Catherine
"Ikaw?", wika ko ng makilala yuong babaeng kaharap ko. Bigla tuloy bumilis yung pintig ng puso ko. Parang bigla din nablanko yung isip ko.
"Nevermind", malamig na wika ko. Kasabay nito ay mabilis kong inalis yuong paningin sa kanya na parang wala lang yuong nararamdaman ko.
"Go back to your stations and work", pasigaw na wika ko kaya mabilis naman silang nagtayuan at nagmamadaling naglabasan ng silid. May ilan pa nga na nag-uunahan lumabas dahil na rin siguro sa takot sa akin. Pero yuong babaeng nag-alaga sa akin, chill lang.
Siya pa yuong huling tumayo at hinayaan munang lumabas ang lahat bago ito sumunod. Wala rin itong imik, hindi gaya ng mga kasamahan niya na parang mga bubuyog kung magbulungan.
Bago ito tuluyang unalis, tumigil pa ito ng ilang segundo sa may pintuan at pinagmasdan ako ng maigi bago tuluyang lumabas.
Nabigla din kasi ako kaya hindi ko alam kung paano magrereact. Kaya imbes na kauspin ko siya at pagalitan dahil sa issue sa account niya, pinaalis ko na lang silang lahat. Mas mabuti pa yuon kesa may masabi akong pagsisishan ko sa huli. Sana nga lang hindi sila magtaka sa ginawa ko. Alam ko na inaasahan na nila na papagalitan ko rin siya gaya ng mga ginagawa ko sa iba.
Hindi talaga ako makapaniwala na sa dinami-daming lugar kung saan kami pwedeng magkita ay dito pa mismo sa opisina at ako pa mismo ang boss niya.
Nakakatawa diba? Parang nagbibiro lang yuong tadhana.
Napailing na tuloy ako ng wala sa oras at napabuntong hininga.
Kanina lang pinagdasal ko na sana magkita kaming muli para mapasalamatan siya sa kabutihan niya sa akin. Hiniling ko rin na sana magkaroon kami ng chance na magkakilala ng husto at maging malapit na magkaibigan. Pero bakit sa ganitong paraan?
Bakit dito pa sa opisina? Bakit sa ganitong sitwasyon pa? Ano nanaman ba itong pinasok ko? Lagi na lang ba akong paglalaruan ng tadhana? Ganoon ba ako kasama para parusahan ng ganito?
"Ma'am? Ma'am?", wika ng isang boses na nagpagising sa aking wisyo.
"Yes?", mataray na tugon ko.
"Ma'am, just received an e-email from our client, sa Diesel Zero po. All goods na daw po yung concern nila. Ms. Pam already addressed the issue earlier. The client even gave postive feedback to Ms. Pam for solving the issue effectively", wika ni Elton. Medyo nauutal-utal pa itong magsalita at halatang nacoconscious.
"Ok", malamig na tugon ko sabay muling pumikit ng nariin at tumingala habang naka sandal sa aking malambot na upuan.
Naririnig ko siyang nagsasalita pero hindi ko na iniintindi yung sinasabi niya. Naiisip ko pa rin kasi yuong babaeng nag-alaga sa akin.
"Pamela....Pamela....Pamela....", paulit-ulit na wika ko sa isipan. Hindi parin kasi mawala sa isip ko yuong mukha niya. Pati yuong mainit na katawan niya.
Kaya pala parang familiar siya. Ngayon ko lang napagtanto na nakita ko na siya noong minsan akong nagbrowse ng mga profile nila. Dahil na rin sa pagod at iniindang sakit kahapon ay hindi ko maalala kung saan ko siya nakita though familiar siya sa akin.
"Ma'am, so ano po yung gagawin natin?"", wika ni Elton na nagpagising sa tuliro kong isipan.
"Ma'am?", wika nitong muli.
"Do what you think is right. You should know that by now. Ang tagal-tagal mo na dito, hindi mo pa rin alam kung ano gagawin. Think...", malamig na tugon ko. Pero sa totoo lang, hindi ko naintindihan yung sinasabi niya. Preoccupied pa din ako kay Pamela.
Napakamot ito ng ulo at mabilis na lumabas ng aking kwarto. Mukhang natataranta din ito at nabunggo pa niya yuong upuan sa may labas ng pinto.
Alam kong mean ako sa paningin nila pero I have my own reasons at alam ko rin na mahirap itong intindihin.
BINABASA MO ANG
The Forbidden Affair
RomanceAng kwentong ito ay sumasalamin sa mga issue na karaniwang nagaganap sa buhay mga empleyado na nasa mundo ng BPO. Kabilang na rito ang realidad na may mga pag-mamahalang nabubuo at mga relasyong nasisira dahil sa bugso ng damdamin at mga mapaghamon...