PROLOGUE: THE BEGINNING

217 9 0
                                    

ALFLORA POV

"Golok, kuhaan mo nga ako ng isang parte ng binti, kanina pako nagugutom, putulan mo muna yang salot nayan." Sabi ng isang panget na hobo goblin (mas malaki at mas malakas kesa sa normal na goblin) habang hawak ang kanyang chan at hinihimas himas pa ito.

"Kakain ka nanaman?!, hindi ba't kakakain lang natin, baka naman mawalan na ng lakas at dugo etong salot nato, baka mawalan tayo ng panustos sa pagkain." Saad naman ng kasamahan nya ring panget habang hatak hatak ako at naka salampak sa lupa.

Ayt hindi pa pala ako nag papakilala, ako nga pala si alflora luis alfonso, nagtataka siguro kayo kung bakit may hobo goblin na humahatak sakin.

Ganto kasi yan eh, nasa ibang mundo kasi ako, ewan ko kung saan ako napunta ng bigla nalang nagiba yung lugar na lagi kong tinatahak papunta sa aming bahay at ayu.....

"AGKKKKK!!, Puta dahan dahan naman sa pag kuha ng binti ko, para kang mauubusan eh!.' Pagalit at sarkastiko kong sambit sa kanila, bumulwak naman ang masaganang dugo sa aking binti dahil hinatak ba naman para maputol.

"Huwag kanang umangal dyan salot, pabalikin mo nalang yang binti mo para hindi na lumala yang lagay mo, baka mawalan pa kami ng rasyon ng pagkain." Sabat ba ng pangatlo nilang kasamahan. Hindi ko nalang sila inisip at nanahimik kahit deep inside masakit parin, syempre putulan ka ba naman ng binti di ka masasaktan.

Pinabalik ko nalang ang aking binti at nag lakad lakad ulit sila at ako naman ay hatak hatak nila na parang basura.

Ewan ko kung bakit nangyari to sa buhay ko, naging mabait naman akong bata, naging masunuring anak, although minsan hindi, pero di parin yun valid, hindi ko naman hinahangad din itong salot na regeneration kineme na to, bakit kasi meron pakong ganto, edi pinag pipyestahan ako ng mga halimaw dito sa ibang mundo.

Lord ayoko na suko nako,  3 yrs na ohh, baka naman pwede mo ng bawiin tong perwisyong gift mo sakin, hindi ko na kaya ehh, parang impyerno nalang talaga yung nararanasan ko araw araw. 

Lord hindi ko na po kaya, suko na po ako, sana panaginip nalang ng lahat ng ito, sana hindi nako umalis ng bahay, sana hindi nako gumala, sana hindi nalang ako nakipag kita sa mga kaibigan ko, sanaa..

THE UNKNOWN Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang