Chapter Nine

3 1 0
                                    

"Long time no see guys!" sabi ni Arian at kumakaway sa 'kin. Iniwaygayway niya ang dala niyang mga chips para sa pulutan.

Nandito na kaming lahat sa condo ni Alisha pero sayang wala si Joreen, hindi talaga mapakpunta kahit anong pilit ang aming ginawa, ayaw talaga niya.

"Oh ano? What movie are we picking?" Rey Aniya asked as she watched all the drama.

"Fifty shade!" suggest ni Cait kaya binatukan siya ni Alisha.

"Puro kalokohan, Cait. Isang tabi mo muna." parang nanay na sinermonan si Caitleen na napanguso nalang.

"'Yan kasi! Pinagalitan na tuloy ni Momshie Alisha!" natatawang sabi ni Arian habang tinuturo pa siya.

Galit tumingin si Caitleen sa kanya at napa-irap nalang. "Maldita jud!"

Nagpalit kaming lahat ng pajamas, kasi pajama party 'to, kahit wala si Joreen may ambag parin naman siya, ito mga pajama namin.

"Picture tayo, send ko sa gc." sabi ko at kinuha ang selfie stick. Inayos ko ang phone ko sa selfie stick. Tiningnan ko sila.

Nag pwesto na sila. Sa ibaba si Caitleen tapus sa itaas niya ay si Arian, ang katabi ni Arian ay ako, harapan ko naman ay si Alisha na nakaluhod sa harap ko. Si Aniya ay naka-luhod din sa katabi ni Caitleen. Nag peace sign si Alisha, nag pogi sign naman si Arian, normal lang ang pose ni Aniya, malanding pose ang ginawa ni Cait, hinawakan niya ang bibig niya at binuka ito ng maliit at pinikit ang isang mata niya. I clicked the camera.

Madami pa ginawa namin pero ang pinaka-favorite ko ay 'yung nag wakey kaming lahat. Nag pose ako na inilabas ang dila at pinikit ang isang mata, si Caitleen naman ay nilabas niya ang dila niya na patagilid at kaya din ng ginawa ko, pinikit niya ang mata niya, habang si Arian at Aniya naman ay parang nilibat ang mata nila at ngumiti na parang tanga. Si Alisha naman ay hinawakan niya ang pisngi niya at nilabas ang dila habang naka-ngiti.

Sinend namin 'yun sa Gc at minention namin si Joreen. We also posted it, sa sariling mga social medias namin. Parehas din kami ng caption.

"Girls night fun!" at tinag ang mga social medias namin. Pagkatapos mag post, kumain na kami at sinimulan ang movie marathon nang tumawag si Joreen sa gc sa Ig.

Sinagot ko 'yun, kasama naman kaming lima so ako nalang ang sumagot.

"How's my girls doing lately?" she asked us. Tinapad ko ang phone ko sa kanila.

"Hi love!"

"Hi bebeko!"

"Hi bebs!"

"Hi babi!"

Lahat sila ay binati nila si Joreen, Joreen smiled.

"I'm missing my girls," she said and pouted.

Napansin ko lang, ang mugto ng mata niya, galing ba siya sa iyak?

"Huy beh! Okay kalang? Para kang galing sa iyak ah!" pansin na sabi ni Caitleen kaya napatingin si Rey Aniya at Alisha at kinuha ang phone ko na galing sa kamay ko.

"Let's talk tomorrow, ren." Alisha said and ended the call.

"Uy gagi! Ba't mo inend?" tanong ni Arian at tinulak siya ng mahina.

"Let her be herself at this moment but from now on, let's do our movie bucket list here."

Sabi niya at kinuha ang box kung saan namin nilagay ang mga gusto namin na movie na gusto namin panoorin.

Kapag natapus ng panuorin namin ay itatapon na namin ang title na 'yun sa basurahan kapag hindi pa natapos, ilagay namin ito sa isang box na 'hindi pa tapos na movie' pero lahat ng hindi namin natapus ay tinapos namin kapag may time kami mag usap lahat ulit.

Loving The Unexpectedly Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin