Chapter XXII

465 18 1
                                    

"HOW old are they?" Basag nito sa katahimikan gamit ang normal na boses. Napapiksi pa ako at mabilis na lumingon sa direksyon niya.

"H-Huh?" Anong sabi niya? Sobrang lalim na pala ng iniisip ko kaya hindi ko man lang narinig ang kanyang tanong.

Wala na akong nagawa kanina nang mag-presenta itong ihatid kami sa bahay ni Nanay Gorya. Ayoko sana dahil tiyak na magtatanong ang matanda kung sino siya pero wala na akong nagawa kasi ayaw nang humiwalay sa kanya ng kambal.

No'ng mga sandaling iyon bigla kong napagtanto na hindi pala ako sapat para punan ang pagmamahal na kailangan ng mga anak ko.

"Tsk." Nakita ko pa itong umirap sa hangin dahil sa kalutangan ko. Pasimple ko namang kinurot ang sarili ko upang bumalik sa tamang huwesiyo. "Sabi ko, ilang taon na sila?" pag-uulit pa nito.

"Ahmm, the twins turned 5 years old last month. A-At-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil masungit ako nitong tiningnan.

"What?"

"K-kailangan ka aalis?" Hindi ko na napigilang itanong. Gusto ko na kasi siyang umalis at hayaan na kami ng kambal. Wala pa kaming maayos na pag-uusap pero wala na akong pakialam. Tutal nakausap na niya ang mga anak ko at nagkakilala na sila kaya okay na siguro iyon. Kung hihilingin niyang makasama ang kambal at magpaka-ama sa dalawa, hindi ko siya papayagan.

"And why would I leave?" walang emosyon nitong tanong pabalik sa'kin. Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin. Kailangan pa bang itanong iyon? Fiancee niya ang kapatid ko at parang hindi yata tama na manatili siya dito dahil lamang sa kambal.

"Y-You know what I mean, Mr. Montallejo..." seryosong sagot ko. Nagsalubong naman ang kilay nito dahil sa itinawag ko sa kanya. "Hindi porket kilala mo na ang kambal ay basta-basta ka nalang magdedesisyon para sa kanila..."

Tiningnan ko ito ng mariin at agad rin naman nitong pinantayan ng seryosong tingin. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob. Hindi ko pa naman siya formal na ipinapakilala sa kambal bilang ama nila. Hindi ko pa rin narinig na tinawag siyang 'daddy' ng dalawa.

"I am their father, Ms. Herdoniez. Hindi ko alam kung anong plano niyo ni Peighton para paikutin at lokohin ako ng ganito, pero ngayong alam ko na anak ko sila, hindi ko hahayaang ilayo mo sila sa akin," matigas na saad nito. Galit pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa akin pero hindi ko ipinahalatang natatakot ako sa kanya.

He's a Montallejo. Kayang-kaya niyang baliktarin ang katotohanan at iwanan akong luhaan sa bandang huli. Kahit alam ko na hindi hahayaan ng kambal na malayo sila sa akin, alam ko rin na hindi papayag ang kambal na muling malayo sa ama nila. That's why I can't decide what I'm supposed to do.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Sa kanya na mismo nanggaling na siya ang ama ng kambal. Kung paano niya nalaman ay hindi ko na alam.

Tumayo ito at dahan-dahang naglakad palapit sa akin kaya kinakabahan naman akong napaatras. Sandali itong natigilan at mas lalong dumilim ang mukha nito.

"Don't lie to me, woman. Peighton already told me everything. She told me that you're the one who put ecstasy to my drinks before. She also told me that you're planning to seduce me that time but you didn't succeed because she stopped you," sunod-sunod na saad nito habang pilit inaalala ang mga nangyari dati.

Natigilan naman ako at natulala sa sinabi niya. Unti-unting rumagasa ang galit sa sistema ko. What the heck is he talking about?

"Hindi 'yon totoo! Wala akong planong i-seduce ka at mas lalong hindi ko nilagyan ng ecstasy ang inumin mo!"

D-mn. Ngayon ko lang naisip na baliktad yata ang nangyayari. Definitely, binabaliktad ng kakambal ko ang totoo para ako ang lumabas na may masamang plano noon.

Hiding the Bad boy's Twin Son (Montallejo #2) | Completed Where stories live. Discover now