38: The Past Part 23

2 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT

[Warning! Contains Disturbing Contents that depicts violence! Read at your own risk]

INIHANDA na ni Dom ang sarili sa anumang posibleng mangyayari sa kaniya nang tumapak ang kaniyang mga paa sa entrance ng Building 4 na sinasabing hawak ng Carsel Group. Ang mismong grupong naka-engkwentro niya at ng mga ka-grupo kaninang umaga.

Dahil oras ng kainan ngayon para sa hapunan nila ay napakatahimik ng buong building habang naglalakad siya kasama ang mga Jail Guards na naghatid sa kaniya patungo sa kaniyang magiging selda.

May mangilan-ngilang mga priso pero tahimik lang ang mga ito habang tinitigan sina Dom.

Hanggang sa makarating si Dom sa kaniyang magiging selda ay gano'n pa rin ang nangyari, napakatahimik.

Tinawag naman ng mga Jail Guards ang mayor ng kaniyang magiging selda upang makilala siya nito. Ilang saglit lang ay dumating ang mayor at nakangiti pa nitong ni-welcome si Dom. Pagkaalis ng mga Jail Guards ay tinulungan pa siya nitong mailagay sa lagayan ng mga damit ang kaniyang dalang bag, at pagkatapos ay isinama siya nito Dining Area upang makapaghapunan na rin siya.

Inaasahan ni Dom na mabubugbog siya sa unang araw niya sa building na ito. Pero kabaliktaran ang nangyari, dahil nang ipakilala siya ng kaniyang bagong mayor sa mga magiging kakusa niya ay halos nakangiti lang sa kaniya ang mga ito at bukal sa puso siyang ni-welcome.

Habang kumakain ay napag-alaman ni Dom na ang lahat nang narito sa Building na ito ay mga priso palang galing sa Mindanao na nahatulan ng pagkakulong ng mahigit na dalampong taon. Naisip niya rin na kaya siguro friendly ang mga ito sa kaniya dahil magkababayan sila.

Samantalang ang nasa Building 3 naman ang taga Visayas at ang nasa 1 at 2 ay galing sa luzon. Pero minsan ang lahat nang mga baguhang priso ay sa dormitory 1 at 2 nilalagay, ito ang dahilan kung bakit hindi agad napunta sa building 4 si Dom no'ng una niyang pasok dito.

Sa kabuoan ng kanilang hapunan ay puro introduksyon sa sarili lang ang pinag-uusapan nila at ng mga kakusa niya. Kaya nalaman niyang karamihan sa mga kaso ng makakasama niya sa selda ay mga murder. May ilang kidnapping pero dalawa lang iyon.

Kaya naman sa kabila ng magandang pakikitungo ng mga ito kay Dom ay hindi pa rin niya ibinaba ang kompyansa sa mga ito. Inilagay niya talaga sa isip na lahat nang kasama niya ay mga tunay na kriminal na nakapatay na ng tao. Isang maling galaw o salita niya lang sa mga ito ay maaaring iyon na ang katapusan niya.

"Balik na kayo sa mag selda ninyo! Five minutes! Kung may makikita pa kaming tao rito ay sa bartolina na ito matutulog!" anunsyo ng isang jail guard gamit ang isang megaphone nang makitang natapos na sa pagkain ang mga priso. At dahil sa lakas niyon ay narinig talaga iyon ng mga inmates dahilan upang 'yong ibang hindi pa nakatapos kumain ay napilitan magmadali.

'Yong iba namang tapos na ay dali-dali nang umalis ng Dining Area at tumungo na sa kani-kanilang mga selda.

Tulad no'ng unang selda ni Dom, siksikan din sila sa bagong silid tulugan nila. Dalampo't lima silang narito sa loob at isang triple deck bed lamang ang narito. Syempre malaki naman ang kama, pero siksikan pa rin sila dahil sa rami nila. May iba pa ngang sa sahig nalang daw matutulog.

At dahil bago si Dom, hinayaan naman siya ng mga kakusang sa kama na siya matutulog dahil sanay naman na raw silang lahat na sa sahig matutulog. Mas maganda pa nga raw dito dahil malamig.

Cold and Ruthless (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon