Chapter 1

72.3K 1.4K 133
                                    

Napaupo agad ako nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. Nilingon ko ang aking katabi, mahimbing ang kanyang tulog. Sinilip ko ang aking katawan mula sa ilalim ng kumot. Napapikit ako nang makita kong wala kong ni isang saplot. Totoo ang mga nangyari kagabi! Hindi panaginip!

Mabilis kong hinagilap ang mga damit ko. Nagbihis agad ako at umalis na sa condo ni Victor. Wala naman siguro siyang maaalala sa mga nangyari kagabi. Ang akala niya ay ako si Aaliyah. Malamang ay hindi na niya natatandaan ang mga nangyari.

Ang layo pa man din ng apartment na tinitirahan ko sa building ng kanyang condominium. Kinailangan ko pang mag taxi. Di bale na nga, ang importante ang natakasan ko na siya bago pa siya magising. Baka ipagtabuyan lang niya ako pag nakita niya na may katabi siya sa kanyang kama na hindi naman niya kilala.

"Manong, dyan na lang ho." Sabi ko sa driver nang makadating na ito sa tapat ng masikip na eskinita patungong apartment na tinitirahan ko. Kinapa ko ang aking bulsa, wala akong pera sa bulsa. Patay! Nasa bag ko nga pala ang wallet ko. Naiwan ko yun sa condo ni Victor. Sa sobrang pagmamadali ko kanina ay hindi ko na yun naalala.

"Miss, ano ba? Magbabayad ka ba?" Sita ng driver sa akin nang matagalan ako sa mpaghahanap ng pera.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Uhm, manong... magkano po ba?"

"220 miss. Ayan oh!" Iritadong sabi niya habang tinuturo ang metro. Ang mahal naman ng bayad. Kung bakit ba naman kasi tumaas ang presyo ng gasolina ngayon.

Lumingon ako sa labas. Nakita ko si Diego na papasok sa maliit na eskinita. May buhat siyang dalawang timba na puno ng tubig sa kanyang magkabilang kamay.

"Manong saglit lang.." Bumaba agad ako ng taxi.

Nakakahiya naman itong gagawin ko, pero bahala na nga! "Diego!" Tawag ko. Agad naman siyang lumingon sa akin.

"Oh, Ria!" Ngiti niya. Ibinaba niya ang mga timbang hawak niya para lumapit sa akin. "Inumaga ka ata ng uwi ngayon?" Nagtatakang tanong niya habang pinupunasan ang kamay siya sa twalyang nakasabit sa kaliwang balikat niya.

"Uhm, ano eh, madaming ginawa.. Tsaka rumaket pa ko." Nag iwas ako ng tingin. Kailan pa ako natutong magsinungaling?

"Miss, ano ba? Magbabayad ka ba?" Sita sa akin ng driver mula sa bintana. Nilingon naman agad ni Diego ang driver ng taxi. Kumunot ang kanyang noo.

"Diego.." Tikhim ko. "May pera ka ba dyan? Ano kasi, eh... pwedeng mangutang?" Nahihiyang tanong ko.

"Miss ano ba!" Sita na naman ng driver.

"Manong teka lang, ha! Kung makasigaw ka dyan." Naiinis na sumbat ni Diego. "Magkano ba yang singil mo sa kanya?" Lumapit siya sa bintana ng driver.

"220.."

"Ang mahal naman!" Ani Diego. May hinugot siya sa bulsa ng kanyang kulay itim niyang maong shorts. "Ayan oh, 180 na lang! Pwede na yan. Discount mo na lang yung kwarenta. Maganda naman ang naging pasahero mo." Inabot niya ang pera sa driver.

"Ano ba naman yan! Umagang umaga perwisyo!" Kinuha na lang niya ang pera kay Diego. "Sa susunod Miss, wag ka ng mag taxi kung wala ka naman palang pambayad! Akong lugi sayo, eh!" Sermon sa aking ng driver bago siya tuluyang umalis.

"Sus! Hayaan mo na yung matandang yun, Ria. Tara na nga." Hinila na niya ako paalis ng kalsada. Binuhat niya ulit ang dalawang timbang dala niya.

"Diego, salamat. Babayaran na lang kita sa sweldo ko." Sabi ko habang naglalakad na kami sa loob ng maliit na eskinita. Nasa dulo pa ng eskinitang ito ang apartment na tinutuluyan ko. Nakatira sila sa tabi ng unit ko.

Sweetest Lie #Wattys2016 Winner (#2)Where stories live. Discover now