Track 3: Contract

20 6 0
                                    

IORI'S POV:

--
SINAMAHAN ako ni Felip papunta sa office ni Thunder para pumirma ng kontrata bilang car racer ng RDM Speed.

Napadaan kami sa mga estante na puno ng trophies at mukhang matagal na rin sila sa industriyang ito.

"Those are the achievements of RDM Speed, Iori." Paliwanag sa akin ni Felip nang makita nitong nasa estante ang atensyon ko habang naglalakad kami.

"Ilang taon na sa circuit race track ang RDM Speed?"

"Hmm. Maybe ten or fifteen? I am not sure since they started it when they were fifteen years old."

"Seriously? Ilan ba ang may ari ng RDM Speed?"

"Only one but he's not here because he loves hiding himself together with his computer. Mas gusto niyang manatili sa harapan ng monitor kaysa sa manibela."

Lumapit si Felip sa isang estante at binuksan nito ang sliding glass door at may kinuha na tropeyo.

"This trophy is one of his achievements as a car racer when he was eighteen. Ang unang race niya ay sa Japan na agad hinakot ang first place at kalaunan sunod-sunod ang kompetisyon na sinalihan niya. Naitayo na rin noon ang RDM Speed at sa kanya pa nakapangalan."

Pinakita sa akin ni Felip ang trophy pero kahit isa sa mga 'yon ay walang mga pangalan. RDM is kind of mysterious. I wanted to meet him and asked him to be my coach if its needed kaso mukhang imposible na makadaupang palad ko siya.

Ibinalik ni Felip ang tropeyo sa estante at saka kami nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa isang pinto na gawa sa salamin. Felip reach the door knob as he opened it for me. He may be a jerk but he's somewhat gentle.

Nagpatiuna ako kay Felip pagpasok at saka ito sumunod sa akin, nadatnan namin ang isang lalaki na nakaupo sa swivel chair at mukhang abala ito.

"Bozzelli, long time no see." Lumapit si Felip sa lalaki dahilan para mapatingala ito at mapunta sa amin ang atensyon niya.

"Saavedra, is that her you told me over the phone?"

"Oh right, Iori this is Onyx Eviel Bozzelli. He's one of the owners of RDM Speed. Fourth this is Iori."

Nakipagkamay ako kay Fourth at agad naman itong tumayo sa kinauupuang swivel chair at saka inabot ang kamay ko.

"Nice to meet you, Miss Morimoto, just call me Fourth. I don't like someone calling my real name."

I shrug. "Iori. Though I don't also like calling your name."

"Oh." Reaksyon ni Felip. "She hates guys who is good looking and mouth watering like us, Fourth." Bulong pa nito sa lalaki pero rinig ko naman.

Wala naman akong pakialam kung ipagkalat ni Felip na galit ako sa mga lalaki, especially sa mga mamamatay tao. Nang dahil sa kanila nawala ang Mommy ko na iniidolo ko pagdating sa karera.

"Have a seat Iori. This is the contract that Thud told me." Iniabot niya sa akin ang papel na binabasa niya kanina.

RDM Speed Contract ang nakalagay sa itaas ng papel at may logo sa magkabilang gilid nito. I deicided to read the do's and don't's about their business and so as the responsibilities as one of their car racer.

Matapos kong basahin ang kontrata, ibinalik ko 'yon kay Fourth at pinirmahan.

"Question regarding the contract or something you want to add?" Aniya.

"I am fine with it as long as it involves the steering wheel and engines."

Tumango si Fourth sa naging sagot ko bago nito isinilid sa drawer ang kontratang pinirmahan.

Revenge on TrackTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang