NAGSASAWA KA NA BA??

6 4 1
                                    

"Love, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya, habang hawak ko ang kanyang kamay.


Ngumiti siya. "Sure anong meron?"



"Nakakasawa naba? Sa gantong Sitwasyon" tanong ko sa boyfriend ko.



"Bakit?," sagot niya.


"Wala," mahinahong sabi ko. Pero sa loob-loob ko, gusto kong sumigaw, magwala, at manakit.


"Bakit mo na tanong?" tanong niya, nanginginig ang boses.



pilit Kong pinipigilan ang pag-iyak bago ako mag salita.



"Dahil. H-Halos mabaliw na ako kakaisip kung ano iyong pagkakamali ko saiyo na minsan hindi mo ako kinakausap. N-Natatakot na ako. Natatakot na balang araw iwan ako, at pakiramdam ko halos palagi nalang at paulit-ulit ang panahon sa akin. Ang sakit! Sa sobrang sakit nag kakasakit na ako. kasi alam mo ba hindi ko alam kung kanino o sino pa ang pagsasabihan ko ng sakit na nararamdaman ko. Minsan naisip ko kung kaya ko pa ba? Kasi, habang tumatagal na pagod na pagod na ako pagod na pagod na akong umiyak pati na Ang púso ko, gusto ko na sumuko hindi ko na kaya!. Hindi ko na talaga kaya lahat ng sakit! Gusto kong mawala na parang bula bakit ako pa yong nag dudusa sa sakit?."



Tumigil ako sandali para pumutol ng hininga. Tumingin ako sa kanya, naghahanap ng sagot sa mga tanong ko. Ngunit tila wala siyang masabi.


"Hindi ko alam na nasasaktan kana pala," wika niya.






"Paano mo malalaman kung hindi mo ako pinapansin?" sagot ko, medyo galit. "Lagi mo akong iniiwasan kapag kasama natin ang mga kaibigan mo. Lagi kang busy sa cellphone mo kapag kaming dalawa lang. Kapag tinatanong kita kung bakit, lagi mong sinasabi na nagda-drama lang ako."



"Ganon ba?" tanong niya, gulat na gulat.


"Akala ko nasanay ka na. Alam mo namang mahina ang attention span ko pagdating sa mga ganyang bagay."



"Kahit nasasaktan ako, lagi mo naman iniisip na nagda-drama lang ako. Lagi mong sinasabi sa akin na umiiyak lang ako dahil gusto kong makuha ang gusto ko. Pero hindi, hindi naman madaan sa iyak ang sakit na nararamdaman ko!" dugtong ko.


"Lagi mo naman akong iniiwasan pag magkasama tayo. Mas masaya ka pang kasama ang mga kaibigan mo kaysa sa akin!"


"I'm sorry, talaga," ang tanging nasambit niya...



"Sorry? Kapag ako naman nag so-sorry sayo tinatangap mo ba? Diba Hindi! Yong part na pupunta ako sa paaralan na happy lang dapat at pag uuwi iiyak ulit.... Ang sakit sakit kinakausap mo lang ako pag may kaylangan ka... Pero pag ako Naman Wala ni isa reply!... I hate this feeling na lagi na lang ako umiiyak ayuko na!!!"



-Zaleniaxxein (m'ladychary)

Random One Shot Story Donde viven las historias. Descúbrelo ahora