Chapter 3

29 4 0
                                    

Chapter 3

Valeria's Point of View

Napabuntong hininga ako nang ma-approve ng BOT ang proposal ko. Kailangan na lang ng final drafting and we will proceed to the making of the new packaging and approving of ingredients. It might take a while, months maybe, and soon, isa na namang facial product ang lalabas sa U&Me.

“Congratulation sa kaibigan natin!” sigaw ni Jackie habang itinataas ang hawak na malaking glass beer. “At dahil diyan, lahat ng order tonight will be on me!” masaya niyang sabi, mukha pa siyang tanga at napasayaw pa sabay sa lakas ng tugtugin ng bar.

“Wohoo! Congrats, Miss Rie—”

“Nasa labas tayo, Becca, kaya Rie nalang,” putol ko sa sasabihin niya. Agad naman siyang tumango at binati ako muli. We clung our glass beer and gulped down to the drain at sabay pa kaming nagsigawan na parang mga ibon na lumaya sa lalagyan.

Sabado ngayon at gabi na, walang trabaho bukas kaya malaya kaming mag-welga. Siyempre, Jackie promised to treat me to a bar she recently knew. Marami siyang alam na lugar at lagi niya akong dinadala. Perks of having a foreigner boyfriend, marami siyang pera at sagana sa dilig ang bulaklak niya.

“Come one, Rie. Wala ka bang nakikitang gwapo sa mga mata mo? Maraming mga lalaki ngayon oh,” bulalas ni Jackie sabay turo sa mga nakikita niyang lalaki. Agad ko naman siyang inawat dahil tumatatak na ang alak sa sistema niya.

“Ayoko makipagchukchakan sa mga pumupunta ng mga bar dahil bukod sa gusto lang nila uminom, mahilig rin sila sa fuck and go, kaya nope. I won't,” I said as I shook my head. Tinuro ko si Rebecca. “Itong isa, kanina pa siya nakatingin doon sa second floor, parang may magnetic field na humihila sa kanya roon.”

Napatawa naman si Jackie at Rebecca sa sinabi ko.

“Wala kaya, may nakita lang akong pamilyar na tao,” depensa niya. Kahit nakakaduling ang ilaw, nakikita ko pa rin ang mamumula ng mukha niya.

“Puntahan mo,” saad ni Jackie sabay lagok sa alak. Pagkababa niya sa baso ay tiningnan niya muli si Rebecca ng matalim.. ”Kung sino man ‘yan, puntahan mo tapos catch up kayo, then baka malay mo, mauwi sa jugjugan, ganun!”

“Bibig mo, Jackie,” pag-aawat ko. “Nandito tayo para mag-unwind, hindi para magpachupa sa estranghero.”

“Oo nga, inom na lang tayo!” Rebecca said and raised her glass to cheer with ours. Sumunod na rin kaming nagtaas ng mga baso at sabay na tumungga.

Hindi ko alam kung anong oras kami nakauwi, basta ang alam ko lang ay sabog na si Jackie sa kalasingan. Uwi na si Rebecca ng maaga at naiwan kaming dalawa ni Jackie ubusin ‘yong pera na bigay ng jowa niya sa beer.

Nagpapasalamat ako sa sarili ko na nakauwi ako ng matiwasay pagkatapos kong mahatid si Jackie sa kanila. Nagising pa nga ako na nasa sofa, dahil hindi na ako umabot sa kama.

Tinungo ko ang banyo para tingnan ang sarili ko, hindi rin ako nakapalit ng damit o maski tanggalin ang make up ko. Lintik, sabog na sabog ako kagabi kaya para na rin hinihiwa ang ulo ko sa sakit ngayon.

Habang nagluluto ako ng hangover soup, tinitingnan ko ang mga email messages ko ngayon sa aking selpon. Pinaayos ko pa ang laptop ko kaya wala akong ibang magawa kundi magbasa ng mga messages.

Pagkatapos nun ay kumain na ako at nag-scroll sa social media apps ko. Palagi akong nag-p-post sa instagram dahil na rin sa endorser ako ng products namin. Napatulala lamang ako nang nay nahagip akong post ng mga college block mates ko.

Ilan sa kanila, may jowa, may fiance, at kasal na. Hindi naman dapat ako ma-iingit pero hindi ko mapigilan. They already achieved so much in their lives, and now they are spending their years with someone special.

Mortal BondWhere stories live. Discover now