Chapter 4

13 3 0
                                    

Hi! I'm sorry if matagal po ang mga updates ko. I'm really busy since it's my first week in our second sem but I'll make sure to finish this story before my birthday (that would be on august na). Anyways, I wanted to say thank you for those who read this story. Natutuwa talaga ako kapag nadadagdagan ang mga reads. Ingat kayo lagi!

- SANTEYA | xxx.

TODAY was a busy day for Nathalie. Kagaya ng napagkasunduan, with her engagement to Vasileous as her cloak, it was time to execute the plans she envisioned. Kailangan niyang maging maingat sa pag-sagawa niyon.

Because she was not just a bride-to-be; she was also a player in a larger game where her every move had consequences.

And the choices she will make can ripple powers and the destiny of those around her. Maraming naniniwala at umaasa sa kanya. At wala sa listahan ng mga plano niya na biguin ang mga ito.

"We're here." Si Nikon ulit ang driver niya ngayon.

Nagpumilit pang sumama sa kanya si Vaelon ngunit nagmatigas din siya kaya na niyang mag-isa.

Nathalie was amuse when she gaze at the imposing gate from the window beside her. Na hindi naman gaanong nakapagtataka dahil sa likod niyon ay daang hektarya na pag-aari ng bilyonaryong kaibigan ni Vasileous.

Pribado ang lugar at piling mga tao lamang ang pinapayagang pumasok. Isa lang ang ibig sabihin, kailangan ay isa kang taong may malawak na koneksyon at may mataas na katayuan sa lipunan. Tsk. Mga nagagawa nga naman ng may pera at kapangyarihan.

"Are you okay, my highness? You look bothered." Tanong ni Nikon sa kanya na nakakunot ang nuo.

"I am fine. Let's go." Simpleng sagot niya.

Bumukas ang malahiganteng gate, diretsong nagdrive si Nikon papasok.

Nang harangin sila ng mga guwardiya ay ibinigay niya sa mga ito ang ID na iniwan ni Vasileous sa sekretarya nito para ibigay sa kanya. Ayon sa fiance niya, gamit iyon ay makakapunta siya kung nasaang pribadong lugar ang binata. It was like a sort of membership ID that granted access to various exclusive places like this.

Talaga nga namang pinapanindigan ni Vasileous sa pagiging fiance nito sa kanya. Napipilitan man ito o hindi, she was still grateful for his generosity.

Mabilis kumilos ang mga guwardiya. Nang maberipika ang hawak niyang Id ay agad sila nitong pinapasok at tinuro ang mga nakaparadang mga kotse na tingin niya ay pagmamay-ari ng iba pang naroon.

Hindi na kailangang utusan si Nikon, kusa nitong pinaandar ang makina ng kotse para iparada ito nang maayos.

She was excited to see Vasileous. And she was excited to give him the engagement ring she bought through the help of Xeris.

Wala siyang alam kung anong singsing ang dapat isuot sa totoo lang, sinimangutan pa siya ni Xeris nang makita nitong namimili siya ng mga wedding rings. Kanina lang niya nalaman na magkaiba pala ang engagement ring at wedding ring eh pareho lang namang sinusuot sa daliri iyon.

Well for her, it doesn't really matter. Ang importante ay engage na siya kay Vasileous. May karapatan na siya magselos. Hindi na siya aasarin ng mga sintenels niya tungkol sa label.

When she step out of the car, she made sure she's wearing her usual bitchy face that would garner lots of attention.

Syempre, kailangan niyang panindigan ang pagiging bruha niya.

Natatawang umiling nalang si Nikon nang makitang nasa ganoong anyo ang Lady Nathalie niya. Alam na niya ang kasunod non. Chimisan. Bulungan. Mapanuring mga mata. You can name it all.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VASILEOUS MONTENEUR: El Regreso de la Reina Exiliada Where stories live. Discover now