Track 4: Grocery

18 7 0
                                    

IORI'S POV:

--
NAGISING ako sa isang pamilyar na kwarto at agad akong bumangon sapo ang aking ulo dahil sa kirot na nararamdaman ko.

Michael and I ended up inside the bar named Grind Me Harder. Aniya, isang prestigious hide out ang GMH at maraming kababalaghan umano ang nagaganap sa bar na 'yon.

Pugad daw ito ng mga nagbebenta ng pinagbabawal na gamot pero ang kabaliktaran nito ay sinadya talagang gawing pugad ng mayayaman para madaling mahuli ng awtoridad.

Akala ko kakain lang kami sa labas para sa celebration kuno ni Michael, pero namalayan ko na lang na nasa loob na kami ng maingay na bar at nagpakalunod sa alak.

Napalingon ako sa kanang bahagi nang kama ng gumalaw ang isang nilalang na nakahiga doon.

It was Michael.

Siraulong 'to, porket sa kanya ang condo na tinutuluyan namin ang lakas ng loob na tumabi sa akin sa pagtulog? Suot ko rin ang t-shirt niyang halos lamunin ang katawan ko dahil sa abot ito hanggang tuhod ko. Wala kasi akong dalang gamit nang magpunta ako ng Maynila dahil hindi ko naman alam na mag-stay na pala ako dito para sa kompetisyon.

Pinihit ko ang katawan ko at hinarap ang natutulog na si Michael. Nakaharap sa akin ang malapad niyang likuran at wala siyang suot na pang-itaas, tanging jersey shorts lang ang suot niya. May unan na nakaharang sa gitna at mukhang siya ang naglagay.

I do trust my bestfriend, pero masama pa ring tignan na magtabi sa iisang kama ang babae at lalaki. At malamang, siya rin ang nagbihis sa akin kagabi dahil sa kalasingan.

"Michael?"

"Hmm?"

"Breakfast. Nagugutom na ako."

Pumihit si Michael paharap sa akin at saka hinanap ang kamay ko na pilit akong inaabot at basta na lang akong hinila pahiga sa tabi niya at niyakap ng mahigpit.

"Kapag hindi ka bumangon sisipain kita!?" Pagbabanta ko rito pero nanatiling nakapikit si Michael.

"Five minutes, Iori. Ang hirap mong alagaan pag lasing." He said with his husky voice.

Napabuntong-hininga ako at humiwalay mula sa pagkakayakap sa kanya at hinayaan niya naman akong makabangon ulit.

Tumayo ako mula sa kama at saka ako lumapit sa walk-in closet niya at naghanap ng pampalit na damit. Isang itim na unisex t-shirt at jogging pants ang kinuha ko mula sa closet ni Michael bago ako pumasok sa banyo para maligo.

Kailangan kong mag-isip ng plano kung paano ko sisimulan ang pagbukas ng kaso tungkol sa pagkamatay ni Mommy. Hindi ako matatahimik hanggat hindi nakukulong ang taong nasa likod ng pagkamatay niya.

Pagkatapos kong maligo, agad akong lumabas ng banyo at nakita ko si Michael na gising at tulala ito habang nakaupo sa kama.

Lumapit ako dito at magkakrus ang braso ko sa ibabaw ng dibdib ko nang tumayo ako sa harapan niya dahilan para mapatingala ito sa akin.

"Ang aga-aga, parang binagsakan ka ng langit at lupa. May problema ba?"

Marahang umiling si Michael sa akin.

"Wala. I was thinking to let you stay here while you are in training, Iori. Dadalhan na lang kita ng gamit."

"Ayaw mo na akong umuwi sa bahay namin?"

"Of course not. Gusto ko lang na mag-focus ka sa race. Diba pangarap mo ito? Ang sundan ang yapak ni Tita sa mundo ng karera. Sabay nating natunghayan kung gaano kagaling si Tita sa paghawak ng manibela kaya sigurado ako na mas magaling ka." Nakangiti nitong sabi.

Revenge on TrackWhere stories live. Discover now