Chapter 6- Be Careful, Elora

135 9 3
                                    

Chapter 6

Day 7

"Woah! You're doing great!" Papuri sa akin ni Traze ng magawa ko lahat ng pinapagawa niya. Kasalukuyan kong nakompleto ang pinaka mahirap na pagpapark para sa akin. Ang parallel parking.

Natuto na akong mag parallel parking, head-in, back-in, and diagonal parking. Lahat yun ay nagawa ko. Mga ilang days na puro whole day ang practice namin. At ngayong araw na 'to, nakita ko na sobrang nag-improve ako sa parking at sa pagtingin sa side mirror.

Ilang days na rin simula ng makita ko ang boss ko, ilang days siyang wala at walang update sa aming lahat. Madalas naman daw talagang mag MIA iyon, at hindi alam ng grupo kung saan nagpupunta. All we know is that we are being paid to just do what she tells us to do.

Tuluyan ko na rin inalis sa isipan ko yung nakita ko sa bag niya. Maybe it was just a co-incidence. No big deal.

"Thank you!" napayakap ako rito. Saglit na parang naestatwa ito sa pagyakap ko, pero maya maya rin ay yumakap ito pabalik.

"Y-you're welcome" kumalas na ito sa pagkakayakap at pagkatapos ay tumingin na sa direksiyon sa harap, "tuwid na tuwid, ah. Ang galing"

Napatingin din ako sa harap. Mapapansin na ang ayos ng pagkakapark ko ngayon. Kanina kasing morning session, kibit pa yung pag parallel parking ko. Pero hindi ko na nasasagasaan ang mga traffic cones.

Kahit sa totoo lang, sumasakit na yung paa at binti ko sa maghapong kakadrive. Magtataxi nalang siguro ako pauwi sa paglabas sa economic zone na ito, may mga taxi naman na dumadaan.

Pansin ko kasi na walang taxi na pumapasok sa loob nito. Kaya naman hassle talaga, maglalakad pa ako ng pagkalayo layo.

"In just a few days, ang galing mo na magpark" nagsalita ulit si Traze kaya napabaling ako dito.

Napangiti ako bago nagsalita, "Ang galing mo magturo, Traze. Ano susunod natin training after driving?"

"You'll see. It's a surprise!" nakangiting sagot nito at lumabas na naman yung napaka cute niyang bunny teeth.

"How much training do I need before we start the real mission?" I asked, nangingibabaw na naman ang curiosity sa akin.

"You still have a lot of things to learn, Elora. Madami dami ka pang dapat matutunan. For now, kailangan mo ng magpahinga. Let's go back to our station"

Ako na ang nagdrive pabalik sa main building. It was just a 5-minute drive at mabilis lang kaming nakarating doon. I parked the car outside the building at si Salvatore na ang bahala roon.

Bumaba na kami ni Traze, dumerecho ito sa main building, habang ako naman ay sa warehouse kung saan nakatago ang underground bunker.

Medyo masakit pa rin yung paa ko sa maghapong kakapractice. Actually, feeling ko nga pagod na pagod ako. Halos wala kaming pahinga ni Traze. Medyo minamadali daw kasi ni Hedera yung progress report ko.

I was on the way to the warehouse ng may tumawag sa phone ko. Nang kunin ko iyon at makita ang tumatawag ay napakunot ang noo ko. Si Louis!

Sa tagal ko na itong manliligaw, minsan hindi ko rin naman maiwasang maisip na sagutin na ito. I mean, I may not like his height, but he's nice and sweet.

"Hey!" bungad nito.

"Yes?" pinagpatuloy ko ang paglalakad papasok sa loob ng warehouse hanggang sa tumapat na ako sa elevator. Huminto muna ako para pakinggan ang sinasabi nito.

UNMASKEDWhere stories live. Discover now