Prologue

406 33 26
                                    

His mom and my dad are about to get married in less than a year against our will.

At dahil sa isang kasinungalingan, mapipilitan kaming gumawa ng isang desisyon na magdudulot ng isang malaking riot.


"If you really want to stop our parents' wedding, we'd have to take this one last shot."

Napabangon ako sa pagkakahiga sa kama nang bigla na lang pumasok sa kwarto ko si Sonnet.

Seryoso ang mukha niya, kabaligtaran sa palaging masaya at mapang-asar niyang awra. Hindi ko alam kung awa o galit ang  nasa mga mata niya ngayon.

"Date me."

Napalunok ako nang unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin.

Ha? Anong sinasabi niya? Bakit ko naman siya papatulan?!

Hindi ko na maproseso pa ang sinabi niya nang lumapit pa siya lalo sa akin, closing our distance. Our faces were almost touching.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at nilagay sa likod ng tenga ang takas na buhok. "Date me, Olivienne," ulit niya sa mas malumanay na boses habang mariing nakatitig sa akin.

Ang mapupungay niyang mga mata na palagi kong kinakainisan ay parang nagniningning ngayon, nangungusap at namimilit.

Wala sa sarili ko siyang nginitian. "O-Okay..."

I agreed. Just like that.


If only I knew then...

Na sa isang simpleng salita...

Sa isang simpleng pagsang-ayon...

Magugulo ang buhay ko...

Hindi na sana ako naging marupok.

Dis-Engagement ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon