SOMEONE KNOCKING TWICE

4 4 0
                                    

Alas dose na ng gabi at nag-iisa lang si Ana sa bahay nila. Nakatulog na ang kanyang mga magulang at naiwan siyang nag-aaral para sa test kinabukasan.






Biglang may narinig siyang mahinang katok sa pintuan. Kinabahan siya at tiningnan ang orasan.




"Sino naman kaya yan?" bulong ni Ana sa kanyang sarili.





Dahan-dahang lumapit si Ana sa pinto at tumingin sa peephole ngunit walang makita. Muli, may narinig siyang mahinang pagkatok.





"Hello? Sino jan?" tanong ni Ana.





Walang sagot. Nanlalamig ang kanyang buong katawan habang nakatayo sa harapan ng pinto. Alam niyang delikado ngunit curious din siyang malaman kung sino ang kumakatok.






Para mapanatag ang sarili, sinabi ni Ana, "Siguro guni-guni ko lang o hanging gumagalaw sa mga puno. Wala namang tao sa labas."






Ngunit sa ikatlong pagkakataon, muling may narinig siyang katok. Dalawang uli na katok Ngayon mas malakas at mas matagal ang tunog.



Isa Katuk



Dalawa katuk




At titigil ng limang minuto at uulitin ulit




"Ayoko na nito!" takot na sabi ni Ana.




"Tatawag na lang ako kay Papa."





Ngunit bago pa man makuha ni Ana ang kanyang cellphone, biglang bumukas ang pinto na animo'y may kusa itong gumalaw. Walang tao sa labas ngunit malamig ang hanging pumapasok sa loob ng bahay.





"P-papa?! Nandyan ka ba?!" Sigaw ni Ana habang nanginginig.




Maya-maya'y may marinig siyang lalaking boses na nagsasalita.




"Huwag kang lilingon... Kung lilingon ka, kukunin kita."




Takot na takot si Ana ngunit dahan-dahang lumingon siya. Doon niya nakita ang nakasisindak na anyo ng isang lalaking nakaitim, walang mukha at puno ng dugo.





"Sabi sa iyong huwag lilingon!" Sigaw nito.





Tumakbo si Ana papunta sa hagdan ngunit naabutan siya nito. Hinablot nito ang kanyang paa at sinimulan siyang hatiin.




"Papa! Tulong! Multo!" Sigaw ni Ana habang sinusubukang makawala.






Ngunit huli na ang lahat. Winasak ng halimaw ang katawan ni Ana at puno ng dugo ang buong bahay.







Maya-maya, nagising ang magulang ni Ana at nakitang patay na ang kanilang anak. Mula noon, lagi nilang naririnig ang katok ngunit hindi na sila lumalapit o bubuksan pa ang pinto, takot na maulit ang nangyari kay Ana.




Hanggang ngayon, sinasabi ng mga matatanda na huwag buksan ang pintuan kapag may dalawang magkasunod na katok sa gabi. Pagkat makakasalamuha mo ang pinakamasamang nilalang mula sa kabilang buhay.

---


Matapos ang nangyari kay Ana, naging malungkot at takot na ang kanyang pamilya. Palagi silang nakukulong sa loob ng bahay at hindi na lumalabas o bukas ang kanilang mga bintana o pinto.





Isang gabi, narinig muli ng magulang ni Ana ang katok -



isa-




dalawa






Nanlaki ang kanilang mga mata sa takot. Agad silang tumakbo patungo sa kwarto at pininggan ang pinto.






"Nandito na naman siya!" sigaw ng kanyang ina.






"Huwag mo ngang buksan!" sagot naman ng kanyang ama.







Patuloy ang pagkatok nang pagkatok. Paulit-ulit itong nagreresonate sa buong bahay. Para bang sinasadya nilang takutin at guluhin ang mag-asawa.






Maya-maya ay biglang tumigil ang katok. Akala ng magulang ni Ana ay umalis na ang presensya. Ngunit biglang may nagsalita mula sa labas ng kwarto nila.








"Bakit hindi niyo ako pinapasok?" bulong nito. Malamig at nakakatakot ang boses.







Napahawak ang mag-asawa sa isa't isa, nag-iingat na huwag gumalaw o bumulong.





"Alam kong naririnig niyo ako. Buksan niyo ang pinto o pasukin ko rin kayo."





Doon napasigaw na ang nanay ni Ana. "Maaawa ka sa amin! Wala na kaming anak dahil sa iyo!"





Bigla itong tumawa ng malakas. "Kasalanan niyo yan! Sinabi ko sa inyong huwag akong kakatukan nang dalawang beses!"





Nanginginig pa rin ang magulang ni Ana sa takot. Alam nilang hindi sila ligtas kaya umaasa silang mawawala rin ito.





Ngunit hindi. Maya't maya ay nagsimula itong manakot muli.






"Pasukin ko kayo riyan! Ihahati ko rin ang inyong mga katawan! Duguan ang sahig niyo!"






Sa bawat salita nito ay mas lalong dumadagundong ang takot sa puso ng mag-asawa. Hindi na nila alam ang gagawin. Huli na ba sila o may pag-asa pang maligtas?





Don't Open The Door pag nakarinig kayo ng dalawang beses na katok kapag gabi



-Zaleniaxxein (m'ladychary)

Random One Shot Story Where stories live. Discover now