Chapter 15

58 6 5
                                    

Tagos hanggang buto ang sama ng tingin ng lahat sa amin.

Dad's been walking back and forth for almost ten minutes sa sala habang kaming lahat ay nakaupo sa sofa.

Magkakatabi sa mahabang sofa si Violet, Kuya Cart at Kuya Ali. Samantalang kami ni Sonnet ay tig-isa pa ng upuan. We were seated facing each other at nakahiwalay sa kanila. Hindi nila hinayaan na magkatabi kami.

Everyone has their own coffee served by Manang Sita pero hindi ko ginagalaw ang akin. I'm afraid they'll notice how nervous I am kapag hinawakan ko na ang tasa. Malamang sa matatapon lang ang laman no'n sa sobrang panginginig ko.

"Kissing in the hallway at night. Really, Sonnet?" Nagpamewang si Daddy sa harap ni Sonnet. Mataas na ang boses niya. "What were you thinking?! At talagang lasing ka pa!"

Walang imik si Sonnet. Isang beses lang siyang uminom sa kape niya. Nakatingin siya sa akin pero parang tumatagos naman 'yon. Nakatulala siya sa kawalan.

"I thought you were a decent man!" Dad threw his hands in the air and pinched his nose bridge. "I can't believe this!"

"Babe!" Biglang tumayo si Violet. Mataas na rin ang boses niya at namumula pa. "'Yang anak mo ang pagalitan mo! She's nothing but trouble!"

Excuse me? What?

I raised a brow at her and crossed my arms. I scoffed at her statement. Ako talaga ang nagdala ng gulo? Look at her! Lumalabas na ang totoo niyang kulay!

"Violet, hindi tayo magkaaway dito," Daddy warned her, his voice firm.

"Really? Ask your daughter! Ano ba ang tingin niya sa amin? Sa akin? Akala mo ba hindi ko nararamdaman?"

"VIOLET!"

Tumahimik ang lahat sa sigaw ni Daddy. Walang kahit isa ang nagtangkang gumalaw o gumawa ng ingay. Even Violet who provoked him went silent. Pinaglalaruan na niya ngayon ang mga daliri niya.

"Whatever it is you have, itigil niyo na." Tinignan ako ni Daddy. Pagkatapos bumaling siya kay Sonnet. "Please, makinig naman kayo."

Kami? Bakit kami na lang ang laging dapat makinig? Dahil ba sila ang mas nakakatanda, sila na lang lagi ang tama?

"Mr. Santiago." Agad tumayo si Sonnet na ikinabigla ng lahat. Kanina pa kasi siya tahimik. "With all due respect, do you intend to marry my mother?"

Napataas ang mga kilay ni Daddy sa biglang tanong ni Sonnet. "What kind of question is that? Yes, of course! Kaya nga tayo nan--"

"Then do everything you can to make that happen," Sonnet cut him off, "because we sure as hell will do everything we can to stop you."

"Anak..." pabulong na awat ni Violet.

Hindi nakaimik si Daddy. Matinding titigan ang naging labanan nila ni Sonnet.

"Livie and I are dating," Sonnet added. "May singsing man o wala. Deal with it." Walang paalam siyang umalis at hinila ako papunta sa taas.

Walang imikan kaming dumiretso sa kaniya-kaniya naming kwarto habang patuloy ang sagutan nila sa sala. Daddy and Violet kept on arguing habang sila Kuya Ali at Kuya Cart naman ang nag-aawat.


Days passed by in a blink. Ganoon pa rin ang naging takbo ng buhay namin. Dad and Violet would go to work together. Ganoon din sina Kuya Ali at Kuya Cart. Sabay-sabay silang papasok at uuwi.

Hindi ko alam kung nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawang love birds dahil sa naging sagutan nila. Kung nagkaroon man ay magaling silang magtago dahil hindi naman namin halata or talagang wala na kaming pakialam sa asta nilang dalawa.

Dis-Engagement ProposalWhere stories live. Discover now