Chapter 17

52 6 3
                                    

Hindi ko alam kung tinawag niya lang akong nobya dahil 'yon ang akala sa akin ni Lola Belen at inaasar niya lang ako o dahil technically, magjowa kami sa harap ng parents namin.

I don't even know why I'm making such a big deal about this! Wala naman kami sa bahay para umarte pa. Si Summer lang naman ang nakakaalam ng plano naming dalawa.

Hanggang ngayon na nakahiga na kami sa katre sa kwarto ni Lola Belen ay iisang salita lang ang tumatakbo sa isip ko. Nobya. Paulit-ulit kong naririnig 'yon sa boses ni Sonnet.

Magkakatabi kaming tatlong babae. Nasa sala naman nakahiga ang mga lalaki. Dumating na rin si Kuya Ipe na apo rin ni Lola Belen. Siya ang kasa-kasama niya dito.

Mabuti na lang at nasa dulo ako ng higaan. Malaya akong makakabangon. Hindi kasi ako makaikot-ikot dahil bukod sa sakto lang 'to sa aming tatlo ay lumalangitngit pa ang kawayan sa bahagyang galaw.

Dahan-dahan akong umupo at tumayo. Tulog na tulog na ang mag-lola.

Bukas pa ang ilan sa mga bintana pero nakasarado na ang pinto. Dahan-dahan ko 'yong binuksan para lumabas sandali.

Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Napayakap ako sa braso ko nang marealize ko na nakaterno nga lang pala ako ng pantulog. Wala akong dalang jacket.

Napatulala ako sa ganda ng kalangitan. Marami pang bituin at malaki ang namumula-mulang buwan. Madilim ang buong kabukiran ngayon pero nagliliwanag ang paligid ng bahay. Marami nang nakapaikot na christmas lights dito, pati na rin sa mga puno.

Natanaw ko si Sonnet at Leon sa mesa sa ilalim ng punong mangga. Nakaupo sila doon habang naglalaptop. Siguro gumagawa ng thesis. Napabuntong hininga ako dahil katatapos-tapos lang din namin sa paggawa ng research paper. Sumakit bigla ang ulo ko pagkakita palang ng laptop nila.

Wala naman sigurong mangyayaring ikakalala ng kabog ng dibdib ko kung makikiupo ako sa kanila, 'di ba? Nandyan naman si Leon, e.

Napailing ako sa naisip. "Hindi, Olivienne. Iiwas tayo sa tukso. Bawal ang marupok," pangaral ko sa sarili ko.

Imbes na lumapit sa kanila ay dumiretso ako sa mahabang kawayang upuan sa harap ng bahay. Humiga ako doon at tumingala sa kalangitan. Mabuti na lang ay walang bubong na humaharang.

Humugot ako ng malalim na hininga at pinagmasdan ang kislap ng mga bituin.

Naalala ko noong bata pa ako. Ito ang madalas naming bonding ng buong pamilya. Stargazing. Magkakatabi kami sa bermuda grass sa bakuran. Nakagitna kami ni Kuya Ali kay Mommy at Daddy habang naguguluhan sa pagbilang sa mga bituin.

That was one of my favorite memories. Mga panahong pagbibilang lang ng bituin ang gumugulo sa isip ko.

I stretched out my hand, trying to reach the heavens. Kagaya ng ginagawa ko dati.

Pero katulad pa rin noon, hindi ko maabot. Dahil imposible naman talagang maabot ang langit. Katulad na lang ng kaimposiblehang makabalik kami sa dati. Sa masaya at buong pamilya.

Sa totoo lang, naiinggit ako kay Summer dahil kahit nasa abroad ang mga magulang niya, buo pa rin sila. Samantalang ako, dalawang oras lang ang pagitan, hindi pa makapagkita.

"Can't sleep?"

Napalingon ako sa nagsalita. Kagaya ko ay nakaterno lang din siya ng pantulog. "Caspielle, gising ka pa." Umupo ako para makaupo rin siya.

"Coffee?" Inalok niya sa akin ang hawak niyang tasa.

Nakangiti ko siyang tinanggihan. "Hindi ka rin makatulog?"

"Yup. I miss my bed sa condo." Natawa siya nang bahagya at uminom na ng kape. "Ikaw? Kanina ka pa dito?"

Tumango ako. Inangat ko ang dalawa kong paa at niyakap ang tuhod. "Papasok na rin ako pamaya-maya."

Dis-Engagement ProposalWhere stories live. Discover now