4

4 1 1
                                    

“Alam ko talaga na may something sakanila e! Have you seen the way Roylan look at her?” Vanessa, my classmate, asked me out of nowhere. Nasa canteen kami ngayon, dahil do’n sa birthday ko ay inaaya na nila akong kumain tuwing lunch kaya napapalapit na rin ako.

I shrugged my shoulders. “Ay sus, nakita ko nga last time na nag-ayaan daw, siguro mag date.” usal ni Frenz, walang hiyang napa-ubo agad ako at napakunot ang noo.

“Kailan?” usal ko.

“Kahapon, doon sa classroom!” sagot niya. “Sayang exempted ka sa klase dahil athlete ka. Naglandian sila ro’n,” hagikhik niya.

Hindi na ako nakipag-usap sa kanila at nawalan agad ako nang gana. I never thought that they would click that easily, baka nga next week mabalitaan ko nalang na naging sila? I scoffed, baka nga makakalimutan na ni Enitha na may kaibigan siya kung sakali, ah.

Inis kong tinapon ang energized drink sa isang basurahan bago ako tumakbo sa field para sa training. Sasabak kami sa interschool — ’yong makakalaban na namin ang ibang school. I’m glad that i’m part of the varsity team, last year na rin ’to ni Jiro kaya gusto ’kong makasama sa last na laro niya. After the long ass training for the whole day, pagod akong pumunta sa locker. My phone beeps, hudyat na may nag send ng mensahe.

From: Mommy
Nak, we’re having family dinner tonight. Please bring Enitha with you. . . Kuya Edge have good news too!!

Nung natanggap ko ang mensahe ay nagtipa agad ako ng mensahe para kay Enitha.

To: Enitha
May family dinner kami mamaya, mom invites you to come with me.

Later on, I received her reply.

From: Enitha
copy. :)

Ilang minuto ko ’yon tinignan, nawala lang saglit ang atensyon ko ro’n dahil pumasok na ibang ka teammates ko, they’re just loud. Nang-aya pa sila na kumain sa labas pero tinanggihan ko dahil may family dinner nga kami. Kaya nung nawala na sila sa locker room ay bumalik agad ang atensyon ko sa text niya, biglang nanumbalik ’yong sinabi ng mga kaklase namin kanina tungkol sakanila ni Roylan.

I gritted my teeth as I typed a message.

To: Enitha
You’ll come with me? You sure?

From: Enitha
yeah. I will, why?

I sarcastically smirked. What? I thought may date? Ano na-postponed? I typed a message and sent to her and I immediately received a reply right after.

To: Enitha
You promise that you’ll come with me?

From: Enitha
yes.

Around six in the evening, lumabas na ako sa locker room pagkatapos kong linisin ang sarili ko at nakapag-pahinga. Marami pang mga tao sa school since some of them preparing for another games too like; archery, basketball, tennis, etc. — for the interschool.

Ininat ko ’yong mga paa ko bago ko tuluyang naka-pasok sa library, Enitha is here, gumagawa sila sa project nila para sa science — exempted ako ro’n dahil athlete ako. Nung nakita nila ako ay kinaway agad nila ang kanilang kamay para makuha ang atensyon ko, nilingon ko ang paligid at guminhawa naman ako na walang naka-abang na. . . boyfriend niya?

I saw that they’re still busy, medyo stress na rin ang mukha ni Enitha dahil hindi nila matapos-tapos ang gawain. I heard her groan loudly and glanced at me.

“Matagal pa ’to. . .” she said while still searching the whole book.

Tumikhim ako, “I can. . . wait. Mamayang eight pa ang dinner, kaso nga lang pupunta driver namin ngayon para sunduin tayo. . .” tinignan ko ulit ang cellphone ko nung tumunog ito at nabasa ang mensahe ng driver namin. I glanced at Enitha who really looked very stressed out. Mabuti at exempted ako ro’n dahil siguro ay ganyan din ang mukha ko kung sakali.

Us Again (Losers Series #1)Where stories live. Discover now