Chapter 2

0 0 0
                                    

February 14 ngayon ibig sabihin araw ng mga pusong umibig at nag-iibigan.
Mayroong activity ngayon sa school including laro ng lahi and of course mayroon ding marriage booth, photo booth, blind date at priso-priso.

"Punta tayo doon, Alyn!" Pag-aaya ko sa kanya. Mayroong mga officers doon sa stage na nagbebenta ng mga makukulay na papel para sulatan ng love letter.

"Ngek! Ayaw ko nga!" Pagmamatigas nito ngunit nagpadala din ito sa paghila ko sa kanya.

"Minsan lang naman 'to."  Pagpapaalala ko sa kanya. Hindi kasi namin ito nagawa last year kaya now's our chance to try this. Hindi na ito nakapagreklamo ng lumapit ako sa table ng Letter Booth.

"Excuse me po, ate. Magkano po ang bayad ng booth niyo po?" Nakangiting tanong ko sa SSLG na babae.

"5 pesos lang per envelope." Mabait itong ngumiti sa amin at ipinakita ang mga envelopes na nasa loob ng isang malaking box na gawa sa carton ng Juice.

Binigyan niya ako ng isang envelope at isa rin kay Alyn. Inabot ko sa kanya ang 10 pesos na nilagay naman nito sa maliit na box.

"Magpapasulat ba kayo? Or pwede ding kayo nalang ang sumulat para mas comfortable kayo." Anito.

"Kami na, po." Sagot ko sa kanya bago kami bumaba ni Alyn. Marami kasing mga estudyanteng umakyat sa stage para mag-request ng song o magpapadala ng gawang tula nito na siyang babasahin ng speaker.

"Anong gagawin ko dito?" Walang ganang tanong ni Alyn habang sinusuri ang laman ng envelope na may tatlong magkaibang color na parang sticky notes lang ang size.

"Lutuin mo kung gusto mo." I deadpan.

"Sino naman ang susulatan ko? e, wala nga akong crush dito." Anito ng hindi pinapansin ang panunuya ko.

"Edi sulatan mo nalang si Franco!" Bulalas ko, in an instant her mode changed. Ang puyat na mga mata ay biglang nabuhayan sa paglaki ng mata nito. Titingnan niya ako ng masama.

"Ano kamo? Kahit siya pa ang matirang lalaki sa mundo ay hinding-hindi ko iyon susulatan ng love letter, noh!"

Nanliit ang mata ko, "Bakit ba ayaw na ayaw mo sa kanya? Hindi ka naman inaano nung tao."

"Dahil mayabang siya, period." Nag-iwas ito ng tingin dahil mas dumoble ang intinsidad ng pagtitig ko sa kanya.

She hates him at ayaw niyang ito ang pag-uusapan namin kaya hindi ko nalang ito pinilit pang sumagot.

"Bahala kana diyan. Nasasayo na kong anong gusto mong gawin diyan."  Huling sabi ko sa kanya bago umupo sa gilid ng mga halaman.

Nakiusisa pa si Alyn sa kung sinong lalaki raw ang susulatan ko pero hindi ko ito inamin sa kanya. Knowing her na napakahilig mang-asar. Ayaw kong inaasar ako. Nakakahiya at nakakawala ng angas.

Pinuno ko ng sulat ang tatlong  color paper pagkatapos ay nilagayan ko ang pangalan ng lalaki sa harap ng envelope pati na ang Year, Strand at ang Section nito.

Hindi na ako nag-abalang ilagay pangalan ko o pen name manlang dahil mas confident akong magpadala ng sulat sa kanya ng hindi nito nalalaman kung sino. Play safe tayo dito.

Pagkatapos kong binigay sa SSLG ang  envelope ko ay lumipat  na kami sa ibang booth. Nakikisali rin ako sa pag-cheer sa mga nabihag  na estudyante para ikasal sa Marriage Booth.

Si Alyn naman ay bumalik sa classroom namin dahil inaantok raw ito.

Nakangisi akong umalis doon para makiusisa sa iba pang booth ng biglang mayhumawak sa bag ko na para bang pinipigilan ako nitong umalis. Mabilis ko itong nilingon dahil sa pagkabigla ay hindi agad ako nakapag-react. Ito ang isa sa estudyanting naatasang manghuli sa mga estudyanting nahulog  sa patibong nila o ni-request ng iba.

Speaking of patibong tumingin ako sa ibaba at nakitang naapakan ko pala ang patibong nitong bilog na kulay green na straw na bumabagay lang sa damo.

Hindi na ako nakaimik ng sapilitan ako nitong dinala sa prisohan kuno ng babaeng may malaking katawan—ang abductor ko.

"Wait lang po—pwede bang ako nalang ang magpyansa para sa sarili ko?" Natarantang tanong ko sa babaeng may malaking katawan.

"Hindi pwede. Dapat iba ang magpyansa sayo." Anito bago ako tinulak sa loob na may maraming nakaprisong estudyante.

Halos purong senior high ang narito kaya nag-init ang mukha ko sa hiya. Lumapit ako sa may bintana nagbabakasakaling makakita ng ibang kaklase ko para pyansahan sana ako.

Nag-antay pa ako ng ilang minuto, napakaingay dito sa loob, sobrang na-out of place ako dahil ako lang ata ang tahimik rito. May kanya-kanyang topic ang mga narito hindi ko alam kung sinong topic ang papansinin ko. Dahil automatic na na-shuffle ito sa taenga ko.

Napansin kong tumahimik ang lahat kaya tinanggal ko ang pakakatingin sa labas at nilingon sila.

Napako ako sa kinatatayuan ng makitang si Matthew pala ito. Katulad ko ay nakatingin din ang lahat sa kanya. Inuusisa ang mukha at ayos nito.

Nagtagpo ang dalawang makapal na kilay nito at bahagyang gumalaw ang panga. From the looks of it tila galit ito sa nanghuli sa kanya. Sino ba namang hindi magagalit diba? Pero ako hindi naman ako nagalit nung hinuli ako.

Tahimik parin ang lahat, Wala manlang nangahas na magsalita dahil nakatitig parin kaming lahat sa lalaki. Para itong isang Lion na nasa loob ng halwa na pinagtitinginan ng mga tao.

Mukhang napansin nito ang pagtitig namin sa kanya dahil wala sa oras itong nag-angat ng tingin gamit ang nanunusok na mata nito.

"Nandito ba si Matthew Gonzalez na grade 12, Stem, Velazquez?" Tanong ng lalaking may dalang maraming envelope, nakatingin ito sa akin sa labas ng bintana.

"Opo." Napalunok ako at tinuro si Matthew na nakasandal sa dingding.

"Ah, sige thanks." Anito bago lumapit sa pintuan. Bumukas ang pintuan at tinawag ang pangalan ni Matthew.

"Mayroong mga sulat para sa'yo." Inabot ng lalaki ang limang envelop sa kanya ngunit naiwan ito sa ere ng hindi ito tinanggap ng lalaki.

"Itapon mo iyan." Diretsang sabi Matthew kaya natigilan naman ang lalaki at dahan-dahang binaba ang kamay nito.

"Hindi mo pwedeng ipatapon ito dahil kai—"

"Ang sabi ko—itapon mo 'yang basurang iyan." Medyo tumaas anh boses nito kaya hindi nalang umimik ang lalaki sa labas.

Nanikip naman ang dibdib ko sa sinabi nito. Basura lang pala ang tingin nito sa mga pinaghirapan ng mga admirers nito?

I was almost happy na napadpad siya rito dahil hindi ko na kailangan pang mang-stalk pa sa taga-deliver ng mga liham para e-check kung natanggap ba nito, balak ko pa naman sanang gawin iyon pagkalabas ko.

Pumitik ang puso ko, hindi ko alam kong madi-dissapoint ba ako, magagalit o malungkot...dahil honestly maraming oras ang ginugul ko at hinalukay ko pa ang magagandang salita sa isipan ko para lang ma-express ang feelings ko sa kanya in a poetic way. But wala lang din palang silbi.

Kinabahan pa ako dahil first time kong mag-confess sa isang lalaki.

Parang ang sarap mong  e-uncrush Matthew. Kung pwede lang sana. Pero hindi rin e, crush na crush na talaga siguro kita.

A taste of my medicine Where stories live. Discover now