New Life

88 10 0
                                    

Cathy

Baguio City, ang lugar kung saan pumupunta ang mga taong sawi sa pag-ibig at nais makalimot.

Sabi nga nila, kapag tinanong ka daw ng "where do broken hearts go?", ang tamang sagot ay Baguio.

Kaya eto ako ngayon, naandito sa lugar kung saan pumupunta ang mga sawi sa pag-ibig. Yun nga lang hindi lang para gamutin yung puso kong sugatan, naandito ako para ayusin din ang mga buhay nga mga empleyado ng aming kumpanya dito.

Pinadala kasi ako dito ng aming kumpanya upang palitan yung manager na naka assign dito na ayon sa department head namin ay hindi daw niya na me-meet yung matrix ng buong team. Ang depensa naman niya ay matigas daw ang ulo ng mga tao dito at mahirap pasunurin. May mga komento pa siyang mga bastos daw ang mga tao dito at hindi naniniwala sa sinasabi nya. Sabi naman ng ibang department ay siya itong bastos at napaka self-centered. Hindi rin daw ito marunong makisama. Feeling niya siya yung laging tama, yung pinipilit niya yung isang bagay kahit alam naman ng lahat mali. Wala daw itong pinipiling awayin. Kaya maraming galit sa kanya at ito yung rason kung bakit inalis siya rito.

Oh well, ganun naman talaga sa trabahong ito. Noong nagsisimula pa lang ako ay nakikipagtalo din ako pero sa paglipas ng panahon, natuto din akong makipaglaro sa mga trip ng mga stakeholders. Pero when it comes sa mga staff na under sa akin, ayun duon talaga ako mahigpit. Ayoko ng nga petiks-petiks lang. Pagtrabaho-trabaho talaga, kasi anuman yung outcome ng trabaho nila sa akin yung magrereflect. Ayaw na ayaw ko pa naman na may naririning na negative comments tungkol sa akin lalo na sa trabaho ko. Lahat inaral ko talaga. Pinag-aralan ko maigi lahat ng pasikot-sikot dito lakong lalo na kung paano makipag-deal sa mga katrabaho. Lahat ng maliliit na detalye tungkol sa personality at mga trip ng mga nasa itaas inaral ko din kaya bilib na bilib sila sa akin. Nag-aral din ako ng MBA para mas marami akong matutunan na kaalaman kung paano mag-manage ng tao at team.

I am aiming to be a director soon kaya dapat perfect lahat. Hindi kasi biro yung pinagdaanan ko bago ko narating itong posisyon na ito.

Kumapara sa iba, mabilis ko itong nakuha pero dugo't pawis ko naman ang pinuhunan ko dito. Ginapang ko talaga ito para makarating ako kung nasaan ako ngayon para patunayan sa buong mundo na mabubuhay ako kahit wala si Ralph. At higit sa lahat gusto kong patunayan na kaya kong itaguyod mag-isa ang anak kong si Sammie.

Bagama't nasa akin ang custody ni Sam, hindi naman tumitigil si Ralph na gumawa ng paraan para kunin ito. Pati pamilya niya ay kinukunsinte siya kahit alam naman nila na ayon sa batas ay sa akin talaga ang custody ng bata.

Hindi naman siya nag kukukulang sa pagbibigay ng mga pangangailangan ni Sam, yun nga lang yuong mga magulang niya ay sobra kung makialam sa amin. Pati personal issues namin ay pinapakialaman, eto naman si Ralph masyadong defensive kapag yung magulang na niya yung pinag-uusapan. Palibhasa mana's boy.

Sabagay, yung pangbababae nga ni Ralph ay kinukunsinte din nila. Porke ba hindi ako galing sa mayamang pamilya o kaya kapantay ng posisyon ni Ralph sa trabaho eh ganun na lang nila ako maliitin.

Palibhasa kasi boss ko si Ralph noon kaya akala nila ako yung lumapit sa kanya. Yung tipong nakikipagflirt sa boss kapalit ng mga kung ano-anong perks. Well, hindi ko din naman sila masisi at karaniwan lang naman yung gaung ganap sa opisina. Pero iba ako. Ni minsan hindi ko naisip na gawin yuon. Kung tutuusin ako nga yung may karapatan na  nagdemanda at ni-rape ako ni Ralph nung team building namin kaya ako nabuntis.

Kahit ganun pa man ang nangyari ay tinanggap ko pa rin siya, binigyan ng chance at umasang magiging mabuting asawa pero bigo ako.

Minsan napapaisip tuloy ako na ang buhay talaga ay napaka unfair. Kadalasan dehado talaga ang mga babae. Parang normal lang sa lalaki ang mambabae tapos hihingi ng tawad. Tapos heto naman si babae tanga, papatawarin at tatanggapin muli si lalaki. Kung bakit? Yun kasi ang tanggap ng lipunan at yun ang tama sa mata ng karamihan. Na kahit ilang beses pang magkasala ang mga lalaki ay dapat itong patawarin, para hindi mawasak ang pamilya.

Kapag hiniwalayan naman ng babae yung lalaki ay kasalanan pa niya ito. Dahil hindi niya ito binigyan ng chance para magbago. Dahil normal lang daw talaga na magloko ang mga lalaki.

Gaya nga ng madalas na usapan sa inuman ng mga lalaki, malaking achievement sa kanila na may babae silang iba. Sabi nga nila, pogi points yun sa kanila.

Mas madaming chicks, mas astig at nakakabilib, yan ang maling ideolohiya ng mga lalaki. Kapag isa lang ang babae sa buhay nila ay aasarin pa ito at sasabihinh under de saya. In short, nakakawala ng reputasyon.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganun mag-isip ang mga lalaki. Hindi man siguro lahat pero karamihan. Napapaisip tuloy ako minsan kung yung utak ba nila ay nasa itlog nila.

Sabi nila man hater daw ako, pero hindi totoo yuon. Realistic lang akong tao and truth hurts. Hindi lang naman sa akin nangyari ito. Marami akong kilala, kamag-anak at kaibigan na naging biktima din ng ganitong sitwasyon.

Maraming asawa ang nagsasama kahit hindi naman maayos ang kanilang pagsasama.

Bakit?

Para sa bata. Para sa sasabihin ng lipunan.

Pero ako? Ayaw ko na talaga. Sawa na ako.

Naaawa nga ako sa sarili ko. Ang tagal na panahon ang sinayang ko kay Ralph. Ang tagal kong umasa na magbabago pa siya.

Kaya ako na mismo ang magpapatotoo na isang malaking kalokohan talaga na umasa na magbabago ang isang lalaki kaagad. Maaring pwede, pero kailan pa? Kapag 50 or 60 years old na siya? Kalokohan.

Kaya eto ako ngayon, imbes na mag-tiis ng magtiis ay umaasa na magbagong buhay. Bagong lugar, bagong buhay.

Sana maging maayos ang lahat dito. Gagawin ko ang lahat, huwag lang ako mabigo. Alam kong mahirap pero hindi ako papatalo. Para sa sarili ko, at lalong-lalo na para kay Sammie.

The Forbidden AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon