Chapter XIV

562 24 5
                                    

"NO."

Bahagya namang tumaas ang kilay nito.

"What?" he asked. Pinilit kong huwag magpakita ng kahit anong emosyon sa aking mukha.

"Sorry, mister, but no. Even if you're my twin sister's boyfriend, I won't let you talk to my son again. Not ever," may diin kong saad sa kanya at dali-daling binuksan ang pinto ng kotse at sumakay na doon.

Itinaas ko rin ang tinted na bintana para hindi na kami nito makita pa. Nagtatakang nakamasid naman sa akin ang kambal pero tipid ko lamang silang nginitian.

"Are you okay, mommy?" tanong ni Zirby. Tumango naman ako at pinaandar na ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.

Kahit nakalayo na kami ay hindi pa rin mawala sa akin ang pangamba na baka sundan kami nito. Anong trip sa buhay ng lalaking iyon? Bakit gusto niyang makita ang kambal?

Rumagasa ang takot at kaba sa buong sistema ko. No. Walang alam si Peighton tungkol sa kambal. Ang alam lang nila, pinalaglag ko ang bata no'ng mga panahong tuluyan kong nilisan ang bahay namin.

Kinakabahan man ay nagawa ko pa ring magmaneho ng maayos. Nag-parked lang ako sa tapat ng Villa Verdict katabi ng isang kulay puting sedan na hindi pamilyar para sa akin. Ngayon ko lang kasi nakita ang sasakyan na iyon sa parking area ng subdivision. Bago kami bumaba ng sasakyan ay tinulungan pa ako ng kambal sa pagbubuhat ng mga pinamili namin.

"Help your Kuya Zibby, Zarck," utos ko sa anak at nauna nang maglakad papasok sa gate ng subdivision. Nilingon ko naman ang kambal at nakitang magkatulong nitong binuhat ang isang eco bag na tanging yakult at chocolate lang ang laman.

Agad akong dumiretso sa tapat ng unit namin at inilabas ang susi mula sa bulsa ko. Subalit hindi ko pa man tuluyang naipapasok ang susi ay bumukas na ito at bumungad sa akin ang seryosong mukha ng taong hindi ko inaasahang makita.

"M-Mommy..." Gulat na gulat akong napatitig sa kanya. Anong ginagawa niya dito? Paano siya nakapasok? Paano niya nalaman na bumalik ulit ako dito sa Villa Verdict?

Napaatras ako ng tatlong beses habang bakas pa rin sa mukha ang hindi makapaniwalang ekspresiyon. Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay do'n ko lamang napagtanto na hindi siya nag-iisa. She's with Peighton, at gaya nito ay seryoso rin ang mukha nito.

"A-Anong ginagawa niyo dito?" malamig na tanong ko sa kanila. Wala akong natanggap na sagot mula sa mga ito kaya naman nag-iwas ako ng tingin at parang walang pakialam na naglakad papalapit sa counter ng kusina.

"We're here to convince you, Claire. Stop being so dramatic. May sakit ang daddy niyo at matagal kana niyang gustong makita," seryosong saad ni mom sa akin. Sandali naman akong natigilan ng marinig ang sinabi nito.

May sakit si daddy? Bakit ngayon lang nila sinabi sa akin? Bakit hindi pa noong pumunta si Peighton sa opisina ko?

Bumuga ako ng malalim na buntong-hininga pero hindi pa rin ako nagsalita. Hindi ko alam kung bakit sila nandito. Wala akong balita tungkol sa kanila sa nakalipas na limang taon tapos ngayon ay guguluhin na naman nila ang tahimik na buhay namin.

Tila binuhusan naman ako ng malamig na tubig ng biglang maalala ang kambal. Sh-t! Hindi nila pwedeng makita ang mga anak ko!

Lalapit na sana ako sa pinto upang isara iyon subalit kusang tumigil ang mga paa ko. Lalo na nang makita ang kambal na nakatayo sa harap ng pintuan at nagtatakang nakatingin sa dalawang taong nakaupo sa sofa ng bahay namin.

Lihim naman akong napamura ng sunod-sunod sa isipan ko.

"I t-thought y-you..."

Parang hindi makapaniwalang sambit ni mommy habang nagpalipat-lipat ang tingin mula sa akin at sa kambal. Mabilis akong lumapit sa kambal at inutusan silang pumasok muna sa loob ng kwarto. Pakiramdam ko kasi ay hindi magiging maayos ang pag-uusap na magaganap ngayon.

Hiding the Bad boy's Twin Son (Montallejo #2) | Completed Where stories live. Discover now