Chapter 5- Don't Touch Me, Elora

112 8 5
                                    

Chapter 5

Day 3

"Sorry na, Chi. Bawi ako sayo, sa sahod ko libre kita samgyup" kanina pa ko nagsosorry kay Chianti, nagpaalam kasi ako sakanya na hindi ko na itutuloy yung pagmamascot ko, sinabi ko sa kanya na nakahanap na ako ng trabaho.

"Oo na, libre mo 'ko ah!" sagot nito sa kabilang linya.

"Oo, kayo ni Chivas. Sige na, bye! Mag start na training" pinatayan ko na ito ng phone ng makita ko si Traze na papalapit na sa akin.

Kanina kasi ay kausap nito si Mario, may sinasabi ito. Naoverheard ko rin sa usapan nila na nahanap na yung ahas ni Hedera.

"Are you ready?" tanong ni Traze nang tuluyan na itong makalapit sa akin. She was smiling and her bunny teeth is showing which I find kinda cute.

Naka ponytail din ito ngayon, na mas bumagay sakanya. Pansin ko mahilig siya sa pink kasi more on my touch of pink ang suot niya, very feminine.

I mean, I never liked pink, pero Traze can actually pull that off. May suot pa itong sling bag na black na may touch of pink.

Her bag is mostly black, but it has some cool pink details. The black color makes it look classy, and the little touches of pink add a vibrant and chic flair. Bagay sa personality niya.

BLACKPINK in your area!


"Wala na bang susunod na prank or test?" pabirong tanong ko rito. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kagabi.

~Flashback~

"You can't go. You signed a contract with us" isang malamig na boses, nakakatakot na mata ng mask ang nakita ko the moment na nilingon ko siya.

"Well, I don't care!" mabilis kong hinatak ang kamay ko sa pagkakahawak niya at saka walang lingon na nagwalk-out sa kanilang lahat.

Pero hindi pa nakakalayo ay pinalibutan na nila ako. Yung tatlo ay bumunot ng baril. Si Solaris, Felix, at Lysander. Itinutok nila yun sa akin, habang si Traze at Hedera ay nakatingin lang sa akin.

That woman from hell, Hedera was just watching me. Alam kong namumutla ako ngayon na nakatutok sa akin ang tatlong baril.

"Pumirma ka na ng contract with us, Elora. Plus, you already know too much," Solaris said while raising her brows. Hawak hawak pa rin nito ang bag na may lamang 10 million pesos.

"Right, so what's the plan? Going back to that lousy job of yours?" Felix questioned with suspicion.

"Right,  you should ditch that job now," Lysander added, trying to convince me. Their voice changers were off now, and I used to kinda like Lysander. Turns out, he's just as bad as his boss. Everyone felt silent after I looked at them in disbelief.

"She didn't even look good in that mascot anyways," Hedera added with her addicting voice.

Bakit ba ang ganda ganda ng boses niya? Parang voice over. Ugh! Yung kinaganda ng boses niya, siya namang kinasama ng ugali niya.

Nakatutok pa rin ang baril sa akin habang nakatingin ng masama sa akin si Felix. Si Solaris and Lysander ay naghihintay lang ng isasagot ko.

"Hahayaan mo bang patayin nila ako, Boss Hedera?" I asked, binalingan ko ang babaeng nakamaskara na walang emosyon.

Ganito ba talaga ang team niya? Kung magiging boss ko siya, ganito ba yung magiging trato niya sa akin?

UNMASKEDWhere stories live. Discover now