Track 24: Threats

20 6 0
                                    

IORI'S POV:

--
ISANG mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni Michael nang pumunta ako sa S.A Financial. Umuwi ako ng Laguna para makita si Michael at ipaalam dito na ayos lang ako.

"C-Can't breath!" Reklamo ko kay Michael dahil sa higpit na pagkakayakap nito at agad ako nitong binitawan. "Hindi nga ako namatay sa aksidente, papatayin mo naman ako sa yakap mo!"

"I am just worried sick, Iori! You already saw how your Mom died because of that." Aniya.

Nilagpasan ko si Michael at saka ako naupo sa mahabang sofa na nasa loob ng kanyang opisina. Sumunod naman sa akin ang binata at saka ito naupo sa tabi ko at inakbayan ako.

"I can't stop thinking if something bad happen to you, Iori. Pakiramdam ko isang pagkakamali na hinayaan kitang pumasok sa mundong bumawi sa buhay ni Tita Riorin."

I let out a sigh. "Wala kang kasalanan, Michael. I choose this path at ito na lang ang huling alaala na meron ako kay Mommy. You don't have to blame yourself because it's not your fault."

"Pero kaligtasan mo naman ang kapalit?"

"Ayos nga lang ako diba? Hindi naman ako pinabayaan ng RDM Speed, lalo na si Rent."

Umalis si Michael mula sa pagkakaakbay sa akin at saka ako hinarap. "You meet him?"

"Yeah. Inside that race. He's the one who saved me from Montejo."

Hindi umimik si Michael kaya naman napalingon ako rito. Tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip kaya hinayaan ko na lang.

Sumandal ako sa head rest ng sofa at saka ako napatitig sa kisame nang opisina ni Michael at namayani ang katahimikan sa aming dalawa.

I don't know what would happen after that incident and RDM Speed aren't contacted me. Tinatamad din akong bumisita doon at hindi rin tumatawag sa akin si Warren o si Melvin.

"Oh, right. I have something to tell you."

"Fvck! Don't shout like that!" Inis na sambit ko kay Michael nang bigla itong sumigaw kaya naman napaigtad ako sa kinauupuan ko at tinignan siya ng masama.

Pero ang loko natawa lang sa naging reaksyon ko ngunit agad itong nagseryoso.

"How many threats did you receive inside the Kurusaki Condominium?"

Umawang ang bibig ko sa naging tanong niya.

"H-How did you know about that?" Dinamba ako ng kaba dahil sa pagiging seryoso ni Michael.

Maloko at palabiro si Michael pero kapag tungkol sa mga personal na bagay lagi itong seryoso. Kaya pakiramdam ko para akong nililitis habang nakatingin siya sa akin ng seryoso.

"You can't hide those things away from me, Iori. I know everything. Tell me how many did you receive?"

"T-Two or three? I don't know. Hindi ko naman pinapansin ang mga 'yon kahit na ginagamit ang pangalan ng Mommy ko."

Humalukipkip ako sa upuan at pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib ko.

"I will hire a bodyguard for you, Iori."

I raise my eyebrows. "A bodyguard? Seriously, Michael hindi ako bata para bantayan."

"We don't know who's the enemy, Iori. This is all I can do to protect you." Mahinahong sambit nito.

Humugot ako ng malalim na hininga at saka bumuga. Ipinikit ko ang aking mga mata para pigilan ang pag-alpas ng inis sa dibdib ko.

'Why do I need to be protected?'

Revenge on Trackحيث تعيش القصص. اكتشف الآن