Chapter 1

26 3 0
                                    

Kabababa lang ni Vasileous mula sa private plane niya ng umagang iyon nang ibinalita sa kaniya ng butler niya na patay na ang babaeng kasama niya sa isang event kahapon.

Naglalakad sila papunta sa nakaparadang Bugatti niya nang muling binuksan nito ang usapan tungkol sa babae, Aleisha Valzarci, na ngayon ay pinaglalamayan na ng pamilya nito.

“She was directly shot on her head, my lord” muling pagimporma ng butler niya sa kanya.

“Stealth reaper again?” He asked. Bakit ba hindi na siya nagulat?

Ngumiwi si Matteo “Yes, my lord.” Kompirma nito. “Do you plan to do something about it now, my lord?”

Umiling siya. “Not now.”

She did it again. Aniya na pumasok sa isip niya ang imahe ng babaeng may gawa non.

“If she calls you, tell her I'm busy.”

Tumango ito bago sumagot “ Yes, my lord.”

Tinawag niya si Yzram, ang kanang kamay niya. Nang maramdaman niya ang presensya nito mula sa likuran ay saka siya nagutos.

“Clean the mess.” Bumuntong hininga siya. “And redirect any forthcoming news that might implicate us.”

Bakit ba siya palagi ang nagliligpit ng kalat ng babaeng iyon? Mukhang hindi talaga ito titigil hangga't hindi siya pumapayag sa kasal na inaalok nito.

Yzram bowed to his master. “Si.” Before parting ways with them to do his order.

Vasileous then rode on his Bugatti through his home. Kung saan naghihintay sa kaniya ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan.

Nang marating niya ang mansyon na ipinamana ng magulang niya sa kanya, agad siyang sinalubong ng matandang babae. May mga kasama itong kalalakihan na sa tansya niya ay ang mga lalaking inutos niya rito.

Manang Faye welcomed her wholeheartedly. “Welcome back, your highness!” Ngiting bati nito sa kanya.

Faye is one of his mother's assassin. Nang namatay ang ina niya ay sa kanya na ito nagsilbi sa loob ng maraming taon. Hindi ito umalis sa tabi niya hanggang sa tumuntong ito sa edad na animnapo't taong gulang.
Hindi na ito nagkaroon ng pamilya at dahil ayaw naman siya nitong iwanan, hence he asked her to take good care of the mansion his mother deeply treasured.

Napangiti na rin siya. “Manang Faye. How's everything?”

“Everything's well, your highness.”

Pinasadahan niya ng tingin ang mga kasama nito na agad namang napansin ng matanda kaya agad itong kumilos para ipakilala ang mga ito sa kanya. “They're assassins, your highness. I selected them thoroughly base on your likings. ” Anito nang hindi nagtatanggal ng ngiti sa labi.

“Zefro Sepulchre, at your service. It's finally nice to meet you, your highness.” Zefro greeted him first. Ngumiti ito sa kanya pero hindi abot sa mga mata nito ang emosyong nais nitong ipakita.

Sumunod naman ang katabi nito na sa tansya niya ay galing sa pamilyang Morgfaly. “Henssium Morgfaly, your highness.” Sumaludo ito sa kaniya pagkuwan.Unlike Zefro, Henssium seemed to be the happy-go-lucky man on the nest.

“Shaundre Gremaldi, my lord.” Pagpapakilala naman ng huli.

“A Gremaldi, huh?” Nginisihan niya ito. “Does your sister know a thing about this?”

Bigla itong nanigas sa kinatatayuan at hindi yon nakaligtas sa obserbasyon ni Vasileous. “ I don't think she has to know, my lord.” Anang lalaki na hindi makatingin sa kanya. I think so.

VASILEOUS MONTENEUR: El Regreso de la Reina Exiliada Where stories live. Discover now