Chapter 3- Relax, Elora

111 10 3
                                    

Chapter 3

After mag sign ng NDA ay nag sign ako ng contract, medyo late na rin pero totoo yung sinabi ni Ma'am Carol na may free lunch dito. 

At dahil hindi naman ako masyadong gutom, ay mabilis lang ako natapos maglunch sa ubod ng laking pantry nila, hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng gutom kahit ang sasarap naman ng mga pagkain doon. 

Siguro isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi ako makakakain ay yung nung nabasa ko yung nasa contract ko.

Yung sahod ko lang naman monthly ay 100,000php.  Saan ka makakakita ng 6 digits ngayon na kita as CCTV operator?  Daig ko pa yung nasa ibang bansa. 

Sobrang excited ko lang, kasi balak kong kumuha ng insurance, since hindi ko sure kung makakaya ko bang baguhin ang kapalaran ko, at least gusto ko lang na maging secure si nanay financially.

Nakikipagsapalaran lang naman ako.  It's either I die, or I live.  Hindi ko alam, pero gagawin ko ang lahat para mabago yung mangyayari. 

Gusto ko pang makapagtapos, gusto ko pang tulungan ang nanay ko.  Pero kung bilang na araw nalang ang natitira sa akin talaga.  Might as well do my best para matulungan ang nanay ko.

Napukaw ang pag-iisip ko nang makita kong dumadami na ang tao dito sa lobby now that the lunch break is over.

Traze will tour me around daw kaya naman I was asked to just wait for her sa lobby.  I wonder kung nakita na ba nila si Boss Hell?  Nagtataka ako kasi bakit ayaw niyang alisin yung mask niya.  Panget ba siya? 

"Hey, Elora!" napalingon ako sa bagong dating na si Traze.  Iba na ang suot nito.  Hindi na basta pang applicant lang ang dating niya. 

Gone were the simple clothes earlier, replaced by an elegant suit that transformed Traze into an an epitome of sophistication. Her smile, warm and inviting, seemed to light up my mood.  Nawawala yung kaba ko kapag nakikita ko yung ngiti nito.

"Ready for a tour of our world?" Traze started.  She even extended her hand at me para alalayan akong tumayo. 

I, in agreement, nodded with enthusiasm. "Absolutely, Traze."

Lumabas kami ng building at saka nag punta ulit sa warehouse kung saan kami maglilinis sana.  So, dito ba ako naka station?  Sa mismong warehouse?  Nagtataka man ay sumunod nalang ako kay Traze.

Pumasok ulit kami sa warehouse na kalat kalat.  Pagkatapos ay pumunta kami sa isang corner ng warehouse.  May isang maliit na elevator roon.  Pero hindi basta basta elevator, meron iyong face recognition. 

Cool! 

Traze helped me set it up because, at first, it didn't recognize me. As we approached, a smooth AI voice echoed in the elevator.

"We need to set it up, para next time it'll recognize your face.  Tumapat ka sa camera" turo nito sa akin. 

"Facial recognition initializing. Please stand still for a moment." The AI voice spoke. 

I stood there, feeling a bit like a character in a futuristic movie, as the AI voice continued.

"Facial recognition data uploaded. Recognition complete. Please state your name"

"My name is Elora" sagot ko dito.

"Welcome to the Bunker, Elora!"

The elevator doors opened, revealing a high-tech interior that transported us into what felt like a sci-fi movie.

UNMASKEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon