【CHAPTER 5: DUSTIN】

860 29 101
                                    

Hulog na yata

    MADALING araw na nang makatulog ako. Sa tuwing pipikit ako, mukha ni Rara ang nakikita ko. Rara and her effects on me are getting crazy with each passing day! Damn! I ended up drinking the Cuervo on the fridge to fall asleep, which was happily effective.

Kinabukasan, na-late ako nang dalawampung minuto sa unang subject. Masama ang tingin sa akin ng propesor noong pumasok ako. Hindi naman ako nagreklamo kahit halata naman na pinag-iinitan niya ako sa buong oras ng klase.

Hindi ko alam kung sino ang sisisihin— Is it me because I can't get Rara out of my system or her because she corrupted my mind.

Buong klase nagpanggap lang akong nakikinig kahit sa totoo lang ay antok na antok pa ako. I fell asleep at three o'clock last night, and when I woke up, I had a massive headache from finishing the liquor.

Muntik pa nga ako makatulog ulit habang naliligo! Hindi na rin ako nakakain ng almusal kaya kanina pa nagrarambulan ang mga bituka ko sa tiyan.

Kapag napapahikab ako ay yumuyuko na lang ako para hindi makakuha ng pansin. Saka baka mamaya, matawag na naman ako sa klase. My brain is still too disoriented to answer correctly. Nakatsamba lang talaga ako kanina kaya nakasagot ako ng maayos. Sana bumilis ang oras dahil hindi na ako makapaghintay na kumain.

Since it was Saturday, half-day lang ang klase ko. Nang makauwi, bumalik ako sa pagtulog. Medyo madilim na nang magising ako. I didn't have the energy to cook, so I just ordered food. I settled on the couch in the living room while waiting for my orders to arrive on my doorstep.

While waiting, I decided to watch on the television. I was stunned when a replay of Rara's movie started to play. I blinked as my lips parted in amusement when I saw how young she was in the movie, maybe three years younger than her age now. I rested my elbow on the armchair, playing with my bottom lip as my eyes fixed on her.

Kailan kaya hindi magiging maganda ang babaeng 'to sa paningin ko?

Nang dumating ang araw ng birthday ng Popsi ni Rara, bumisita ako sa bahay nila. Sinigurado kong mabango at presentable ako para hindi ma-badshot sa popsi niya. Of course, I brought a gift for him. It's just a simple beer mug with lid.

Nang dumating ako sa bahay nila ay sinalubong kaagad ako ni Rara, thank god and its not her father who welcomed me. Hanggang ngayon kasi, medyo naiilang ako popsi niya. I feel like he wanted to skin me alive because I am friends with her lovely daughter. Naiintindihan ko naman dahil nag-iisang babae nga lang si Rara at bunso pa.

"Who's this man, doll?"

May isang lalaki ang sa tingin kong kasing tanda ni Dwight ang nakaupo sa sofa at nakatingin sa akin, kinikilatis ako.

"He's Dustin, my friend." Rara introduced me.

Parang may tumusok sa dibdib ko nang marinig ang sinabi niya. Tang ina, olats, friends lang kami. 

"Hello, pre! Rere nga pala," he offered a hand, which I gladly accepted.

"Hi, nice to meet you." Bati ko pabalik habang nakangiti ng bahagya.

"Are you really just friends?" tanong niya.

I quickly glanced at Rara, who was already looking at me. My heart quickened, so I had to look away to calm my heart. Fuck.

"Oo, friends lang kami," sagot ko na parang labas sa ilong.

"Mabuti naman. Bata pa 'tong prinsesa namin, bawal pa magboyfriend," ani Rere habang nakangisi. "Balik ka after 3 years, pwede na no'n."

TAMING THE VICIOUS STORM (Familiá Altamirano #4)Where stories live. Discover now