pahimakas

2 0 0
                                    

sa ilalim ng buwan, sa lamig at samyo ng hangin, sa gitna ng balete, at sa bawat pagaspas ng puno't kalaliman ng gabi, ako 'y nalunod sa karimlan ng iniisip bakit ang mga tala'y umapaw sa lupit. lalo na sa'yo, lalo na sa'kin, at mas lalo sa 'ting dalawa na ang kaluluwa't puso'y walang ninais kung hindi magtiis sa hamon ng daigdig; hawak ang kamay at puso ng isa't-isa'y wala tayong ibang layunin kung hindi magmahalan.

pagkatapos pa ng pag-uusap nating dalawa, dumaan ang paglisan bilang suhestyon ng isa 'pagkat alam natin paanong ang dalisay nating katawan ay nagtiis sa karimlan, niyakap ang kasakiman, at tinuruan ang sariling tumayo sa kalagitnaan ng sakuna't digmaan ng puso't isipan.

dahil yaon kaya tayo naging mas malapit ngunit sa hindi inaasahang pagsapit ng isa pang dapithapon, ika'y biglang nawala. ika'y biglang umalis. ako'y iniwan mo't nagpadaig ka sa sabi-sabi.

'o sinta ko, bakit? bakit mo hinayaang mag-isa akong nagliliwaliw sa tulay kung sa'n dapat tayong dalawa ang protagonista? bakit sa paglisan mo'y dala-dala mo ang ilaw sa ilalim ng kadiliman kung sa'n tayong dalawa ang magkasama? at bakit nang ika'y lumiban atsaka ako natusok sa gitna ng matatalim na tingin kung saan tayong dalawa dapat ang magkahawak-kamay at lumalaban sa lahat ng sapantaha? bakit mo nagawang bitawan ang puso't kamay kong sa'yo lang kumalinga?

ako'y nagkulang ba sa sakripisyo't pagwasiwas ng mapurol kong armas maipaglaban lang ang hindi dapat nating pagmamahalan? nagkulang ba ako sa aspeto ng pagliyag at ika'y napabayaan ko sa gitna sa digmaan? o napagod ka ba't mas pinili mong mauna't maging isa sa mga tala? kung hindi naman ay bakit? bakit hindi mo man lang ako nahintay nang sa gayon ay magkasama tayong nagpatianod sa nagngangalit na alon?

behind sewed mouthsWhere stories live. Discover now