Prologue

2 0 0
                                    

Once upon a time, there was a sweet young boy who— most of the people dearly loves. He was adored by many, not just because of his looks but also the thing that people really like about—his personality.

Respectful. Kind and friendly to all.

But alas. Nothing is permanent. Time is moving, days and years...a few more experiences could make people changed.

And that's what happens to that young boy.


Matthew is sitting on his chair alone. Nagsalubong ang pares ng kilay nito habang galit ang mga matang nakatitig sa pagkain na nasa harap ng lamesa nito.

Just like in the past weeks ay mag-isa parin itong kumakain, no friends, no girlfriend. Just him and his poker face. Kahit ang pagngiti ng lalaki ay parang isang malaking pagkakamali.

Ang mabait at pala-kaibigan na Matthew na kilala ng lahat ay ibang iba sa Matthew ngayon.

He's not supposed to be like that at hindi ako halos makapaniwala sa laki ng ipinagbago nito.

It's just a simple mistake...and yet...

Everything goes wrong when they fell apart.

If it weren't for her Matthew wouldn't be like this. If it weren't for her edi sana maayos parin ang pakikitungo nito sa mga tao...edi sana nakangiti parin ang mapupulang labi nito.

Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang babaeng maygawa nito sa kanya.
They were together for two years pero sa isang iglap ay bigla-bigla nalang itong makikipag-break-up sa kanya.

That girl...

Inilibot ko ang paningin sa cafeteria, hoping to see a glimpse of her ngunit wala akong nakita ni anino manlang  ng babae.

They used to sit there together. Sa kasalukuyang inu-upuan ni Matthew ngayon.

Ibinalik ko ang tingin sa lalaki na parang estatwa, hindi manlang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Tila ba ay may malalim itong iniisip dahil sa bahagyang pagtagpo ng kilay nito.

"Quit staring at my cousin, Leila." Tinapik ako ni Alyn sa balikat. Mabilis ko itong nilingon.

"I am not."

"Kahit anong tanggi mo pa ay hinding hindi iyan gagana sa radar ko."  

"I'm not even looking at him in the first place!" I tried to deny it pero pinanlakihan lang ako nito sa ilong.

"Weee? Sure? Hindi ako naniniwala, e. I know what I saw."
I have known Alyn since we were eight years old at hindi ito magpapatalo kapag may ebidensya talaga ito. She thinks she's always right and she wouldn't buy any of my excuses kong alam niya sa sariling tama ang kutob niya.

Since wala akong kawala sa kanya dahil nahuli niya naman ako sa akto mabuting umamin nalang din.

"Hindi ba pwedeng accident lang akong napapatingin sa kanya? It's not like there is something interesting to look at, is there?"
Of course I find him interesting enough to look at.

"Talaga ba Leila? Ilang beses na nga kitang nahuling nakatingin sa kanya." it's just Alyn being Alyn. Her eyes glint mischievously. Malaki ang eyebags nito sa pagiging reader niya kaya naman mas nadepina ang bakas ng kapuyatan nito sa magang mga mata whenever she squints eyes  making her pair of charcoal like orbs out of the sight.

"See? Bakit hindi ka maka-imik?"  Mapanuyang tanong ni Alyn sa akin habang nakangisi.

Ayaw ko nalang magsalita dahil alam ko din namang hindi niya paniniwalaan iyon. She can smell lies on people's tongues. Well not literally.

"You like him don't you?" Pagpapatuloy parin nito. This is Alyn and she wouldn't stop until she gets what she really wants.

Unfortunately, ako patalaga ang target niya ngayon. Still. I don't want her to corner me.

"Huh?Hindi kita ma-gets. Baka nababaliw kana."  Uminom ako ng isang lagok na tubig.

I tried to change the topic again and again but to no avail. Sumasagot naman siya sa ibang mga katanungan ko pero palagi niyang binabalikan ang tanong niya na ako lang ang makakasagot.

"Hindi nga sabi! At bakit naman ako magkakagusto sa kanya? e, ka-age nga lang sila ng kuya ko. "

"E, bakit defensive ka?" Nakataas ang kilay nito habang mapang-asar na ngumiti sa akin, mayroon pang kaunting chocolate na natitira sa ibabaw na ngipin niya sa harap.

Hay—Heto na naman tayo. Kapag may reasons defensive, kapag tahimik guilty.

"Anong defensive? I was just pointing out the fact! para... hindi mo ako akusahan diyan." Padabog kong inagaw ang chocolate bar sa kamay niya. Muntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa biglang pag-rescue ni Alyn sa chocolate niyang inagaw ko sa kanya.

Dahil doon ay tumigil na sa kakapang-asar si Alyn sa akin. She doesn't like to share her chocolates dahil bigay raw ito ng kapitbahay nila.

Pero naaasar talaga ako sa kanya ngayon kaya pasensiyahan nalang tayo. Dinilaan ko ang chocolate bar sa kabila ng pagprotesta nito.
Wala na rin naman siyang magagawa dahil may laway ko na iyon kaya kahit labag man sa loob ay binigay nalamang niya iyon sa akin.

Kahit ilang beses ko mang itanggi kay Alyn na wala akong gusto sa Pinsan nito ay alam na alam ko sa sarili ko na kahit kaunti ay mayroon akong paghangang nadarama para kay Matthew. I don't love him romantically, but ewan ko lang kong bakit gusto ko siyang makita palagi.

Sa lahat ng lalaking nakita ko ay hindi ko mapigilang hindi ito ikumpara sa kanya and at the end of the day ay siya parin ang gusto ko,  ang hinahangaan ko at patuloy na hahangaan ko.

Hindi ko alam kung sasaya ba ako dahil wala ng nagmamay-ari sa kanya o malulungkot dahil sa bagong siya.
Either way ay hindi parin nagbabago ang paghanga ko para kay Matthew.

A taste of my medicine Where stories live. Discover now