Chapter XXVI

453 12 2
                                    

"UMALIS ka na, Leighton! Umalis ka na!" pagtataboy pa sa akin ni mommy at pilit akong pinapalabas sa room ni daddy. Naiiyak ko pang hinabol ng tingin ang doktor at ilang mga nurse na mabilis umasikaso kay dad. Bigla kasing nanikip ang dibdib nito at nahirapang huminga dahil sa labis na emosyon.

Napayuko nalang ako habang pinagmamasdan si mommy na mabilis dinaluhan si Peighton na para bang mas nasasaktan ito ngayon. Ang sakit! Sobrang sakit na para bang hindi nila ako kilala para ipagtabuyan ng ganito. Ramdam ko pa rin ang sakit sa anit ko pero ininda ko lamang iyon.

I can't help but to smile bitterly. I don't want to pity myself but I really can't help it. Parang gusto ko nalang umalis at takbuhan ang lahat ng mga problemang kinakaharap ko ngayon. But then I remember dad's situation. Parang hindi ko rin siya kayang iwan nalang na gano'n.

I cleared my throat. Gusto kong makausap si mommy ng masinsinan. Gusto kong linawin ang lahat bago ako umalis. Gusto kong sabihin niya sa akin kung ano bang nagawa kong mali para tratuhin nila ako ng ganito. At gusto ko ring linisin ang sarili ko sa kasalanang pilit nilang ibinibintang sa akin.

Humakbang ako papalapit sa kanila. Pero bigla ring tumigil lalo na nang pinanlisikan ako ng mata ni mommy.

"Mom—"

"Please, Leighton! Kung ayaw mong magkagulo pa tayo dito, ngayon palang ay umalis kana!" galit na sigaw nito. Umiling naman ako. Hindi ako aalis hangga't hindi ko siya nakakausap. Hindi ako aalis hangga't hindi malinaw sa akin ang lahat. Yakap-yakap pa rin nito si Peighton habang umiiyak.

Grabe. Magkambal naman kami pero bakit laging ako ang dehado? Bakit ako lagi ang naiiwanan? Bakit ako lagi ang dapat masaktan? Ano bang meron si Peighton na wala ako? Magkakamukha kami at parehong dugo lamang ang dumadaloy sa katawan namin. Pero bakit ganito?

"Mom, please—" Muli ay pinutol na naman nito ang sasabihin ko. Naninikip na rin ang dibdib ko dahil sobrang lakas ng tibok nito. Napapatingin na rin sa direksyon namin ang ilang taong dumaraan.

"Ano pa bang kailangan mo, Leigh? Hindi ko alam kung bakit nandito ka! Wala naman kaming sinabi na puntahan mo kami dito, di ba?" walang emosyong saad nito. Galit na galit pa rin ang mukha nito habang panay ang haplos sa likod ng kakambal ko.

Mapait naman akong napangiti. "Iyon na nga, mom. Alam niyo naman pala na isinugod si daddy sa hospital, ni hindi niyo man lang sinabi sa akin. Ano ba talaga ako sa pamilyang ito? Laruan? Tau-tauhan?"

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong maghimig sarkastiko. Mas lalo namang sumama ang tingin nito sa akin.

"What do you mean by that? Gusto mo talagang pag-usapan iyan dito? Gusto mo talagang ipakita sa ibang tao kung gaano ka kawalang-kwentang anak?!"

And there, she finally said it. Tama nga na walang-kwentang anak ang tingin niya sa akin. Hindi ako nagkamali na gano'n kalala ang turing niya sa akin na anak niya rin naman.

Alam kong marami akong pagkukulang bilang anak para sa kanila. Marami akong sinuway na mga kagustuhan nila para sa amin ni Peigh. But do I really deserve to be treated like this? Na parang sobrang bigat ng kasalanan ko sa kanila? Oo, nagkamali ako noon, pero bakit kailangan kong pagdusahan ang lahat ng ito ngayon? Dahil ba nasasaktan ko si Peighton?

Napakurap-kurap ako at iniiwas ang tingin sa kanya. Pasimple ko ring hinawi ang ilang luhang nagsitulo sa pisngi ko. May isasakit pa ba ang lahat ng ito? 'Yong magpapamanhid sa puso ko. Simula pa kasi kanina ay durog na durog na ako. Iniisip ko palang ang mga posible nitong sabihin sa akin, parang tinutusok na ang puso ko.

And then, ito na.

She didn't just break me, but she shattered me into pieces.

"Do you think I'll forgive you? Pagkatapos mong landiin ang fiancee ng kakambal mo, ang lakas pa ng loob mong magpakita dito?" Dinuro-duro pa ako nito. Tahimik lang namang nakikinig si Peighton pero puno ng disgusto ang matang nakatingin sa akin. "Hindi ka pa nakuntento, isinama mo pa hanggang dito ang mga bastardo mo!"

Hiding the Bad boy's Twin Son (Montallejo #2) | Completed Where stories live. Discover now