Track 25: Bet

17 5 0
                                    

IORI'S POV:

--
MATAPOS naming magkita ni Michael noong nakaraang araw, agad akong nagpasya na bumalik ng Maynila dahil pupunta ako ng RDM Speed para sa nalalapit na semi-finals.

Naghilom na rin ang gasgas sa katawan ko maging ang mga pasa na natamo ko mula sa aksidente. Wala na rin akong balita tungkol kay Montejo at bumabagabag din sa isip ko ang lalaking kumausap sa akin nang nasa fast food chain kami ni Michael.

"Yo, Iori?" Bati sa akin ni Melvin nang makita ako nitong pumasok sa lobby ng RDM Speed.

"Hi, Melvin. Kamusta?" Balik na bati ko rito at saka ito nilapitan sa front desk.

"Pogi as always." Nakangising wika nito.

Nalukot ang mukha ko dahil wala akong panahon na makipag-biruan sa kanya.

"Feeling mo naman ang gwapo mo?" Pang-aalipusta ko rito.

Nagkibit-balikat si Melvin. "Yon ang sabi ng asawa ko."

Napairap na lang ako sa kawalan at saka siya iniwan at dumiretso ako sa race track. Nadatnan ko roon si Duke, Warren, Sytry at Ruax na naglilinis ng sasakyan.

"Napaaga yata ang dalaw mo, Iori? Miss mo ako?" Ani ni Warren nang makita ako nito.

"Ako kaya ang na-miss ni Iori." Angal naman ni Duke at saka ito lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Mandiri kayong dalawa. Bitawan mo nga ako Duke Santos!" Itinulak ko si Duke at tatawa-tawa naman itong humiwalay ng pagkakaakbay sa akin.

"Ang hirap mong paamuhin, kaya ka walang boyfriend eh." Ani pa ni Duke.

"I can live with my life alone, Duke Santos. I don't need a boyfriend or whatever you call it. They are just a hindrance and a headache for fvcking sake." I hissed.

Napapailing na lang si Warren at Duke sa sinabi ko habang si Sytry at Ruax ay walang pakialam sa pinag-uusapan namin dahil abala sila sa paglilinis ng mga sasakyan.

Speaking of sasakyan.

"Warren, can I use the Mitsubishi Lancer for today?" Tawag ko kay Warren na nagpupunas ng kanyang kamay na puno ng grasa.

"Sure. Alam mo naman kung na saan ang susi no'n."

Marahan akong tumango kay Warren at saka tinahak ang garahe kung saan naroon ang Mitsubishi Lancer. Agad kong kinuha ang susi na nakasabit lamang sa pader at saka ko binuksan ang pinto ng sasakyan at sumampa ako sa driver seat. Isinalpak ko ang susi sa ignition at saka ko ito minaneho papunta sa track at doon bumuga ng alikabok ang sinasakyan kong kotse.

Mitsubishi Lancer's engine roared in a broad day light while I am inside of it. Hindi ko alam kung bakit hinahanap ng sistema ko ang tunog ng makina, ang itsura ng race track at ang hangin sa paligid ko. Siguro dahil natagalan ako sa pamamahinga gayong ilang araw lang naman akong hindi pinayagan na pumunta ng RDM Speed.

Umangat ang kilay ko nang may bumalandra sa tabi ko na isang ferrari at bumaba ang bintana nito. I saw Rent inside the ferrari. His green eyes fixed on me with his serious face.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang sasakyan ko at umalingawngaw doon ang boses ni Rent.

"Let's race, Morimoto." Rent said.

Umawang ang labi ko.

'Problema naman ng isang ito?'

"What if I don't agree?" Mapanuring tinitigan ko ito mula sa kabilang sasakyan.

Revenge on TrackWhere stories live. Discover now