Chapter 4

0 0 0
                                    

Nasa bahay kami ngayon ng isa sa kaklase namin. Halos napuno namin  ang buong kabahayan dahil sa dami ng bilang namin—40 kaming lahat na narito at hindi rin makakapag-practice sa loob kaya narito kami ngayon sa backyard nina James.

Since hindi kami hinati sa dalawang grupo ay kaming lahat sa section namin ay iisang grupo lamang. We actually asked this to our MAPEH teacher dahil sobrang dami nang gagawin naming performance especially ngayon na graduating na kami. Kalaban namin ang ibang dalawang section.

Meron pa kaming thesis na edi-defend. Sabi pa ng English Teacher namin ay Baby thesis lang daw iyon kaya madali lang gagawin.
Sobrang dami naming kailanagang gawin at hindi ako prepared sa ganitong hassle sa buhay grade 10 students.

As expected our practice went well kahit mayroong ibang parang wala sa mood ay mabibilang lang naman, nasa tatlong mga tao lang din naman na napuno ng sermon na galing sa mga leaders namin.

"May susundo ba sa'yo, Leila?" Tanong ni Alyn bago kami nagpaalam sa ibang mga kaklase namin na nagpaiwan doon sa loob. Dahil mag-vi-videoke  paraw sila.

"Wala, mag-aabang lang ako ng jeep doon sa unahan."

"Duty nga pala sina tito at tita 'no?" Sinagot ko ito ng tango.

"Sumabay ka nalang sa akin mamaya. Nag-text na ako kay Manong." Mayaman sina Alyn at ilang beses narin akong nakasakay sa kotse nila. Buti nalang dahil makakatipid pa ako sa pera ko.

Limang minuto pa yata ang lumipas ng  may humintong pulang kotse sa harapan namin. Both Alyn and I exchange puzzled looks.

Tumingin ako sa paanan namin, nabuhayan ako ng pag-asa ng makitang mayroong mga bato roon.

Just in case kung kidnapper ito ay mayroon akong pangdepensa para sa amin ng kaibigan ko.

Bumaba ako ng kaunti para mangalap ng batong parang kamao ko lang din.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ng kaibigan ko na hindi ko sinagot. Bawal ang ma-distract baka mapahamak pa kami.

Subukan lang talaga nitong gawin sa amin mabubulag talaga ito ng Wala sa oras. Mata pa naman ng target ko.

"Kuya?"

Mabilis kong binitiwan ang hawak na bato at pinagpagan ang kamay kong hinawak ko sa medyo maputik na bato at tumayo.

"Kuya—bakit hindi mo sinabing uuwi ka pala?" Hindi makapaniwalang bulalas nito.

"Surprised bunso?" Malaki ang ngiti nito sa kapatid at automatic na bumukas ang pinto sa passenger seat.

Nasa dugo talaga nina Alyn ang pagiging maganda. Gaya nalang ng kuya niya ngayon na nakangiti sa kanya. Sobrang puti ng balat nito at makapal din ang kilay pero hindi ko makita ang mata nito dahil nakasuot ito ng shades na mas-nagpapadepina sa matangos nitong ilong.

Sa kutob ko ay tumingin ang kuya nito sa akin dahil tinaas nito ang dalawang kilay pagkatapos ay ngumiti ito at tumango sa akin.

"Leila?"

"Y-yes po." Nauutal na sagot ko, Tumango-tango naman ito bago sumenyas sakin na pumasok narin.

"Leila? I forgot, nasa likod pala si Matthew. Okay lang ba iyon sa iyo? Don't worry hindi nananakit iyan."

Narinig kong tumikhim si Alyn. Kaya tumingin ako sa kanya at naabutan ko itong nakatitig sa akin gamit ang mapanuksong mga tingin. Kaya naman ay inikutan ko nalang ito sa mata.

Hindi ko kayang mag-ingay lalo pa at nanumbalik na naman sa aking isipan kong bakit ko ito hinahangaan. Pero habang pinagmamasdan ko itong mahimbing na natutulog ay malakas na pumipitik ang puso ko sa loob ng dibdib ko.

Nakasandal ang likod nito sa maybintana at nakaharap ito sa gawi ko, pinag-cross nito ang magkabilang braso sa harap ng dibdib habang nakapikit ang mga mata. Medyo magulo ang buhok nito at may nakapatong na kulay itim na head phone sa taenga.

Ngayong nakapikit ito ay mas natititigan ko ito ng malapitan. Makapal ang mga kilay, ang mga pilik mata naman nito ay katulad ng kay Zayn Malik sa One Direction na boy band na idol na idol ko.

Tinikom ko ang nakaawang na bibig at lumunok.

Hindi ko akalaing mangyayari ito na magkasama kami sa iisang kotse, at kaming dalawa lang ang nasa likod.

Solo ko ito ngayon. Nag-init ang mukha ko dahil sa naisip.

I want to savor this moment dahil paniguradong wala ng susunod.

I thought nakalimutan ko na siya—ang feelings ko sa kanya dahil hindi ko na ito nakita sa school namin. Ang kawalan ng presensiya nito ay may malaking naidudulot sa puso ko. Kapag hindi ko siya makikita ay kalmado parati ang puso ko.
Kapag wala siya sa buhay ko ay unti-unting nakakabangon ang puso ko.

I was confident na wala na talaga pero the moment na nakita ko siyang muli ay bumabalik na naman ang pamilyar na pakiramdam sa aking sistema.

Naghaharumintado na naman ang puso ko sa kaba. Kahit malamig naman sa loob ay pakiramdam ko ay hindi iyon sasapat para palamigin ang damdamin ko ngayon. Damang dama ko ang mumunting pawis sa aking sentido.

Ito. Ito ang epekto ni Matthew sa akin.

Dahil tulog naman si Matthew ay hindi ko maiwasang hindi gawin ang naisip kong ideya ngayon.

I opened my camera, kinuha ko muna ang tamang angle nito at walang pagdadalawang isip na pinindot ang shutter botton.

"Click!"

Umilaw ang camera na parang kidlat sa mukha ni Matthew.

I froze.

Shit! Shit! Shit!

Nakalimutan kong e-off ang vibration at lighting ng camera ko!

Mabilis kong pinatay ang cellphone ko at nilagay sa pouch.

Tulirong nag-angat ako ng tingin sa lalaki.
I let out a sigh of relief ng makitang hindi nagising ang lalaki.
Buti nalang mahimbing ang tulog nito.

"Isali mo naman kami Leila huwag naman kayong mag-picture na kayo lang." Nakangising tukso ni Alyn.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Kuya Ronald kaya mas lalong nag-init ang mukha ko sa pagkapahiya.

Tangena mo talaga Alyn.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A taste of my medicine Where stories live. Discover now