Cathy
"I love you too anak. Huwag pasaway kay lola ha... I miss you", wika ko bago pindutin yuong end call button.
Gustuhin ko man na kausapin pa ng matagal si Sam ay hindi ko na magawa dahil masyado na akong emotional.
Pinaghalong lungkot, galit at awa sa aking sarili ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Feeling ko ang sama kong tao. Kaya hindi ko napigilan na mapahinto sa paglalakad at tumingala sa langit habang ang aking dalawang kamay ay nakakuyom.
Nagagalit ako sa aking sarili dahil hindi ko lubos maisip kung bakit ko nagawa yuong bagay na iyon. Sa kahit anong angulo tingnan ay mali pa rin yuon. Natatakot din ako na baka maka apekto ito sa promotion ko dahil reputasyon ko ang pinag-uusapan dito.
Pagkalabas ko kasi kamina ng building ay agad kong tinawagan si Sam dahil nakokonsenya ako sa aking nagawa. Kausap ko siya habang naglalakad ako papuntang town kung nasaan yuong condo na tinutuluyan ko. Walking distance lang kasi ito sa office.
"Kape muna tayo", wika ni Faith.
Andito na kasi ako sa bakery niya. Naisipan ko na dumaan muna dito para bumili ng makakain bago umuwi. Mas convinient para sa akin na bumili na lang ng mga makakain kesa magluto since mag-isa lang naman ako.
Sakto naman na naandito siya at kakatapos lang mag audit ng mga supplies.
"You look different. I hope you don't mind, may problema ka ba?", wika nito habang binababa sa lamesa yuong mga pagkain na hinanda niya para sa akin. Akala ko kape lang, may pasta at creampuff pa pala.
Hindi ko maiwasan na mapangiti ng matikman yuong bagong flavor ng creampuff niya na Tiramisu. Masarap talaga.
"I'm good. Pagod lang ako sa work", tugon ko.
Napatitig naman ito sa akin at umiling.
"Alam kong bago lang tayo nagkakilala, pero if you need someone to talk to, you can trust me... nararamdaman ko na may pinagdadaanan ka. Mahirap yuong tinatago mo yuong nararamdaman mo. Maniwala ka, napagdaanan ko na yan noon, muntik na nga akong maloka diyan lalo na noong nagkaproblema kami ni JM. Muntik na siyang mamatay noon at hindi pa natapos duon, simula pa lang yuon ng mga pagsubok namin. Buti na lang napakabait ng mga kaibigan niya at talaga naman tinulungan akong magbagong buhay. Hindi sila tumigil hanggang naging maayos ang estado ng buhay ko. Kung anong meron ako ngayon, utang ko ito sa kanila. Kung nakilala mo ako noon, panigurado hindi mo ako gugustuhin na maging kaibigan...", wika nito habang pinaglalaruan yuong hawak niyang kutsarita.
"Naniniwala talaga ako na lahat ng mga nangyayari sa buhay natin ay may dahilan.... lahat ng pagsubok o problema na kinakaharap natin ay may purpose.... pati na mga tao na nakikilala natin, may purpose yuon sa buhay natin... hindi yung ibibigay ni Lord sa atin ng walang dahilan... kaya magtiwala ka lang...", wika nitong muli bago humigop ng kape.
Hindi ako makasagot kasi pinoprocess pa ng utak ko yuong sinabi niya. Kung titingan mo kasi siya parang napakaperfect ng buhay niya.
"Kung ano man yang problema mo, harapin mo...hindi yan matatapos hangga't hindi mo natutunan tanggapin at harapin. Accept, confront and move on", sambit niya bago may biglang sumulpot sa kanyang tabi at mabilis siyang hinalikan sa labi.
"If you need professional help, just message Faith. No charge since friends naman kayo", wika ni JM na asawa ni Faith.
Nakakatuwa silang pagmasdan, hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng inggit. Napakaperfect nilang tingnan dalawa. Hindi sila nahihiya na maging sweet in public kahit na pareho silang babae. Kahit matagal na silang nagsasama kita parin sa mga mata nila yuong spark.
YOU ARE READING
The Forbidden Affair
RomanceAng kwentong ito ay sumasalamin sa mga issue na karaniwang nagaganap sa buhay mga empleyado na nasa mundo ng BPO. Kabilang na rito ang realidad na may mga pag-mamahalang nabubuo at mga relasyong nasisira dahil sa bugso ng damdamin at mga mapaghamon...