Chapter 1

48 3 0
                                    

Chapter 1

Valerie's Point of View

“Good morning, Miss Beautiful,” nakangiting bati sa akin ni kuya guard nang buksan niya ang sliding door ng kompanya.

“Good morning too, kuya. Hanggang ngayon bolero ka pa rin, ilang beses mo na ‘yan sinabi sa lahat ng babaeng employee dito?” Nakangiti kong sabi.

“Syempre sa ‘yo lang,” sagot niya.

Hindi na ako nag salita at nag-thumbs up nalang. Naglakad na ako papunta sa ID scanner para makapag-log in ako ngayong araw. Habang papalapit roon ay binabati ako ng ilan sa mga empleyado ng U&Me.

Of course, bukod kasi sa isa ako sa mga senior manager ng buong kompanya, ako rin ang face of the marketing department. Natural ang ganda ng mukha ko at mas pinaganda pa sa mga produkto na nilalabas namin. We are a skin-care company, and we aim to produce quality and effective products.

Kailangan rin kasi na lahat ng employee ay ginagamit mismo ang sariling product for advertising. Masyado rin bias kung ibang products ang gagamitin namin— though, we use other brands, pero secret lang natin ‘yon.

Marami akong kasabay sa elevator dahil na rin sa malapit na ang oras kung saan magsisimulang tumutok sa kanya-kanyang mga screen ang lahat. 8AM is the official start of work, kaya dapat bago mag-alas otso, nasa sariling working cubicle na ang lahat ng empleyado ng U&Me.

When the elevator dings and open to the fourth floor, apat lang ang lumabas at kasama na ako roon. Deretso kong tinungo ang marketing department, kung saan isa akong assistant manager. The head manager of the marketing department has been in the company for 35 years, her experience and dedication to her job makes her my role model.

“Good morning, Ma'am! Andito na ang kape niyo at ang paborito mong friendship,” bati sa akin ni Rebecca bago binigay ang hawak niyang kape. Bahagya siyang lumapit sa akin saka may binulong. “May dalaw ata si Madame Sungit dahil nakasimangot siyang pumasok. Kailangan mong gampanan ang role mo today please, ayoko mapagalitan,” pagsusumamo niya.

“Menopause na si Madame, Beca,” nakangising saad ko. I took a sip on the coffee she prepared and gave her a compliment for making it right to my tongue. Pumunta na ako sa sarili kong cubicle para maghanda sa aasikasuhin ko.

“Rie!”

I lifted my head when one of the employees called my nickname. My long time friend, Jackie, approached me with a very wide smile. Para siyang nakasungkit ng afam at nadiligan sa liwanag ng mukha niya.

“Kamusta bakasyon?” saad ko sabay salubong sa yakap niya. “Pasalubong ko? Huwag naman sana chocolates lang, baka pwedeng ‘yong kaibigan ng jowa mo, ireto mo sa’kin.”

“Gaga, may fiance na ‘yon,” saad niya sabay tawa sa akin. Napasimangot na lamang ako sa turan niya. “Kawawa ka talaga, pero don't worry, marami akong regalo sa ‘yo. Punta ka sa bahay after work para ikaw pumili ng gusto mo.”

“Ano ‘yon, lingeries?” bulong ko. Masaya pa akong hinihintay ang kasunod ng sasabihin niya. Napangisi sa akin si Jackie at mas lumapit sa tainga ko.

“Dildo,” bulalas niya.

Nasapak ko siya ng wala sa oras pero ang gaga, ngumisi lang at pumunta sa sariling cubicle niya. Napaikot na lamang ang mga mata ko bago ako umupo. Lintik, pinapainggit lang talaga ako ni Jackie sa happy relationship niya.

Nagsimula na lamang akong magtrabaho para marami akong matatapos ngayong araw. This is my life, and even if it's perfect, I still have some yearning for other things. I graduated with a degree, got accepted into this job on my first try, got promoted, and now I'm an assistant manager. I've been working since I graduated and I consider myself lucky.

Mortal BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon