Track 31: Monster

15 6 0
                                    

IORI'S POV:

--
WALANG araw na hindi lilipas nang hindi ako sinasaktan ni Cielo nang pisikal. Nanghihina na ako at nilalamig na rin nang ilublob niya ako sa isang drum na puno nang yelo.

"Kung patayin mo na lang kaya ako!?" Tamad na sambit ko kay Cielo habang pinipigilan ang panginginig ng kalamnan ko. Pakiramdam ko bubuka ulit ang tahi ko sa ulo mula sa aksidente dahil sa pinaggagagawa ni Cielo sa akin.

Malamig na tingin ang pinukol ni Cielo sa akin habang si Pablo at Josh ay nanatili lamang sa likuran ni Albert. I feel helpless every time Cielo hurt me. I almost vomited blood from the various types of pain I received from Cielo's hands. He doesn't even feel pity for me and seems to have a closed mind.

Kunsabagay, hindi naman ako nagmakaawa sa kanya o kahit sigaw ay wala siyang narinig sa akin.

"You still have the strength to speak, huh? If I cut off your tongue too?" Ani ni Cielo at saka hinablot ang buhok ko at itinaas ang mukha ko mula sa drum na puno nang yelo.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "If you could untie the rope from my hands ng magkaalaman tayong dalawa?"

"You think you can do anything if you end up being an ice statue, huh, Iori?"

He's a fvcking lunatic!

I raised my eyebrows towards him.

"I didn't live on earth just to surrender to a demon like you, Cielo. Do you think it's easy to subdue an Iori Morimoto? I once passed you on the race track and now you use violence to silence me? I haven't gotten my mother's justice and you won't be the cause of my death either!"

Akmang ilulublob ni Cielo ang katawan ko sa drum nang may lumapit na tauhan niya at binulungan ito. Hindi ko alam kung ano sinabi sa kanya nang makahinga ako ng maluwag dahil sa binitawang salita ni Cielo.

"Take her back to my room and let this girl's body get wet. I'll be back after I put our guests away." Binitawan ni Cielo ang buhok ko at naglakad ito paalis ng torture area sa basement ng kanyang bahay kasama si Pablo at Josh.

Kahit kailan wala talagang naidudulot na maganda ang mga lalaking umaaligid sa akin. Mula sa Tatay kong hindi ko kilala at hindi ko alam kung humihinga pa ba, sa grupo nina Cielo, sa RDM Speed at lalong lalo na kay Rent.

'Kumusta na kaya si Rent? Hinahanap niya ba ako o nasa Egypt pa rin siya?'

Iwinaksi ko ang aking isip nang alalayan ako ng isa sa mga tauhan ni Cielo at dinala pabalik sa kwarto.

"Papupuntahin ko ang doctor dito. Mukhang bumuka yung tahi mo sa ulo." Ani nang lalaking nagbalik sa akin sa pinagkukulungan nila sa akin.

"Bakit pa ako gagamutin kung araw-araw naman akong papatayin ni Cielo mula sa mga parusa niya?" Inis na sambit ko.

Hindi umimik ang tauhan ni Cielo, bagkus itinali ako nito sa ibabaw ng kama katulad nang kung paano akong nagising sa lugar na ito. Nang masiguro niya na ayos na lahat, agad itong lumabas ng kwarto at makalipas ang ilang minuto, may kasama na itong doctor pero hindi 'yon ang doctor na gumamot sa akin dati.

Lumapit sa akin ang doctor at sinimulang linisin ang sugat ko nang pigilan siya nang lalaking nagbalik sa akin sa kwarto mula sa basement.

"Yung tahi sa ulo ang linisin mo, hindi ang sugat niya sa katawan." Malamig na wika nito.

Marahang tumango ang doctor at saka dumukwang sa ulo ko para tignan kung lumabas na ba ang utak ko. Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng kwarto at halos wala na akong maramdaman dahil sobrang manhid na ng katawan ko at balot na rin ng pasa ang buong katawan ko dahil sa pagbababad ko sa yelo ng bente kwatro oras.

Revenge on TrackTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang