talaga pag mayaman e. . . Siguro ulam niyo ang pera. . .” someone said jokingly.

I know that it’s only a joke pero I felt uncomfortable with the topic. We’re not rich pero may kaya kami. If we’re rich enough we won’t be struggling right now in our company — siguro ay hindi na mahihirapan si Kuya na tahakin ang hindi niya gusto na programa. I mean, wala kami sa level na grabeng yaman na, may pera lang kami na saktong matustusan ang pag-aaral namin at may makakain araw-araw.

Us Again (Losers Series #1)Where stories live. Discover now