Chapter 2

66.1K 1.2K 87
                                    

Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Victor sa gusto niyang mangyari. Siguro, dahil sa mga mata niyang nangungusap. Kahit na galit ang mga titig niya, alam kong sa likod nun ay puno ng kalungkutan ang mga ito. Napangiti siya sa unti unti kong pagtango.

"Good girl.." Aniya. Hinila niya ako palabas ng CR. Kita ko pa ang pagkagulat ng mga lalaking naghihintay sa pintuan paglabas namin. Tila ba nagtataka sila kung ano ang ginawa namin sa loob.

"Sir..." Sambit ko paglabas namin ng bar. Tinanggal niya ang hawak sa aking braso. Nilingon niya ako, magkasalubong na naman ang kanyang mga kilay. Galit na naman ba siya sa akin?

"What?" Tanong niya. "Pag usapan natin ang set up natin."

"May trabaho pa po ako." Yumuko ako. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri. "Pwede po bang mamaya na lang tayo mag usap?"

"Wala akong pakealam kung may trabaho ka. Pag sinabi kong mag usap tayo, mag uusap tayo.." Mariin niyang sabi. Hinila niya na naman ako hanggang sa makadating kami sa isang coffee shop na malapit sa bar.

Binigyan agad kami ng menu ng waiter pagkaupo pa lang namin. Sinilip ko ito at tinignan ang mga presyo. Ang mahal naman! Sayang lang ang pera ko pag umorder ako nito. Binaba ko na lang ang menu.

"Anong sayo?" Kasing lamig ng boses niya ang mga titig niya sa akin.

"Uhh..." Tikhim ko. "Tubig na lang po." Nahihiyang sabi ko. Ayokong gumastos. Ang dami ko na ngang utang tapos bibili pa ako ng mamahaling kape.

"Tss.." Binaling niya ang tingin sa waiter. "Two Macchiato, please." Aniya. Tumango agad ang waiter. Magpoprotesta sana ako para ipa-cancel ang order, kaso ay umalis na ang waiter. Tubig lang ang akin, wala akong pambayad!

"Uhh.. sir, tubig-"

"Ako naman ang magbabayad." Tumingin ulit siya sa akin. Dahil magkatapat kami, kitang kita ko kung gaano kalalim at kalamig ang mga mata niya na nakatuon sa akin.

"Babayaran-"

"No need, Aria. Hindi ako nagpapabayad." Sumandal siya, hindi pa rin natatanggal ang malalim na titig niya sa akin. Nag iwas na lang ako ng tingin. Hindi ko kasi kayang salubungin ang mga mata niya. "Now, let's talk about our set up.."

Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang maalala ko kung ano nga ba ang dahilan kung bakit magkasama kami ngayon. Tinignan ko na lang ang mga daliri ko na nakapatong sa aking hita. Wala akong alam sabihin. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"How old are you?" Tanong niya.

"Twenty-five.." Mahinang sabi ko.

"Look at me. Nag uusap tayo, Aria. Tumingin ka sa akin." Utos niya na agad ko namang sinunod. Natatakot na naman ako sa tono ng kanyang boses. Pakiramdam ko, kahit na anong gawin kong paggalaw ay nagagalit siya sa akin.

"Sorry.." Kinagat ko ang aking labi.

Magsasalita sana ulit siya, kaso ay dumating na ang kanyang inorder. Nilapag ng waiter ang mga kape sa mesa namin pagkatapos ay umalis na.

"You're clean.." Aniya nang kami na lang ulit dalawa.

"Po?" Nagtatakang tanong ko.

"Malinis ka... Ako ang una mo, so, I know you're really clean.." Naka krus ang mga braso niya sa kanyang dibdib. Malalim pa rin ang kanyang titig sa akin. Gusto ko mang iwasan ang kanyang mga mata, hindi ko naman magawa. Baka magalit na naman siya sa akin. "At ngayong alam mo na ang pakiramdam... ayoko na gawin mo yun sa iba."

Kumirot ang puso ko dahil sa kanyang sinabi. Anong akala niya sa akin? Na ibibigay ko lang ang sarili ko kahit kanino dahil alam ko na ang pakiramdam nun? Ganun ba kababa ang tingin niya sa akin? Gusto kong umiyak, kaso ay pinipigilan ko ang mga luha ko. Bakit nga ba naman ako iiyak sa kanyang harapan? Para ipakita sa kanya na mahina akong babae?

Sweetest Lie #Wattys2016 Winner (#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon