Chapter One

200 65 16
                                    

DISCLAIMER:

This story is a fictional work and isn't meant to promote or endorse the behavior that's depicted in the story. The subject matter touches on topics like stalking, abuse of power and manipulation, which can be upsetting and offensive to some readers. It's important to remember that this is just a work of fiction and not an endorsement of similar behavior in real life, and to use your own discretion when consuming such content.

“Break up with Mateo, Alondra! He's cheating on you!” Summer said. I raised an eyebrow at her and rolled my eyes. Tinalikuran ko siya at akmang maglalakad palayo pero agad niyang nahuli ang kamay ko.

“Believe me, Alondra,” she whispered in my ear while she's standing behind my back.

Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Nag-iinit na talaga ang ulo ko sa babaeng ‘to! Hindi pa ba sapat sa kanya ang i-backstab ako? At kaya pati ang boyfriend ko ay sinisiraan niya sa akin?!

Hinawi ko ang kamay niya at tinulak siya. Dinuro ko siya at matalim na tinignan habang siya ay nakangisi sa akin na para ba’ng hindi niya talaga pinagsisisihan ang mga sinabi niya.

“‘Wag na ‘wag mong sisiraan ang boyfriend ko, Summer! Iyan lang ba talaga ang role mo sa mundong ‘to? Ang manira?!” Hindi na ako makapagtimpi sa kanya. Inis na inis na ako.

Napalingon ako sa mga taong nakatingin na sa amin dahil sa sigawan naming dalawa. Wala akong pakialam kung magtinginan sila sa aming dalawa ni Summer.

“Ayaw mo talagang maniwala? Ako na nga ‘tong mabait at pinapaalam sa’yo, sa akin ka pa galit? Nasaan ang gratitude?” Pang-aasar niya.

I pushed her and pulled her hair. “My boyfriend loves me, he will never cheat on me! Stop spreading lies, Summer! Palagi mo na lang sinisira ang lahat ng mayroon ako! I hate you so much!”

Napakapit na rin siya sa buhok ko at napahiyaw ako nang lakasan niya ang sabunot niya sa buhok ko kaya naman mas hinila ko ang buhok niya nang mas malakas.

“Walang hiya ka pala, e! Hindi ka na lang magpasalamat sa akin! Ipagpatuloy mo na lang ‘yang pagiging tanga mo!” Napahiyaw ako nang bigla na lang ako sampalin ng malakas ni Summer sa kanang pisngi at halos mabingi ako.

“You’re a bitch, Summer!” I shouted.

“No! You're the bitch, Alondra!” Summer slapped me again. I screamed as I slapped her back and dug my fingernails on her arm. She screamed in pain. “Ouch!”

“Gaga ka?!” Hinawakan ko pa lalo ang buhok niya gamit ang dalawa kong kamay. Inuntog ko ang ulo niya sa sahig dahilan para maiyak siya sa sakit. “You deserve this, Summer. Stop bothering me. I'm so tired of your shits!”

“I'm telling the truth, Alondra. But you choose not to believe me! Ngayon bahala ka nang tuklasin ang lahat, na niloloko ka lang ng boyfriend mo at pineperahan ka!”

Napatigil ako sa ginagawa at mariing tumitig sa kanya.

“Come on, Alondra, wake up. Nagbubulag bulagan ka lang sa boyfriend mo. If you don't want to believe me then I'll stop and not bother you anymore. But remember, I have the truths and the proofs…”

“You have the proofs? Then show me the proofs, stop being a coward, show it to me!” I challenged her.

She pushed me. She stood up and took her phone from her pocket. May mga pinindot siya roon at laking gulat ko nang makita ang picture na ipinakita niya. Halos manlamig ang katawan ko habang nakatitig sa screen.

My boyfriend, Mateo’s really cheating on me… Staring at the picture where he's kissing another girl made me want to cry myself out here in public. It tore my heart into pieces. I trusted him!

Blood: Under the Shadow of Love Where stories live. Discover now