Chapter Four

5 2 0
                                    

Gumising ako na nakita si mommy nakatingin sa 'kin. Napa-upo naman ako sa gilid ng kama.

"Mom?" tawag ko sakanya.

Nakita ko na may luha sa mga mata niya. Ngumiti siya. Ngumiti nalang din ako babalik.


"Bakit po?" nagtatakang tanong ko sakanya. Nakatagilid ang ulo ko para sabihin sakanya. Na hindi ko siya maintindihan.



Lumapit siya sa 'kin at umupo sa tabi ko at niyakap ako,"'wag naman pati ikaw mawawala, 'di ko na kaya!"


Ba't ba nagda-drama 'to?


"Teka naman mommy! Ba't ka ba iyak nang iyak d'yan? May problema po ba?"


"Wala naman...." at umalis sa pakayakap sa 'kin at umalis sa kwarto ko.




Na pa'no siya?


Hindi ko na alam ang mga sinasabi niya. Kaya naligo nalang ako pakatapos ay nagbihis.


Nakita ko nakabihis si mommy, formal na formal. Saan nanaman 'to pupunta? Simula nakasakit ang kapatid ko. Palagi nalang siya aalis at may dalang pagkain at malaking pera.


Hindi naman...... may sugar daddy si mommy? Eh! Ang tanda na niya. Okay lang naman pumatol pa siya. Pero sana naman sa malapit na mamatay, ay ano ba!


Habang abala ako sa pag aayos sa kapatid ko, nag ring ang cellphone ko. Sinagot ko ito.



"Girl! Sebastian is looking for you!" bungad agad ni Joreen.



"Aanhin ko ang panghahanap niya sa 'kin?" mataray na sabi ko.

"Maybe you'll get a punishment after; kasi hindi ka pumasok. 'Wag ka nalang mag aalala ako na bahala dito," after she said that. She ended the call.


Bukas na lang siguro ako papasok. Miss ko din alagaan ang magandang kapatid ko na nag mana sa 'kin, syempre.



"Jam, balik kana oh, miss kana ni ate," naka-ngiting sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Pagkatapos ng ilang minuto na nandun lang ako sa kwarto. Lumabas ako at nagpahangin.

"Init putik!" mag papahangin sana ako, pero ba't gusto ko nalang pumasok sa ref?

Pati naman ang hangin sa labas na dapat malamig, parang bumubuka ng apoy sa sobrang init!

Pumasok nalang ulit ako sa bahay at pumunta sa aking kwarto para magpalamig kasi parang naiinitan na ako.

Alam ko, bago lang ako, u-mabsent agad. Parang walang pinaghirapan na scholarship eh ‘no? Parang walang mini-maintain na grades para scholar parin.

Bored ako kaya naisipan ko manood ng k-drama sa cellphone ko gamit ang Viu na account.

Matapos ang anim na episode na tulala nalang ako bigla. Bakit walang lalaki na katulad nila sa totoong buhay? Wala na bang lalaki na i-trato ka ng tama at panindigan ka? Ah! Ang daming tanong na wala naman kasagutan!

Tumingin ako sa kisame na nag i-emote na may tumawag!

Punyeta ang Epal!

"Ano?!" inis na sagot ko.

Wala na akong panahon malaman sino 'yun. Wala naman tumatawag sa 'kin, bukod sa gi-

"Why are you absent, Miss Obeliana?" napa-upo agad ako sa kama nang malaman kung sino ang kausap ko ngayon.

Loving The Unexpectedly Where stories live. Discover now