Chapter 3

0 0 0
                                    

"Anong Strand ba ang kukunin mo, Leila?" Tanong ni Mike dahil next year na kaming mag-se-senior high.
Break time ngayon at magkatabi kami ni Mike sa upuan. Babae—lalaki kasi ang arrangements namin sa classroom.

"HUMSS 'ata." Walang sure na sagot ko.

Bobo kasi ako sa Math kaya ayaw ko sa ABM at STEM na strand. Ayaw ko rin sa TVL kasi magpapalabas kasi ng pera, butas pa naman ang bulsa ko. Atsaka ayaw kong maabala sina mama dahil alam kong ma-e-istress lang sila sa mga gastusin. Oo nga't parehong maytrabaho ang parents ko pero hindi kami mayaman...si mama ay janitress sa isang restaurant habang si papa naman ay construction worker, idagdag pa ang sandamakmak na utang at bayarin sa inu-upahang bahay namin.

Kaya naman HUMMS ang pipiliin ko.

"Oo, HUMSS kaming dalawa." Sabat ni Alyn na nasa tabi ko bago yumuko ulit para magbasa ng novel sa cellphone nito. Nasa kabilang row pa itong si Alyn pero ugali talaga nitong lumipat rito kapag break time na.

"Ano bang meron sa Humms? Ba't iyon ang pipillin niyo?"

"Ewan. Basta, gusto kong maging pulis." Sagot ko kay Mike.

Idol ko kasi si Maja Salvador sa teleseryeng 'Ang Probinsyano' pulis siya doon at sobrang cool talagang tingnan ng babaeng pulis. Tapos malaki rin ang sweldo.

"Cool naman nun! future pulis!" His eyes flashed with admiration. There is something in his eyes na para bang may malalim na kahulugan...yung tipong malalaman mo sa uri ng pagkislap ng mga mata nito.

"Gusto mo bang maging pulis?" Tanong ko sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mike bago ito kumurap kurap at nag-iwas ng tingin sa akin. Nawalan ng buhay ang kislap ng mata nito at napalitan ng nakakaibang lungkot. Naalis narin ang ngiti nito sa labi.

He swallowed hard before answering.

"Engineering ang gusto ng parents ko" bumuntong hinga ito "kaya... no choice."

Kumunot ang noo ko "Hindi ba Ikaw dapat ang magde-decide kung anong gusto mong kurso?"

Iyon naman kasi ang dapat. Kasi nga tayo naman ang nag-aaral at hindi ang parents natin. May iba din kasing mga magulang na dahil hindi nila na abot ang pangarap na gusto nila noong kabataan nila ay sa anak nalang nila ito ipagpatuloy ang pangarap na iyon.

Yung ibang parents naman ay gusto nilang matulad ang anak nila sa kanila. Kagaya ng isang pinsan ko sa family side ng papa ko, Attorney pareho sina Tito at Tita and they're rooting for my cousin to be like them kapag mag-ka-colledge na ito.

Unfortunately, hindi lahat ng gusto natin ay iyon ang masusunod. May sariling isip ang mga anak at ganon din sa mga interest nito. Hindi natin mapipilit ang isang tao kaya, naiintindihan ko kung bakit malayo ang loob ng pinsan ko kila Tito at Tita.

Malapit na ang recognition day ilang buwan nalang ay ga-graduate na kami sa junior high kaya naman sobrang busy namin ngayon lalong-lalo na sa MAPEH namin.

May dalwang performance kaming need e-perform sa magkasundo na araw next week. Matagal na itong binigay ng teacher namin two months ago pa pero dahil sadyang sakit talaga ng pinoy ang magseseryuso kapag kaunting time nalang ang natitira. Kaya sobrang stress namin ngayon.

"Chest out—no. Hindi ganyan! Try mong  e-relaxed ang muscles mo. Relax ang sabi ko hindi  mukhang lantang gulay. Ganito dapat, gayahin mo 'ko."

Ini-isa-isa ni Kathleen ang pagturo sa aming mga hindi marunong sumayaw. Kanina pa niya kami tinuturuan, na-gets narin naman namin ng mga kasama ko pero sa actual talaga na practice with music ay nagmumukha kaming mga tanga.

Hindi pumasok ang Mapeh teacher namin ngayon sa time niya sa hapon dahil gusto nitong gamitin namin ang oras sa pag-pa-practice.

"Kailangan ba talagang tumambling ang nasa itaas, Lenlen? Baka madisgrasya pa sila." Nagdadalawang-isip na sabi ni Lana, isa kasi ang kambal nito sa naatasang tumambling pagkababa nito.

"Hindi 'yan. May sasalo naman sa kanila." Kalmadong sagot ni Jun. Ngunit bakas parin sa mukha ni Lana na hindi ito kumbisado sa sagot ng lalaki.

"Diba sabi ni ma'am na hindi naman necessary ang pagta-tumbling dahil baka hindi natin kayanin? You know to avoid accidents."  Sabat ko sa kanila.

Masyadong delikado lalo pa't hindi kami mga pro sa bagay na iyan. First time pa naman naming mag-che-cheer dance.

"Oo, pero para sure ball na manalo tayo...we should do some stunts na hindi kayang gawin ng kalaban natin." Si Lenlen again, kaya tumaas ang kilay ko sa sinabi nito.

"Why are we competing with each other? Do you see it as a competition?"

"Bakit naman hindi? Kung gusto mong malaki ang puntos natin you should stop being sentimental. Walang maidudulot ang pagiging sentimental mo sa performance natin." Sagot naman nito.

"Kahit pa madisgrasya ang mga ka-group natin?" Kalmadong tanong ko pero sa kaloob-looban ay parang gusto ko na itong sumbatan. Pero I know better at hindi ko gustong sira-in ang pangalan ko just for a simple mistake.

"As I said, Leila. Stop being sentimental. Nag-o-over think kalang e."  Gusto ko sanang magprotesta kung hindi lang ako nito inunahan.

"No buts, if ayaw mong sumali then go ahead. It's not that you are highly needed in this. " Lumaki ang boses nito causing our group mates to get in between us.

I was a bit insulted sa sinabi nito. Aminado naman akong wala talaga akong talent sa pagsasayaw but I am trying my best so I could learn. Kahit pa naririnig ko ang iilang bungisngis ng mga kaklase ko sa tuwing namamali ako o sa tuwing nagiging awkward ang pagkakasayaw ko sa ilang steppings ng sayaw namin. I endured it all sa paraan ng pagsabay sa mga tawa nito.

Pero masakit parin talaga ang pagsabihan ng ganon sa harap ng ibang kaklase namin.

Gusto kong maghasik ng lagim, gusto kong maramdaman nito ang galit ko ngayon, gusto kong sabunutan ito hanggang sa makalalbo ito.
Pero alam kong hindi iyon ang solusyon upang makaganti ako kaya naman mas pinili ko nalang ang pananahimik.

May araw ka rin.

Sa tuwing naiipit talaga ako sa sitwasyon na ganto ay iyan nalang talaga ang palaging panghimagas ko.

A taste of my medicine Where stories live. Discover now