Chapter 18

53 4 13
                                    

Hanggang sa byahe pauwi ay hindi ako kinikibo ni Sonnet. Sumasagot siya sa mga kasama namin pero kapag sa akin ay parang wala siyang naririnig. Maging kay Cas ay barumbado siyang makipag-usap.

Dahil ba 'to sa nawala kami ni Caspielle kanina? Hinanap ba niya kami? Kaya ba siya hingal na hingal at pawis na pawis sa bahay?

Sumunod din naman kami, ah. Hindi na nga ako naligo kanina sa bahay dahil tinawag na ako ni Caspielle sa labas. Pinilit naming habulin si Sonnet para lang makasama kami sa swimming. Sobrang hingal ang inabot namin dahil sa pagtakbo. Buti na lang natunton din namin kahit malayo ang agwat.

Pagkarating nga namin doon ay nabatukan pa ni Lola Belen si Caspielle dahil nag-alala nga sila. Ilang oras din kaming nawala. Buti nga ang mga dala lang naming gamit ay mga pagkakainan kaya nakapagluto rin sila.

Simula sa pagkain hanggang sa pagligo sa ilog, walang imik si Sonnet. Nakikipagbiruan siya kay Kuya Ipe at Leon pero 'yon na 'yon. Walang labis. Walang kulang.

At ngayong nasa byahe na kami pauwi, gano'n pa rin siya. Kahit tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginagawa. Magkatabi nga kami pero sa tuwing nadadanggis ng siko ko ang braso niya ay pupunasan niya 'yon at dudusog pang mabuti sa gawi ni Leon.

"Mauna na kaming bumaba ni Leon, Summer," paalala ni Sonnet. Ni hindi man lang niya direktang sabihin kay Caspielle na nagmamaneho.

Tumango naman si Summer. "Okay!"

Ilang minuto pa ay hininto na ni Cas ang sasakyan, tatlong bahay mula sa bahay nila Leon. Oo nga pala. Hindi nga pala alam ng mama niya na galing kaming Nueva Ecija.

"Salamat, mga bro! Ingat kayo, ah!" Bumaba na si Leon pagkatapos niyang kumaway sa amin.

Tinapik ni Sonnet sa balikat si Summer at agad ding sinundan sa pagbaba ang kaibigan.

Should I go with him para hindi na ko ihatid nila Summer sa bahay? Para makapagpahinga rin sila ng maaga. I should go, right? Tulog naman na siguro sila Dad sa bahay kapag nakauwi kami. Wala na 'yong maraming tanong.

"Teka! S-Sama ako!" Hindi na ako nagpapigil sa kanila at bumaba na rin. "Bye, Summer, Cas! Ingats!"

"Hoy, beshy, ihahatid ka na namin!" wika ni Summer sa mataas na boses.

Ilang minuto pa kaming nagdebate sa paghatid sa akin pero kalaunan ay pumayag din sila na iwan na ako. Magtatagal lang sila lalo kapag pinilit nila ako, e. Hindi na nga ako magpapahatid.

"Talagang sasama ka?" nahihiyang tanong ni Leon. Napakamot siya sa batok niya.

Bakit? Saan ba sila pupunta? Mag-aalas onse na ng gabi.

Nasa tapat na sila ng bahay nila kaya naman naglakad pa ako ng kaunti para maabutan sila. Mabuti na lang may ilaw pa sa labas ng mga bahay at sa poste.

"Mag-iinom sana kami sa kwarto. Wala sila mama," sabi ni Leon.

"What?! May pasok pa bukas!" Ano bang trip ng dalawang 'to?!

"Magpapa-late daw 'tong Kuya mo, e." Tinuro niya si Sonnet na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

Tinitigan ko rin siya. Masama nga lang ang akin. Kunot na kunot na siguro ang noo ko ngayon dahil hindi ko siya maintindihan.

Ano na naman kayang naisip niya at mukhang balak pa niyang ibagsak ang last year niya sa engineering? Dahil pa rin ba 'to sa pag-alis ni Phoenics?

Mahinang sinipa ni Sonnet ang isang maliit na bato habang parehas nakapamulsa ang mga kamay. Salubong na salubong na rin ang mga kilay niya. "Bukas na lang, boy. Uwi na kami."

"Ha? Hindi na tayo iinom?" Napakamot na naman ng ulo si Leon. "S-Sige, boy. Ingat na lang kayo. Bukas ah?" paniniguro pa niya.

Tinanguan siya ni Sonnet at pumasok na rin ng garahe para kuhanin ang motor niya. Pagkakuha ay sinuot niya agad ang helmet niya. Sinuot ko na rin ang akin at tahimik na umangkas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dis-Engagement ProposalWhere stories live. Discover now