9: The devil incarnate

14 0 0
                                    

CHAPTER NINE

"S-SIR.. S-sorry po.. S-sasabihin ko na po kung sino ang nag-utos sa amin. Huwag n'yo lang pong gawan ng masama ang pamilya ko.." Matapos marinig ang inutos niya kay Frank ay biglang nataranta ang dalawang lalaking nahuli nila at agad itong nagmakaawa sa kaniya.

Nawala ang nanunuyang ngisi sa mukha ng mga ito. He had hit their reverse scales kaya napakadalinh nagbago ng isip ng mga ito.

Hindi rin kasi akalain ng mga ito na may hawak siyang system na kayang-kayang ma-trace ang isang tao sa pamamagitan lang ng finger prints ng mga ito. Ito 'yong napakagandang project ng gobyerno na nakakatulong sa kanila upang madaling tukoy ang kung sino mang mga kriminal na gusto nilang tukuyin as long as makukuha nila ang fingerprints ng mga ito.

A very useful system to find and trace criminals, but a very dangerous one when in the hands of someone like Dom.

"Si Don Magno po ang nag-utos sa amin kapalit ng malaking halaga at proteksyon sa mga pamilya namin. Agad po naming tinanggap dahil may tulong naman kaming matatanggap galing sa isa sa mga direktor ng Mindanao Summit Corporation na mas magpapadali ng misyon namin," pag-amin ng isa sa dalawang nahuli nila. Bakas sa mukha nito ang takot, hindi para sa sarili kung hindi ay para sa pamilya nito.

"Totoo 'yan, Sir. Nagta-trabaho lang po kami," saad naman ng isang kasama nito.

"Don Magno is one of the members of the Council of Dons of Mindanao," dagdag naman ni Frank nang tingnan ito ni Dom. Alam niyang hindi kilala ni Dom si Don Magno kaya pinakakilala niya na ito.

Napatango naman si Dom matapos marinig itong lahat. Alam niya na itong Council of Dons ay isang grupo ng mga malalaking Mafia Dons at Bosses dito sa Mindanao, pero dahil sa hindi niya binigyang pansin ang mga ito sa kabila ng pagpapadala ng mga ito ng assasins upang iligpit siya, ay hindi na siya nag-abala pang alamin ang pangalan ng bawat membro ng council na ito.

Ngunit ngayong nalagay sa panganib ang buhay ni Autumn dahil sa kagagawan ng mga ito, kailangan niya nang ipakita kung ano ang kaniyang kapasidad bilang isang Mafia Boss.

Kailangan niya nang ipakita sa mga ito kung sino nga ba ang hari ng underground community ng buong bansa.

At ipapakita niya na rin sa mga taong ayaw sa kaniya, lalo na ng mga membro ng Board of Directors ng Mindanao Summit Corporation, kung ano ang mangyayari kapag siya ang magalit.

"Well, thank you for the information. Alam kong nagta-trabaho lang kayo, pero muntik niyo na kaming napatay, at muntik na ring mapahamak ang isang kasama naming walang kinalaman sa lahat ng mga bagay na tayo lang na mga nasa underground community ang nakakaalam. Kaya kailangan ko pa rin kayong turuan ng leksyon." Seryosong saad ni Dom habang tinitigan ng seryoso ang dalawang lalaki na ngayon ay nakatitig na rin sa kaniya.

Bakas sa pagmumukha ng mga ito ang takot sa kung ano man ang leksyon na tinuran niya.

"But don't worry, I won't drag your families with the mess that the two of you has caused." Dagdag niya pa dahilan upang biglang nagliwanag ang mukha ng dalawa.

Napangiti ang mga ito habang tuwang-tuwa na nakatingin pa rin sa kaniya.

"Maraming salamat po B--"

Bang!

Bang!

Magpapasalamat pa sana ang mga ito ngunit hindi na nila ito naituloy, as without hesitation, Dom ended both of their lives with a bullet on each of their heads.

Leaving their bodies limp with fresh blood oozing from gunshot wound on their forehead, Dom exited the under ground room returning his handgun back to its holster in his waist.

Cold and Ruthless (SPG)Where stories live. Discover now