Chapter 4

60.3K 1K 71
                                    

[The full version is available on Dreame/Yugto. Follow me @ Imbaaaaah]

--

Hingal na hingal akong humarap sa kanya. Hindi ko kayang tignan ang mga mata niya dahil hiyang hiya ako sa nangyari. Bakit niya ako napapayag sa ganun? Nasa pampublikong lugar kami ngunit hinayaan kong gawin niya sa akin yun. Baliw na talaga ako!

"Look at me.." Utos niya sa malamig na boses. Napalunok ako sa kanyang sinabi. Unti unti akong nag angat ng tingin. Nagtagpo ang mga mata namin. Nakakunot ang kanyang noo. "Kailan ang day off mo?"

"Uhmm.. bukas po."

Humakbang siya palapit sa akin. Wala na akong maurungan, kaya naman napasandal na ako sa pader. Yumuko siya ng kaunti para magpantay ang mukha namin. "That's good. Sa condo ka matutulog ngayong gabi."

Kahit na malapit ang mukha namin sa isa't isa, hindi ko pa rin maitago ang pagkagulat ko dahil sa kanyang sinabi. "Po?" Gusto kong kumpirmahin kung tama nga ba ang narinig ko mula sa kanya.

Nag ayos siya ng tayo at lumayo sa akin. "You heard me. Sa condo ka matutulog.."

"Pero, sir-" sasabihin ko pa lang sana na hindi pwede dahil may trabaho pa rin ako tuwing umaga. Kaso ay inunahan na niya ako sa pagsasalita.

"Bawal tumanggi. Wala akong pakealam kung may gagawin ka bukas. I want you tonight and tomorrow. Understand?" Masungit niyang sabi. Tumango na lang ako. Wala na din naman akong magagawa. Natatakot ako sa kanya dahil baka mas magalit siya sa akin pag tumanggi ako.

Bahala na kung ano ang idadahilan ko kay Aling Sita. Nakakahiya naman sa kanya. Kakaumpisa ko pa lang kanina, tapos absent na ako bukas. Siguradong magagalit yun sa akin.

"Good. Hintayin kitang matapos sa trabaho mo.."

"Sige po.."

Mabuti na lang ay wala pa ring tao paglabas namin ng CR. Naghiwalay agad kami sa pintuan pa lang. Ayoko naman kasing makita kami ng mga kasamahan ko, o ng kahit na sino man. Lalo na, CR ang pinanggalingan namin.

Lumapit agad sa akin si Fin nang makita niya ako. Takang taka ang kanyang reaksyon. "Saan ka galing?"

"Uh, sa... sa CR." Nag iwas ako ng tingin para hindi niya mahalata na may itinatago ako sa kanya.

"Talaga ba?" Nahihimigan ko ang pagdududa sa kanyang boses.

"Oo nga.." Sagot ko. "Tara na nga, magtrabaho na tayo!"

Lumayo na ako sa kanya. Nag ikot ikot na lang ako para maghanap ng customer na may order. Ayokong usisain pa ni Fin kung saan nga ba ako nanggaling. Kilala ko ang isang yun, alam na alam niya kung may tinatago ako, o kaya naman ay nagsisinungaling ako.

Nahagip ng mga mata ko si Victor sa may counter. Nakatingin siya sa akin. Kinilabutan ako bigla. Naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin kanina sa CR. Umiling agad ako sa naisip ko.

Baliw ka na ba talaga, Aria?

Ako ang unang bumawi ng tingin. Hindi ko siya kayang tagalan. Pakiramdam ako matutunaw agad ako pag nakipagtitigan ako sa kanya. Sa lalim ng kanyang titig, parang pati kung ano ang nasa isip ko ay nababasa na din niya.

Natigilan ako sa paglalakad nang may biglang humigit sa kamay ko. Tinignan ko humawak sa akin. Isang lalaki. May mga kasama siya. Sa tingin ko ay nasa edad kwarenta na silang lahat.

Tinignan ko ang lalaking humawak sa aking kamay. "Order po kayo, sir?" Pasimple kong binawi ang aking kamay. Mabuti naman ay binitawan niya agad ako.

"Oo..." Sagot niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko na lang pinansin ang kanyang ginawa. Sanay na ako sa ganito. Minsan talaga ay may mga customer na bastos o kaya naman ay iba kung makatingin. "Ikaw, pwedeng orderin?" Tawa niya. Pati ang kanyang mga kasama ay nagtawanan din. Lasing na ang mga ito.

Sweetest Lie #Wattys2016 Winner (#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon