Chapter 01

327 36 93
                                    

(Two weeks before the deal...)

Family is supposed to be our safe haven. Very often, it's the place where we find the deepest heartache.

Agad kong pinatay ang cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagbabasa ng mga ganitong quotes sa Google. Para ko lang inaasinan ang sugat ko. Mahapdi na nga, ayaw ko pang tigilan.

Imbes na magpatangay pa lalo sa mga iniisip ay pilit kong itinuon ang atensyon sa ingay ng mga estudyante sa cafeteria.

Iba't-ibang uniform. Iba't-ibang edad. Iba't-ibang kwento. I wonder, sino kaya sa kanila ang produkto rin ng broken family?

Paano kaya sila nagcocope-up? Ako kasi, sa pag-aaral ko inuubos ang oras ko kapag nandito ako sa school. Hangga't maaari, ayaw kong magkaroon ng libreng oras para mag-isip na naman. Mabuti na nga lang din at palagi kong kasama ang best friend ko, si Summer. Siya na ang naging pamilya ko dito sa university. Kapag kasama ko siya, para akong ibang tao. Nawawala ang pagiging malungkutin ko at napapalitan ng pagiging bruha kagaya niya.

Huminga ako nang malalim at nagfocus na lang ulit sa ginawa kong review notes kagabi.

"Gusto ko nang mag-shift!"

Napahinto ako sa pagbabasa nang isubsob ni Summer ang mukha niya sa table.

"Hindi na ako aabot ng uwian sa sakit ng ulo ko!" reklamo niya habang nakadukdok pa rin.

"Fourth year ka na, mag-shishift ka pa? Ang late ng impact sayo ng Calculus, ah." Hinagod ko ang buhok niya at binalik ang pagbabasa sa dala kong notebook.

Katatapos lang namin mag-lunch pero parang lalong nanghina si Summer dahil finals na bukas. Isang sem na lang ay makakapag-OJT na rin kami.

Kung ako rin naman kinakabahan pero wala namang ibang choice kung 'di mag-review.

"Babawi ako sa finals sabi ko no'ng midterms pero parang ako na ang babawian ng buhay." Nakabusangot niyang kinuha ang libro niya at sinimulan nang magbasa pero kada limang minuto naman ay titigil siya para isubsob na naman ang mukha niya sa libro.

Nakakaawa naman ang batang ito. Bakit kasi nag-engineering kami, e? Ang dami-daming course na pamimilian, 'yon pang puro stress at pressure ang pinili.

Hindi pa nakaka-thirty minutes ay tumunog ang cellphone ni Summer. Wala sana akong balak makinig pero bigla siyang sumigaw kaya naman napatigil ako sa sinosolve ko.

"Nasa airport ka na?! Di ba bukas ka pa uuwi?! Hala, patay ako kay Tita! Wait mo ako diyan, Cas!" Tumayo sya at nagmamadaling niligpit ang mga gamit niya.

"Teka. Saan ang punta mo? May last subject pa tayo." Akmang hahawakan ko ang kamay niya pero  dahil sobrang bilis niyang gumalaw ay hindi ko na nagawa.

Sumenyas lang siya na itetext niya na lang ako. Wala na akong nagawa dahil mukhang hindi naman siya mapipigilan. Niligpit ko na lang din ang mga gamit ko.

Siguro sa library na lang muna ako magrereview, mas tahimik doon.

"Library ako," I informed her kahit hindi ko alam kung babalik pa siya.

Tumango lang siya at tumakbo na palabas ng cafeteria.

Pagkarating ko sa library ay marami na ang mga students. Mga nagpreprepare na para sa finals at thesis.

Inilagay ko na sa locker ang bag ko para wala akong maraming bitbit mamaya sa loob. Kinuha ko lang ang cellphone, headset, calcu, reviewer at pencil case ko.

Unang hakbang ko palang sa hallway ay wala na akong makitang bakanteng upuan kaya naman umabot pa ako sa bandang dulo bago nakahanap ng pwesto.

Sa isang mahabang table na puno ng mga Civil Engineering students ay may nag-iisang bakanteng upuan. Pito silang lahat na nandoon, mga naka-corporate attire ng maroon kagaya ko. Ganito ang uniform naming CE students tuwing Wednesday. Nakaharap sila sa kaniya-kaniya nilang laptop at papel. Siguro mga fifth year na ang mga 'to.

Dis-Engagement ProposalWhere stories live. Discover now