Chapter IV

725 26 2
                                    


HINDI ko alam kung saan kami pupunta. Ayoko namang bumalik sa apartment ni Viann dahil ayokong makaabala pa. Hindi naman sa ayaw kong humingi ng tulong, pero minsan talaga hindi natin kailangang dumepende sa ibang tao. Kaya naman sa halip na bumalik, mas pinili kong tahakin ang daan papunta sa lugar na minsan ko na ring tinirahan dati.

Villa Verdict Subdivision...

Mula ng dumating sa buhay ko ang kambal, hindi na sumagi sa isipan ko na muli pang bumalik sa subdivision. Pero ngayon, wala na akong ibang choice kundi ang pumunta sa lugar na iyon.

Alam kong pagmamay-ari ng mga Montallejo ang subdivision pero iyon nalang talaga ang huling choice na kailangan kong piliin.

"Mommy?" Muling tinawag ni Zirby ang pangalan ko ng mapansin niyang hindi pamilyar sa paningin niya ang lugar na pinuntahan namin. "Where are we going?"

"I owned a house here, baby. Dito na muna tayo titira pansamantala..." paliwanag ko kay Zirby. Tumango naman ito.

Iyon talaga ang balak ko. Pansamantala muna kaming titira dito sa Villa Verdict habang wala pa akong nahahanap na bago naming lilipatan. Kahit sabihin pa na malabong maligaw sa subdivision ang lalaking iyon, hindi ko pa rin maiwasang matakot.

They owned the whole subdivision. Kahit sabihin na sila ang may-ari, I'm still hoping na sana, hindi maligaw ang kaluluwa niya sa lugar na ito.

Pagkatapos gisingin ni Zirby ang kambal niya ay sabay-sabay kaming pumasok sa gate ng subdivision. Napansin ko rin na hindi na si Manong Kiko ang security guard dito sa Villa Verdict. Medyo bata na kasi ang bantay ngayon.

"Good morning, ma'am. Pwede po bang makita ang ID at pass niyo?" nakangiting tanong ng guard sa akin. Dahan-dahan naman akong tumango at mabilis na ipinakita ang ID ko sa kanya. Ipinakita ko rin ang key card ng bahay ko dito sa Villa Verdict Subdivision.

Hindi naman nag-usisa pa ang guard at pinapasok na kami. Hindi ko rin maiwasang mamangha sa buong lugar. Pansin ko kasi na napakaraming nagbago simula no'ng umalis ako sa lugar na ito.

"What are we doing here, mommy?" inosenteng tanong naman ni Zarck sa akin.

Tipid lamang akong ngumiti at ginulo ang buhok niya. "Dito muna tayo titira pansamantala. Maghahanap pa kasi si mommy ng bago nating lilipatan..." paliwanag ko.

"Hindi na po ba tayo babalik sa dating house natin?" malungkot na tanong nito. Napabuntong-hininga naman ako at umiling. "Wala na tayong babalikan doon, baby..."

"But how about our things there? 'Yong mga toys and cars namin ni kuya..." dagdag pa ni Zarck.

"Maybe they're all gone now, anak. Baka kinain na nang apoy ang lahat ng gamit natin doon" paliwanag ko. Hindi naman ito sumagot pa at tumango na lamang.

Huminto kami sa tapat ng isang bahay na minsan nang naging bahagi ng buhay ko dati. Marami akong pinagdaanan noon pero hindi ko pinagsisihan ang naging desisyon ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at ginamit ang key card na hawak ko sa pagbukas ng pinto. Hindi naman mukhang abandonado ang bahay dahil may caretaker naman ang buong subdivision. Nanginginig pa ang kamay ko at medyo kinakabahan. Pero hindi ko maipagkakaila na sobrang na-miss ko ang bahay na ito.

Parang dati, umalis ako dito no'ng pinagbubuntis ko palang ang kambal. Pero ngayon, kasama ko na sila pagbalik ko dito.

Hindi ko maiwasang ilibot ang tingin sa loob ng bahay nang tuluyan kong mabuksan ang pinto. Gano'n pa rin ang lahat ng gamit. Halos walang pinagbago kung saan ito nakalagay dati.

"Mommy, is that Tita Peighton?"

Nilingon ko si Zirby at mabilis na tiningnan ang bagay na tinititigan nito. It's our family picture. Kuha iyon no'ng graduation namin ni Peigh. Nasa gitna kaming dalawa. Katabi ni Peigh si mommy samantala nasa gilid ko naman si daddy.

Hiding the Bad boy's Twin Son (Montallejo #2) | Completed Where stories live. Discover now