CHAPTER 12

219 8 0
                                    

Umuwi narin ako noong kinagabihan. Humiga lang ako as usual dahil bigla nanaman akong tinamad gumalaw.

Agad akong nakatulog at noong gumising ako ay maaga na. Naabutan kong nag aalmusal si daddy sa baba. Napatingin siya sakin noong pumasok ako ng kusina.

“Sisindi ako sa mommy at kapatid mo. Maligo ka at sasama ka sakin.”sabi ni daddy kaya napasimangot ako.

“I don't want to. Tinatamad ho ako.”sabi ko kaya masama niya akong tinignan.

“Pinayagan na kita last year, ngayon ay sasama kana. Go take a bath and come with me.”sabi niya kaya padabog akong umalis sa harap niya. Mapilit pa talaga siya sa mapilit.

Naligo ako at nagpalit ng usual clothes ko. Naka racerback top, baggy pants, leather jacket, at black boots. Lagi akong mukhang lalaban kapag lumalabas.

Hindi ako nag motor dahil may dalang sasakyan si daddy. Sabay kaming naglakad papunta sa mga puntod nila mommy at hindi ko alam kung bakit hindi ako makalakad ng maayos.

“Kaya naman pala ayaw kong sumama.”saad ko noong makita si Rios sa puntod nila mommy.

“Don't mind him. Hali kana at para makauwi tayo agad.”saad ni dad at lumapit na doon.

Napatingin samin si Rios noong makalapit kami. Agad kong iniwas ang tingin ko sakanya at tumingin sa puntod ng kapatid ko at ni Mommy.

“Akala ko wala kanang balak bumisita sa kapatid at ina mo.”saad ni Rios kaya napangisi ako.

“Pinilit ako ni dad kaya nandito ako.”sabi ko kaya sumama ang timpla ng mukha niya.

“Wala ka talagang kwenta.”sabi nito. Akmang lalapitan siya ni daddy pero pinigilan ko ito.

“Let him say whatever he wants. He's satisfied whenever he spills bullshit on me. Let him be satisfied, the more he was overwhelmed sa mga pinagsasabi niya, the more na mas madali siyang mamamatay.”sabi ko kaya nanlisik ang mata nito.

“What did you say? Ulitin mo nga!”galit na saad nito.

“Stop being a hypocrite! I know you also have fault why mommy died. Kung makaasta ka akala mo wala kang naging kasalanan.”sabi ko kaya mas lalo siyang namula sa inis.

“Demonyo ka talagang bata ka!”saad niya at dinuro ako.

“Mas demonyo ka! Sinong bang matinong tao ang sisihin ang sarili niyang anak sa pagkawala ng asawa't anak niya? Ikaw lang 'di ba?”nakangising saad ko. “kung hindi ka nambababae hindi tayo magkakaganito!”saad ko kaya nilakad niya ang pwesto ko at akmang sasampalin ako noong maunahan siyang itulak ni daddy.

“Don't you dare hurt my daughter! Wala kanang karapatan sakan'ya dahil sa mata ng batas, hindi na ikaw ang ama niya.”sabi ni daddy kaya nginisihan ko si Rios.

“You heard that? It's just your dirty blood that still running through my veins is our only connection. Bukod doon, wala na.”sabi ko at nilagay ang bulaklak sa puntod nila mommy at umalis na.

Ang aga naman ng kabwesitan sa buhay ko. Wala na talagang nangyayaring matino sa buhay ko. Kung hindi kabwesitan, kamalasan naman ang natatamo ko.

Noong makauwi kami ni daddy ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa. Nai-istress ako kay Rios umagang-umaga.

“What is that Relcy?”tanong ni dad noong makapasok.

“I just put him on his place.”sabi ko rito.

“That's still rude. Kahit sabihin natin wala siyang pake-alam sayo, hindi no'n mababago ang katotohanang tatay mo parin siya.”sabi nito kaya napairap ako.

Perilously Devoted (MORGAN SERIES 2)Where stories live. Discover now