Prologue

114K 1.7K 75
                                    

"Ria, diba hiwalay na si Victor at yung girlfriend niya? Why don't you make a move na? It's your time to shine, girl!" Halakhak ni Fin. Ang kaibigan kong bading.

Oo, alam ko kung ano nga ba ang tinutukoy niya. Matagal ko ng alam na hiwalay na si Victor at Aaliyah, ang oangalan ng kanyang girlfriend. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang dahilan. Basta ang alam ko lang, si Miguel, ang nakababatang niyang kapatid, at si Aaliyah na ngayon.

Nakikita ko kung gaano kahirap tanggapin yun para sa kanya. Nagpapakalasing siya gabi gabi. Halos ubusin na nga niya ang lahat ng alak dito sa bar. Iniwan na din niya ang kanyang banda. Nag away away sila dahil sa biglaang pagbitiw ni Victor. Nakakalungkot dahil sinasayang niya ang kanyang buhay dahil sa ganung bagay.

Palagi siyang nagpapakalasing dito sa bar na pinatatrabahuan ko. Hindi niya ako kilala, but I know him very well. Since college. Hinahanggan ko siya dahil likas sa kanya ang pagiging gentleman. Mabait siya sa bawat babaeng nakakasama niya. Magkaklase kami sa iilang subjects. Irregular kasi ako noon, kaya bihira ko lang siyang makita. Pero, kahit saan siya ay nakasunod ako. Hindi lang niya ako napapansin dahil nasa iba ang atensyon niya. Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng konting puwang sa buhay niya.

Bakit nga ba niya mapapansin ang isang ordinaryong babae? Bakit niya papansinin ang isang Aria Villegas? Isang ulila, nakikitira kahit kanino. Walang pamilya. Walang nagmamahal. Paano niya ako mapapansin kung nakatuon sa iba ang kanyang puso?

Tanggap ko 'yun. Tanggap ko na hanggang tingin lamang ako sa kanya. Tanggap ko na langit siya, at ako? Dito lang sa lupa. Mananatiling nakatingin sa kanya. Mananatiling nakatingala at mangangarap na isang araw ay maaabot siya. Imposible, alam ko.

"Lumapit ka na! Bigay mo na yang alak sa kanya!" Tinulak pa ako ni Fin para ako na mismo ang magbigay ng kanyang order.

Huminga ako ng malalim. Tinatagan ko ang loob ko bago ako lumapit sa kinauupuan niya. "Here's your order, Sir.." Inilapag ko ang order niya sa mesa.

Nagtaas siya ng tingin sa akin. Namumula ang kanyang pisngi at mga mata. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Hi..." Aniya. Tumigil sa pandinig ko ang musika dito sa buong bar. Ang tanging narinig ko na lang ay ang boses niya. Binalik niya ulit ang tingin sa mesa. Agad niyang nilagok ang matapang na alak. Parang tubig lamang yun sa kanyang kung inumin.

Hindi na niya ulit ako binalingan ng tingin. Kinagat ko ang aking labi. Umalis na ako. Binalikan ko si Fin. Malaki ang ngiti niya sa akin, habang ako naman, halos bumagsak na ang aking puso sa sahig.

"Anyare? Nakita ko kinausap ka nya. Ansabe nya?" Excited na tanong niya.

Inilapag ko ang tray sa counter. Nagkibit balikat ako. Nakatingin pa rin ako sa direksyon ni Victor. Nakadukmo ang kanyang ulo sa mesa. Lasing na lasing na siya. Kailan ba mawawala 'yang sakit na nararamdaman mo, Victor?

"Nag hi lang siya.." Sagot ko na lang sa tanong ni Fin.

"Ohmygiiii! Totoo, te? Ansabe mo naman?" Hinawakan niya ako sa balikat para harapin siya. Inalog niya ako. Pakiramdam ko ay lalabas na ang utak ko dahil sa kanyang ginagawa.

Hinawakan ko ang mga kamay niya para patigilin siya. "Teka lang naman, Delfin!" Awat ko. Agad naman siyang tumigil sa pag alog sa akin. Ngumiwi siya nang marinig niya ang kanyang buong pangalan.

Tinanggal na niya ang kamay niya sa aking mga balikat. "Wag mo ngang sabihin 'yang pangalan ko. Di ka ba kinikilabutan, sis?" Reklamo niya. Natawa na ako sa kanyang reaksyon. "So... ano ngang sabi mo?"

Napawi ang tawa ko nang bumalik ang usapan namin tungkol kay Victor. "Wala..." Iling ko. "Mukhang wala naman siyang balak na makipag usap talaga. Nag 'hi' lang siya."

Sweetest Lie #Wattys2016 Winner (#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon