Epilogue

580 19 2
                                    

"DUDE, crush ka yata no'ng si Peighton, oh!" natatawang tinuro pa ni Brandon ang isang maputing babae na kanina pa tingin ng tingin sa akin. I know her kasi same department lang kami. Napailing nalang ako at muling nag-focus sa pagpa-practice.

As a basketball captain of our department, kailangan kong pagbutihin ang paglalaro. Hindi ko pa alam kung anong department ang magiging kalaban namin bukas pero hindi ko na inisip pa iyon.

"Nakita niyo na ba ang kambal no'n? Maganda rin kagaya niya tapos matalino pa! Fine Arts naman ang program na kinuha no'n kaya feel ko, marunong din mag-drawing iyon!" masayang pagku-kwento naman ni Denley at bakas sa boses ang kilig.

Napatigil naman ako sa pagdi-dribble ng bola. Bigla akong na-curious sa narinig. Kambal? Akala ko kami lang ni Kuya Zi ang kambal na nag-aaral dito sa Yuford. Wala naman kasi akong nakikita na ibang magkapareho ang mukha, maliban sa aming Montallejo. Pero sabagay, may magkambal rin namang hindi rin magkakamukha.

"Anong apelyido no'n? Herdoniez? Aba't, yamanin din pala!" sulsol naman ni Grad.

Muli akong nagpatuloy sa paglalaro pero paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang sinabi ni Denley. Muli ko ring sinulyapan ang babaeng tinutukoy nila kanina na ngayon ay nakikipagtawanan na sa mga kasama nitong kaibigan.

I don't know what makes me feel so curious about that girl. Magkakamukha lang din naman ang dalawa based sa pinagsasabi ni Denley, pero bakit curious pa rin ako?

Tsk! I think nababaliw lang ako. Nevermind.

Then one day, I can't help but to laugh, lalo na nang bigla akong gawing representative ng class namin para sa quiz bee about ethics. Wala na akong nagawa. There's something telling me to accept it. Puro tawanan at tuksuhan din ang nangyari. Sino ba namang baliw ang kukuha sa akin bilang representative? Tapos ethics pa?

I, Ziann Montallejo, known and certified as a campus' bad boy, sasali sa ethic's quiz bee? Nagugunaw na ba ang mundo?

But after the announcement about the winner of the said quiz bee, hindi ako makapaniwala na nag-tie kami no'ng isang representative from another program. And who would have thought that the girl I am curious about, ay siya palang ka-tie ko sa quiz? Napangisi nalang ako at napailing sa mga naiisip.

"Miss, are you okay? Masakit ba?" Napatakbo ako papalapit sa isang babaeng nakatayo sa may entrance ng auditorium ng biglang tumama sa kanya ang bola. Iso-shoot ko na sana iyon, pero bigla iyon tinapik ng kalaban namin kaya napunta sa babae ang bola.

"Miss-"

"Obvious ba? Obvious? Kita mo na, di ba-" Hindi nito natapos ang ginagawang pagsusungit at napatitig lamang sa mukha ko. I know her. Siya 'yong nakalaban ko sa quiz bee. Siya rin 'yong laging bukambibig ng ka-teammates ko every session hours namin sa pagpa-practice.

Lihim akong napangisi. Do you like me now, baby? Namumula kasi ang pisngi nito, pero kapagkuwan ay biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya. Parang biglang nainis.

"Miss? Okay ka lang ba? I'm sorry, hindi ko sinasadya-"

Mabilis ako nitong inirapan at pinanlisikan pa ako ng mata. "Sinadya mo man o hindi, nasaktan na ako! Anong akala mo sa mukha ko, ring ng bola?!"

Muli itong napatitig sa akin. She's now blushing and I know that she's being distracted by my presence.

Napabuntong-hininga naman ako. Hindi ko ipinahalata na naaaliw sa expression ng kanyang mukha. She's blushing like a teenage girl.

"That's why I'm sorry," sabi ko nalang. Kanina ko pa naririnig ang mga pito ni coach at ng referee. Pinulot ko nalang ang mga libro niya at iniabot iyon sa kanya. Muntikan pa akong mapamura ng dumikit ang kamay ko sa kanyang kamay. Parang biglang may kuryenteng dumaan sa mga ugat ko. "Here, I know it's yours. And again, I'm really sorry."

Hiding the Bad boy's Twin Son (Montallejo #2) | Completed Where stories live. Discover now