Chapter 1

1 0 0
                                    

Lakad-takbo kong tinungo ang linya ng mga kaklase ko sa gym dahil late akong ginising ni mama kanina. Napuno tuloy ng sermon ang umaga ko. Galit na galit si mama sa akin dahil ni gumising para sa eskwela ay kailangan pa ng assistance niya.

Pati sa pag-aalmusal ko ay hindi parin matigil si mama sa mga sermon nitong tinipon ng tila isang linggo pa yatang pinag-iisipan at kanina lang ibinuhos lahat.

Kaka-ring lang ng bell sa school nung nasa may-gate pa ako kaya wala na talagang time para pumasok sa classroom ko para ilagay ang bag ko doon.

Kaya ang ginawa ko nalang ay sumali sa linya bitbit ang bag ko na may maraming libro. Hindi rin biro ang kabigatan nito.

"Faster!" Sigaw ng isang SSLG  sa mga estudyanting parang walang hinahabol na oras. Sobrang chill nitong maglakad. Parang ang oras pa ang humahabol sa kanila.

"SILENCE!"  Sita ng leading teacher na mayhawak na mike sa stage.

Biglang tumahimik ang lahat ng estudyante hanggang  sa mumunting bulong nalang ang maririnig sa buong gymnasium. Na sinaway naman ng ibang estudyante dahilan ng pagtahimik nito.

"Kung makapag-chika parang isang linggo kayong hindi nagkita SILENCE!"  He continues when other students start bickering.

"Faster! 'tong mga batang 'to—late na nga kaybagal-bagal pang maglakad!" Reklamo ni Sir Jay.

"Dominic! Faster!"

May ibang mga ulong napapalingon kung sinong mga estudyante ang tinutukoy ng Guro. Lumingon din ako dahil ako din naman ang nasa pinakahuling linya ng section namin.

I almost laugh when I saw Alyn running towards me at sobrang bagal nitong tumakbo, naka-heels din ito kaya hindi ko tuloy mapigilang ma picture out ang tumatakbong inahin sa aking isipan ngunit napunit din kaagad ang ngiti ko ng makitang nasa unahan si Matthew. Sobrang kalma nitong maglakad na para bang hindi narinig ang pagsaway ng guro sa kanila.

He's wearing his senior high uniform na bagay na bagay sa kanya. It highlighted and complemented his pale skin and he looked really handsome. Nakayuko lang ito, nakatingin sa kanyang cellphone.

Bumalik ang tingin ko kay Alyn na nagtatakbong nag-sign of the cross dahil magsisimula na pala ang prayer.

Throughout the flag ceremony ay palihim akong tumingin kay Matthew na tahimik lang sa linya ng mga kaklase nito.

Never pa akong sumaya sa tuwing mala-late ako dahil bukod sa nakakahiyang sitahin ng Guard , SSLG at ng ibang  mga teachers ay mabigat rin ang bag ko.

Pero kung ang kapalit din naman nito ay ang makanakaw ako ng tingin kay Matthew ay tatanggapin ko talaga lahat ng mga sita nila.

"Birthday ni Lola sa sabado imbitado ka, ah?"

Naglalakad kami ngayon patungo sa library dahil mayroon kaming kailangan hanapin na impormasyon na pinapa-assignment ng Science teacher namin.

May free time naman kami ngayon dahil nag-sick leave ngayong araw ang susunod na teacher namin sa English and I better use this opportunity to do my assignments kaysa naman magmukmuk doon sa room.

"Basta ba sunduin mo ako sa amin."  Ani ko sa kanya. Lumiko kami sa may corridor pagkatapos naming umakyat ng hagdanan patungong second floor.

"Si kuya ang magda-drive sa atin."

Dumaan muna kami ng dalawang classrooms bago namin narating ang Library.

"Kuya mo? Diba nasa ibang bansa naman ang kuya mo?"

A taste of my medicine Where stories live. Discover now