Chapter 2

31 3 0
                                    

Chapter 2

Valerie's Point of View

Sabay kaming nag-time out nina Jackie at Rebecca saka dumaan sa paborito naming tambayan tuwing after work. We always need that short moment to unwind before going home. Kumain na rin kami sa labas bago lumihis ng landas si Rebecca dahil malayo pa ang uuwian niya. Ako naman ay pupunta sa bahay ni Jackie para tingnan ‘yong mga pasalubong niya galing Thailand.

“Joke lang naman siguro ‘yong sinabi mo kanina no?” pagkukumpirma ko nang papasok kami sa apartment unit niya. Binaba ko ang dalang bag sa ibabaw ng counter bago sumalpok sa sofa. ”Dahil kung literal na sex toy ‘yan, itatakwil kita!” dagdag ko pa.

“Grabe ka naman, gusto ko lang naman na lumigaya ka rin kahit mag-isa ka lang,” natatatawa niyang sabi. Bakas ang pang-aasar sa boses niya kaya't sinamaan ko siya ng tingin. “Ito talaga si Valerie, hindi mabiro-biro. Sige na, nasa kwarto ‘yong maleta ko buksan mo na para malaman mo.”

Umirap ako saka tumayo’t tumungo sa kwarto niya. Agad kong nakita ang maleta saka binuksan ito. Bumungad sa akin ang mga bagong biling damit at mga bikini. In fairness, may taste si Jackie sa mga ganitong bagay.

“Kuha ka lang ng kahit ano diyan, same size rin naman tayo kaya may ilan diyan dalawa ang klase, feeling ko kasi bet mo rin,” saad niya nang makapasok siya sa loob. Diretso pa siyang nag hubad ng damit at hindi alintana na may tao.

Ganyan na talaga kaming dalawa, wala ng malisya dahil sa tagal ng aming pagkakaibigan. Nagsama rin kami sa iisang apartment dati, pero simula ng pareho kaming na promote, nagkanya-kanya na kami ng matutuluyan.

Namili na ako ng mga gusto ko, at nag-stay sa unit niya hanggang naisipan kong umuwi bandang 9PM. Hinatid niya pa ako sa labas at hindi umalis hanggang makasakay ako ng taxi.

Nakarating ako sa bahay at agad nagbihis ng ibang damit. Hindi muna ako matutulog dahil kailangan kong tapusin ang proposal ngayong gabi para may time for revision ako bukas. Bandang alas tres na ako nakatulog at nagising lang ako dahil sa alarm ko.

Puta, 7:30 na ng umaga kaya sobrang bilis ko mag-ayos. Subalit dahil sa pagmamadali at taranta sa oras, nasagi ng tubig ang laptop ko at hindi na ito nag-on. Napasabunot ako sa aking sarili dahil sa malas ko ngayong araw.

“Late ka na nga, sira pa laptop mo,” bulalas ni Jackie ng sabihin ko sa kanya ang nangyari kaninang umaga. “Pero alam mo, Rie. Kahit ganyan nangyari tapos wala ka pang matinong tulog, ang ganda mo pa rin.”

Gusto kong ngumiti sa sinabi niya pero hindi ko magawa. Nasa laptop ang final draft ng proposal ko at hindi ko ito na-back up dahil sa antok. I'm not totally that clumsy, but my adrenaline rush was at fault. Kanina pa ako kinakabahan dahil tiyak akong papagalitan ako ni Mrs. Ravenscroft.

“Miss Rie, hanap ka ni Madame Sungit.” Dumaan si Rebecca sa gawi namin at ‘yon ang sinabi niya. Rebecca has a long face that wants to carry the burden with me but she can't do anything about it.

“Pakinggan mo nalang ang lahat ng sasabihin niya, alam mo na, masungit ‘yon pero minsan, may pusong mamon rin,” litanya ni Jackie sabay tapik sa balikat ko.

“Oo, nga, Miss Rie. Fighting!” Rebecca said.

Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago ako tumayo at nilandas ang office ni Mrs. Ravenscroft. I spend like 20 minutes inside there, listening to all her blabbering addressing my clumsiness and my negligence of not having a back up.

Then at the end, she asked me to write everything from the first page to the last page, and send it to her email tonight. Gusto ko sanang magreklamo, pero Thursday na ngayon at Friday na bukas. I have no choice but to comply.

Mortal BondWhere stories live. Discover now